-6-

85.8K 2.2K 267
                                    


TRUST ME. 


--

"JAHANN, ikaw ulit magluluto?" tanong ni Aly kay Jahann nang makabalik na kami. Hindi naman natuloy ang plano na mamimitas ng strawberry dahil anong oras na din kami nakaalis. Namili nalang kami at namasyal ng kaunti at kumain kung saan-saan bago napagdesisyunan na umuwi.

Kanina habang nasa sasakyan kami, nagpaplano na agad si Theon at Keij tungkol sa inuman ulit nila mamayang gabi. Sinabihan ko na kaagad si Aly at Lean na hindi sila pwedeng uminom. Bukas ng hapon ay uuwi na kami kaya naman mas mas mainam na hindi sila lasing o wala silang hang-over kapag umuwi kami. Isa pa, mahirap na malaman ni Daddy na nalasing si Aly. Sigurado ako na si Jahann ang pagagalitan 'nun.

"I'm tired. I want to sleep. Kaya naman na ni Enzo 'yan," sabi nito bago naglakad papunta sa hagdan. Nakatingin lang ako sakanya. Siguro nga'y napagod na din talaga si Jahann. Puyat din naman siya kagabi at maaga siyang nagising para magluto nang umaga.

"Ako nalang 'yung magluluto," sabi ko sakanila. Napansin kong natigilan sa pagalakad si Jahann. "Don't worry, Jahann. I know how..." ngumiti ako. Maybe he's worried. Bukod kasi sa bahay ay hindi ko pa nasusubukan magluto para sa ibang tao. Tutulungan naman ako ni Enzo kaya sa palagay ko'y wala namang magiging problema. Hindi siya nagsalita, sa halip ay dumiretso na lamang siya sa pagpanhik sa itaas para magpahinga.

Nagsipag-upuan na sila sa couch na naroon at binuksan ang malaking TV. Tumabi nalang din muna ako kay Aly para na rin tanungin kung anong gusto nilang kainin.

"Anything will do," tipid na sabi ni Kol sa akin. Tumango naman ako. Nagbigay ng iba't-ibang suhestiyon ang mga kasama namin ngunit sa huli ay si Enzo pa rin naman ang nasunod. Siya daw ang may alam kung anong meron sa kusina kaya siya ang nakakaalam kung ano ang lulutuin sa hindi. Hindi nalang din kami nakipagtalo sakanya lalo pa't nakakunot na naman ang noo niya.

"Enzo..." untag ko dito habang nakaupo ako at naghihiwa ng mga sangkap ng lulutuin niya. Hindi ko naman kasi malaman kung bakit bigla niyang naisip magluto ng afritada. Simpleng adobo lang naman ang nirerequest ng mga kasama namin kanina.

Nag-angat siya ng tingin sa akin. "What is it?" tanong niya bago muling itinuon ang atensyon sa paghihiwa ng karne ng manok.

I bit my lip. I'm not so sure if I can ask Enzo about something, but I have no one to ask. Kung kay Kol ako magtatanong, sigurado akong hindi ako kakausapin 'non. Kung kay Keij at Theon naman, pagtitripan lang nila ako.

"I'm waiting, Cherinna..." tila naiinip na sabi ni Enzo. Wala pa ngang isang minuto nung tinanong niya ako kung ano 'yon, eh. Napaka-mainipin naman nitong lalaking 'to.

Huminga ako ng malalim bago nagsalita. "Paano mo ba..." Damn. "Paano mo ba malalaman kung... kung seryoso sa'yo ang isang lalaki?" tanong ko sakanya. Hindi ako nag-angat ng tingin dahil nahihiya talaga akong magtanong. Baka mamaya ay kung anong isipin ni Enzo tungkol sa pagtatanong ko.

Hindi agad kumibo si Enzo. Patuloy lang ito sa ginagawa nito at tila walang narinig na sinabi ko.

"Nevermind. Kalimutan mo nalang na—"

"Is this about that guy named Ian?" kaswal lamang ang pagkakasabi ni Enzo sa akin bago nag-angat ng tingin.

"Ha?" agad na napatuwid ang likod ko. "No. It's just... uhm. It's just a random question and—"

"He likes you?" tanong nito. Kasabay noon ang pagtaas ng isang kilay nito. Pareho talaga sila ni Tito Blue. Hindi din maipagkakaila na si Blue De Guzman ang tatay ni Enzo.

Played by Fate - Book 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon