-47-

54.6K 2.1K 547
                                    


“STOP crying…” umupo sa tabi ko si Kol at hinawakan ang likod ko. Hindi ko pa rin mapigilan ang paghagulgol ko. I saw disappointment in her eyes. I saw how hurt she is. Kasalanan ko naman kung bakit. I gave in. Now, this is the prize of my actions… of my decisions.

Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanila ang totoo. Hindi ko alam kung paano ko ipapaalam sa mga magulang ko na buntis ako, and worst, kung paano sasabihin kung sino ang tatay ng anak ko.

Ngayon ay alam na nila.

Natatakot ako. Natatakot ako sa mga sunod na mangyayari.

“Cherinna, makakasama sa’yo ‘yang kakaiyak mo…” muling pag-aalo sa akin ni Kol. “Stop crying now…” hinawakan niya ang kamay ko at pinisil.

Mas lalo lamang akong nakaramdam ng lungkot.

Ako ‘yung sinasabi nilang hindi makabasag-pinggan sa aming lahat. Ako ‘yung palaging tahimik lang, ako ‘yung hindi naman nakikipagkaibigan sa iba pa dahil sapat na sa akin ang mga pinsan ko at sila Ate Caryl, pero ito… ako pa ‘yung magbibigay ng kahihiyan sa pamilya ko.

“Where the fuck is Jahann now?” narinig kong asik ni Kol. Bahagya ko siyang nilingon at nakita ko ang pagkuyom ng palad ni Kol. He’s always with me since Jahann left. He’s always make sure that I am okay. Higit lalo noong naghinala siyang buntis ako. Hindi niya ako pinabayaan.

“He’s not coming…” I managed to utter. Umiling pa ako. “Hindi babalik si Jahann dito…” kinagat ko ang labi ko.

Ngayon, parang mas gusto kong magpasalamat na hindi niya ako pinapansin. Gusto kong magpasalamat na hindi ko masabi-sabi sa kanya ang nangyayari dahil alam kong magiging mas malala ang sitwasyon kung malalaman ni Jahann ang kalagayan ko.

My mom loves us very much. It’ll really break her heart once she found out the truth. For her, we’re a perfect family… pero dahil sa akin, masisira iyon. Dahil sa akin, masasaktan siya ng husto.

Huminga ako ng malalim at pilit pinapakalma ang sarili kahit na sobrang hirap. Kahit na para na akong mauubusan ng hangin sa katawan dahil sa pag-iyak. Hindi matigil ang bawat paghikbi ko. Hindi matigil ang bawat pagpatak ng luha ko. Sa bawat lumilipas na oras, mas nararamdaman ko ang implikasyon ng ginawa ko.

“I’ll call him…” kinuha ni Kol ang phone nito at mabilis na tinawagan si Jahann. Agad ko siyang nilingon.

“No…” halos pabulong lang na sabi ko sa kanya. Hindi naman ako pinakinggan ni Kol.

Nakatingin lang ako sa kanya habang nararamdaman ko ang patuloy na pagdaloy ng mainit na likido mula sa mga mata ko.

“Damn,” Kol hissed as his jaw tightened. Even his grip on his phone was tight.
Muli nitong tinawagan si Jahann. Pero muling napamura lang si Kol. 

“He’s not going to answer it. Tama na, Kol…” nanghihinang sabi ko sa kanya.

“Maging okay lang kami ni Mommy, I will give him up…” yumuko ako at sinalo ng mga palad ang mukha. “I will give him up…” ulit ko.

Pakiramdam ko ay mas nadudurog ang puso ko sa kaisipan na kailangan kong bitawan si Jahann. I love him, but I love my mom, more. She’s the one who gave birth to me and I will always choose her. I may failed a lot of times, but in the end, I’d still choose her.

It’s really hard. Giving up someone you love so much. Giving up someone who made you the happiest even without doing anything. They say, you can’t have a rainbow without a little rain. I’m having a storm right now, will I have the rainbow after this? Will I ever find my own rainbow after all this pain?

Played by Fate - Book 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon