Chapter 8

155 2 0
  • Dedicated kay Lorie Jeanne De Vera
                                    

Sedric's POV

Nakapagbihis na ako at nagsusuklay na sa harap ng salamin habang rinerehearse ko yun sasabihin ko duon sa opisina ng babae, ang nakakapagtaka lang, ang tumawag saamin lalaki. Baka tatay niya, o kaya Tito niya.

Pero ang sabi ng Tita ni Jade, ang possibleng tumawag si Ayate Yamamoto, yun tatay ng babaeng yun, kilalang kilala pala siya sa Glorymount, isa siyang spoiled brat, feeling gangster daw kahit hindi naman daw talaga.

Ewan, yung ang mga narinig ko. Hindi nga ako nakatulog sa kakaisip at kakaimagine kung anong itsura ng sinasabi nilang Ayate Yamamoto na yun.

What if he's just an old man in a black suit? Sabi nga nila most Japanese old men are bald and stern-looking pero they won't harm.

'Alis ka nga diyan," sabi ni Jin, pushing me aside, nakatunganga na pala ako sa harap ng salamin sa kakaisip ko.

Lumingon ako, nakita ko si Jade na tulog pa sa tabi ni Austin, humihilik pa nga at tumutulo pa ang laway.

"HOY, GISING NA SLEEPING BEAUTY!" nudging him on the ribs, kumuha ng face towel si Austin sa side table at pumasok sa loob ng CR.

Lumabas siya na may dalang balde, linublob niya ito at linagay sa mukha ni Jade na ayaw parin magising kahit anong gawin niya.

Kinuha ni Jin ang balde at binuhos neto ang laman ng balde sa mukha ni Jade.

"ANO BA?!!" inis na sabi ni Jade,

"HOY, may appointment pa tayo duon sa may ari ng kotse na sinira mo, kaya gumising ka na diyan at wag ka ng magpakaimportante diyan!" sabi ni Jin.

Hindi na umimik si Jade, pero padabog siya na pumasok sa loob ng CR.

May nabasag pa ata.

"SHIT!" narinig namin na sabi niya. 

Kinuha ni Austin yun gitara sa kama, nagstrum siya habang kumakanta, "When... I.. See.. Your smile... Tears roll down my face," ang ganda pala ng boses niya, kinakanta niya nanaman yun favorite song niya, Your Guardian Angel by The Red Jumpsuit Aparatus. 

Medyo nadistract kami sa pagkakanta niya kaya hindi na namin napansin na tapos na pala si Jade at nakapagbihis na siya.

Linapag na si Austin yun gitara sa kama at nagayos ng buhok sa harap ng salamin.

Tahimik kaming lumalabas ng bahay at naglakad na.

Habang naglalakad kami nagsipol si Jin at sinipa sipa yun lata sa kanto.

"Malayo pa ba lalakarin natin? Mamasahe nalang kaya tayo?" sabi ni Jin na naliligo na sa pawis, ang init kasi at madali kaming pagpawisan.

Kinapa kapa ko yun bulsa ko, nakalimutan ko pa pala yun pitaka ko sa bahay. 

"Shit, nakalimutan ko," I mumbled to myself.

Binatukan ako ni Jin.

"Seryoso?! Paglalakarin mo kami papunta at pauwi?!" sigaw niya,

"Eh hindi naman tayo magkakaganito ngayon kung marunong ka lang magcontrol ng temper mo at nagiingat ka," sabi ko, habang nagpupunas ng pawis.

"Eh hindi rin naman magkakaganito buhay ko kung hindi mo ako sinasama sa mga kalokohan mo," narinig kong sabi niya.

"May sinabi ba ako sayong sumama ka saakin nung gabing yun? Hindi ba ikaw yung pumilit na sumama?" sabi ko, linagay ko kamay ko sa pockets ko.

Tumahimik nalang siya. Medyo nainis ako duon sa sinabi niya.

Wala talagang awa si mother nature, patuloy parin na uminit ang panahon, namumula na ang mga balat namin sa sobrang init.

"Magpahinga na muna tayo duon!" turo ko sa isang waiting shed.

One Less Pretty GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon