NAKAUPO lang ako sa sasakyan habang nagmamaneho si Jahann. Wala ni isa sa amin ang nagsasalita. Ramdam ko pa rin ang inis o baka galit na nararamdaman ni Jahann base na rin sa higpit ng pagkakahawak niya sa manibela. Iyon ang unang pagkakataon na may nanakit sa akin... at nakita pa ni Jahann iyon.
"Ibalik mo na lang ako sa school. Magpapasundo na lang ako at—" natigilan ako nang lingunin ako ni Jahann. Seryoso ang mga mata nito na tila sinasabi na malaking kalokohan ang sinasabi ko. Sa paraan ng pagtingin niya, para na rin nitong sinasasabi na hindi ako maaaring tumutol sa desisyon niya ngayon.
Nanlalagkit ako dahil na rin sa natapon na frappe sa akin. Mabuti pa sa mga napapanuod kong palabas sa TV, tubig lang ang ibinubuhos, eh. Hindi ko naman lubos akalain na ipapaligo ni Anika sa akin ang inumin na iyon. Maging ang hapdi ng pisngi ko at ng braso ko ay nararamdaman ko rin. Pinipilit ko lang indahin dahil ayokong dagdagan pa ang inis ni Jahann.
Pero kailangan ko pa rin na bumalik sa school. Naiisip ko pa rin ang parusa ni Daddy. Kailangan na sa school ako sunduin ng driver namin. "Jahann—"
"Creep, just stay still, okay? Let me take care of you. Pwede ba 'yon?" walang ngiting sabi niya sa akin. He's really pissed, I know. Hindi si Jahann ang tipo ng lalaking magbabanta sa isang babae. Kahit siguro inis na inis na si Jahann kay Iris, hindi nito magagawang pagbantaan ang babae pero nagawa nito iyon kay Anika kanina. Maging si Ian ay pinagbantaan ni Jahann. Alam ko na gusto ni Ian na kausapin ako dahil sa nangyari. Natitiyak ko rin na hihingi siya ng tawad sa akin. It wasn't his fault, though. Hindi naman siya ang nanakit sa akin.
"I'm fine..." pilit akong ngumiti sa kanya.
Nilingon niya ako. "Yeah, you look really fine," he said sarcastically. Sinamahan pa nito iyon ng sarkastikong ngiti.
Hindi na lang ako kumibo sa kanya. Tumingin na lang ako sa labas at nakita ko ang pamilyar na daan na tinatahak namin. Nilingon ko si Jahann. His eyes were on the road. "Sa bahay ko tayo pupunta," mahinang sabi niya na tila nabasa niya ang tanong na nasa isipan ko.
"Jahann—"
"Cherinna," ibinaling niya sa akin ang ulo at itinaas ang isang kilay. I sighed in defeat. Hindi na ako nakipagtalo pa sa kanya. Sumandal na lang ako at naghintay hanggang sa makapag-park siya ng sasakyan niya sa parking lot ng building na tinitirahan niya.
Naunang lumabas si Jahann sa akin. Paglabas ko ay kaagad naman siyang lumapit siya sa akin at ibinigay ang jacket niya. Hindi niya tinitignan ang braso ko kanina pa nang nasa sasakyan kami. Mahahaba ang kalmot ni Anika sa akin at namumula ang braso ko. May ilan pang may bahid ng dugo ko. Walang-imik na tinanggap ko na lang iyon at sumakay na kami sa elevator. Ang kamay niya naman ay nasa bewang ko na tila nag-aalala pa rin siya na may mangyayari sa akin na hindi maganda.
Sa kabila ng hapdi na nararamdaman ng katawan ko, hindi ko napigilang mapangiti ng tipid. Jahann will always be Jahann. My protector.
Nang makarating kami sa unit niya ay nauna na siyang pumasok habang ang kamay na nasa bewang ko kanina ay hawak na ang kamay ko.
"Take a shower first. Maghahanda ako ng gamot at pagkain mo..." mahinang sabi ni Jahann sa akin bago ako iginiya sa isang kwarto na naroon. "I'll bring you some clothes, too. May towel sa bathroom, malinis iyon, you can use that, too..." dagdag pa nito.
Nilingon ko si Jahann nang hindi pa niya binibitawan ang kamay ko.
Nakatingin siya sa akin at hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isipan niya. Inabot niya ang pisngi ko kung saan may kalmot ni Anika. "Damn it," mahinang sabi ni Jahann habang tinitignan iyon.