-50-

154K 3.5K 1.2K
                                    


“LUMABAS ka na…” mahinang sabi ko sa kanya. Ikinuyom ko ang palad ko at pilit tinatatagan ang loob ko. Umupo ako sa harap ng salamin na naroon at pilit naghanap ng gagawin. Ramdam ko ang titig niya sa likod ko pero iniwasan kong makipagtitigan din sa kanya.

“Don’t marry him,” mahina ngunit klaro ang naging rehistro sa akin ng sinabi nito. I closed my eyes. His scent was filling my nose. That familiar scent, I always love.

“It’s too late to back out now…” gusto kong palakpakan ang sarili ko dahil nagagawa kong magsalita nang hindi nababasag ang tinig ko. It’s damn hard to talk when every bone in my body was screaming pain. “Nakaready na ang lahat, sa Linggo na ang kasal…” dagdag ko. At kahit pa sabihin na ayokong magpakasal kay Ian, wala naman na akong ibang magagawa pa.

“Are you pregnant?”

Para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil sa tanong niya sa akin. Hindi ko rin magawang lumingon sa kanya nang matapos siyang magtanong. Nanatiling tikom ang bibig ko. Hindi ko alam kung aamin ako o hindi. Oras na malaman ni Jahann ang totoo, alam kong mas malaking gulo ang haharapin naming dalawa.

“That’s why they are rushing everything…” sambit ni Jahann na tila mas sinasabi iyon sa sarili kaysa sa akin. Tila sinasagot ang tanong na nasa isip nito.

“You said it’s the right thing to do, right? You’re expecting this, too…” usal ko na hindi pa rin tinatangkang tignan ang lalaki.

Huminga ako ng malalim.”Please, Jahann. Leave…” ipinikit ko ang mga mata ko. Wala akong naramdamang pagkilos mula sa kanya. Gusto kong mapamura. Wala siyang ideya kung gaano kahirap at kasakit na makita siya.

Kung gaano kasakit na nakikita ko siya pero hindi na kami katulad ng dati. Kung gaanong kahirap mahalin siya sa paraang dapat lang. Kung paano ko kailangang pilitin ang sarili ko na kalimutan kung ano man ang nararamdaman ko para sa kanya.

“Aly will be here later, dito siya matutulog kaya mas mabuting lumabas ka na at—Jahann!” nagulat ako nang hawakan niya ang braso ko at hilahin akong patayo. Mahigpit ang hawak niya sa braso ko habang nakatingin sa akin.

“What are you doing?” naramdaman ko ang mabilis na pagtibok ng puso ko nang maramdaman kong muli ang paghawak niya sa akin.

Matapang kong sinalubong ang mga mata niya. I watched the emotions that flickered across his face. Was that longing? He quickly blinked away that emotion and moved his head.

“Come with me…” aniya na hinila ako palabas ng kwarto ko. “Jahann, let me go!” pilit kong binabawi ang kamay sa kanya at pilit na humihinto sa paglakakad. Mabilis ang lakad niya kaya naman kailangan kong bilisan at lakihan ang bawat paghakbang ko upang maabutan siya.

“Jahann, ano ba?” angil ko sa kanya habang hinihila pa ring pabalik ang braso ko.

Napatingin ako sa paligid para tignan kung may taong naroon pero maging ang mga kasambahay namin ay wala doon. Magmumukha naman akong tanga kung sisigaw ako dahil hinihila ako ni Jahann. Tiyak kong magtataka rin ang mga tao sa bahay kung bakit ganoon ang reaksyon ko kung sakali.

Dumiretso kami sa labas at binuksan niya ang sasakyan niya at pinapasok ako. Ito rin ang nagsuot ng seatbelt ko habang seryosong-seryoso ang mukha. 

“Do. Not. Move…” pagbabanta ni Jahann sa akin bago umikot at sumakay din.

“I’m not allowed to go out,” malamig na sabi ko sa kanya nang lingunin ko siya. “Babalik na ako sa loob ng bahay…” Akmang tatanggalin ko ang seatbelt ko nang paandarin ni Jahann ang sasakyan nito.

“Jahann!” pinanlakihan ko siya ng mata pero hindi niya ako pinakinggan. Basta ito nagmaneho papalabas ng bahay maging ng subdivision namin. Seryoso lang itong nakatingin sa daan habang nagmamaneho. Ni wala akong ideya kung saan kami magpupuntang dalawa. Wala siyang sinabi sa akin, at duda ako kung sakali bang magtatanong ako ay sasabihin niya kung saan kami pupuntang dalawa.

Played by Fate - Book 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon