-8-

69.5K 1.9K 326
                                    


GAYA kahapon ay maaga akong nagising para tumulong sa pagluluto. Mas maaga nga ako kaysa kahapon. Hindi ko na muna ginising si Aly dahil alam ko naman na pagod pa ito gawa na rin ng trabaho niya kahapon.

"Good morning, Manang..." bati ko sa kasambahay naming na naroon. Naghahanda na ang mga ito ng pagkain. "Inunahan niyo ako sa pagluluto?" napalabi ako pero agad ding ngumiti. "Dapat pala mas inagahan ko ang paggising..." sinundan ko iyon ng mahinang pagtawa.

"Ang kapatid mo ang nagluto. Maaga siyang nagising, ang sabi niya, gusto niyang magluto kaya hinayaan nalang namin. Kami nalang ang naghanda ng mga ito," sagot niya sa akin.

"Si Jahann po?" nagtatakang tanong ko sa matandang babae. Imposible namang si Al yang tinutukoy nito dahil hindi marunong magluto si Aly. Kami lang ni Jahann ang nagmana sa cooking skills ni Daddy—kung namamana nga ba ang ganoong bagay. I'm more on baking, though.

"Oo. Pumanhik na siya sa kwarto niya dahil maliligo na daw para na rin maghanda sa pagpasok..." ngumiti ito sa akin bago lumabas ng kusina dala-dala ang mga niluto ni Jahann.

Naiwan akong nakatayo sa may kusina.

Hindi ko maiwasang maisip kung ano namang nakain ni Jahann at naisipan niyang magluto ng breakfast. Halos isang linggo naman na namin siyang hindi nakakasalo sa pagkain. Minsan iniisip ko na iniiwasan niya ako. Pero wala namang dahilan para iwasan niya ako.

Oh baka naiinis siya dahil sa pakikipag-usap ko kay Ian. Ibinilin kami ni Daddy sakanya. Marahil ay naiinis siya na hindi ako sumusunod sakanya.

Umiling nalang ako upang mapalis ang iniisip ko bago binuksan ang ref na naroon para kumuha ng tubig.

Napakunot ang noo ko nang makita ko ang box ng cake na binili ko kagabi na naroon sa loob. May maliit na blue na sticky note na nakadikit doon.

Mine. – Jahann

Kinuha ko ang note at tinignang maigi. Si Jahann ang nagsulat niyon.

Nakaugalian naming tatlo nila Aly na maglagay ng note sa pagkain naming sa ref dahil lagi nalang daw naming kinakain ni Al yang pagkain ni Jahann... pero lagi di namang hindi nasusunod. Madalas na ako ang hindi sumusunod. Hindi naman nagrereklamo si Jahann.

"That's mine, wag mo na pagbalakang kainin..."

Halos mapatalon ako nang magsalita si Jahann na nakasandal sa may pinto ng kusina. Naka-white t-shirt lamang ito at simpleng jeans at nakatingin sa akin.

Agad akong nag-iwas ng tingin at hindi ako sumagot sa kanya. Sa halip ay ibinalik ko ang pagkakadikit ng note sa may box at isinara iyon. Nagsalin nalang ako ng tubig sa baso. Hindi ko magawang mag-angat ng tingin kay Jahann dahil alam kong nakatingin siya sa akin. Nararamdaman kong nakasunod ang mga mata niya sa akin.

Tumalikod ako bago pumikit at huminga ng malalim.

Maya-maya ay ngumiti ako at humarap kay Jahann.

"Good morning," ramdam ko ang pagiging peke ng ngiting iginawad ko sa kanya. "Inuwi mo pala 'yung cake. Akala ko kasi itatapon mo..." dagdag ko pa. Hindi ko maintindihan kung bakit tila ako kinakabahan na hindi ko malaman.

"Why would—"

"Good morning!"

Bago pa man matapos ni Jahann ang sasabihin niya ay masigla ng sumilip si Aly sa may kusina. Hindi pa ito nakakapagsuklay ng buhok dahil magulo pa iyon at dala nito ang phone nito.

"Morning," bati ko din sa kakambal ko.

"Oh my gosh, Cherinna!" impit ang tiling pinakawalan ni Aly bago binangga si Jahann at dire-diretsong lumapit sa akin. "Oh my gosh talaga!" ramdam na ramdam ko ang kilig ni Aly. Hindi ko naman malaman kung anong nakakakilig sa umaga at ganito na lamang itong kakambal ko ngayon.

Played by Fate - Book 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon