HINDI ko pa rin naiintindihan ang nangyayari. Ian left after saying he’s breaking up with me. Ni hindi ako nakapagtanong, nakapagsalita… after saying he loves me, but he needs to let me go, he left.Hindi ko mapigilang mag-aalala sa kanya. Alam ko na may bumabagabag kay Ian. Hindi naman ganoon ang pagkakakilala ko sa kanya. Isa pa, sinasabi niya na mahal niya ako… pero kailangan niya akong hiwalayan. Kung maghihiwalay kami, gusto ko na malinaw sa aming dalawa ang nangyari.
Kung ako ang nakipaghiwalay sa kanya, maaaring hindi ko rin maidetalye ng maayos sa kanya ang dahilan, but he deserves to know the truth… well, maybe something close to the truth. Because not everyone will understand what’s happening… hindi lahat ng tao ay katulad ni Kol.
Hindi ko na mabilang kung ilang beses akong nagpabalik-balik ng lakad sa loob ng kwarto ko. Something’s wrong with Ian… no, maybe something’s bothering him. Kinagat ko ang labi ko bago naupo sa kama ko. Kung may isang tao na maaaring makatulong sa akin na malaman ang problema ni Ian, sa tingin ko ay si Kevyn iyon.
Agad kong kinuha ang cellphone ko at bago pa man ako makapagdial ay nagring na iyon.
Jahann calling…
Kunot ang noo na sinagot ko ang tawag nito sa akin.
“Hello?” tumayo ako at lumapit sa pinto at inilock iyon.
“Nasa bahay ka na?” tanong niya sa akin. Naupo ako sa couch at niyakap ang unan na naroon.
“Yeah…” sagot ko naman sa kanya.
“What’s wrong?”
Hindi ko napigilang mapangiti ng malungkot. Kahit sa telepono lang, alam agad ni Jahann kung may iniisip ako o ano.
“Nothing. I’m fine, I’m just tired and—“
“Creep, what’s wrong?” putol niya sa sinasabi ko. Hindi ko naman napigilang mapabuga ng malalim na buntong-hininga. “Nandito si Ian kanina…” sumandal ako sa couch at pumikit.
“Ah.”
I mentally rolled my eyes. Kaya ayokong sabihin, eh. Alam ko naman na hindi rin magiging kumportable si Jahann kung sasabihin ko sa kanya na nandito si Ian kanina. Sa mga nangyayari, mas nagiging malinaw na sa akin ang lahat.
Sa bawat sandali na kasama ko si Ian, kausap ko si Ian… nasasaktan si Jahann. At wala siyang ibang magawa kung hindi ang tiisin ang lahat ng iyon. Hindi lang ako ang nahihirapan. Si Jahann din.
“Kumain ka na?” tanong ko na lamang sa kanya para baguhin ang usapan.
“Yeah. I just ordered something,” sagot naman ni Jahann sa akin.
“You ordered something? Hindi ka na lang magluto, mas okay pa ‘yun…” mas tipid naman kung magluluto na lang siya. Isa pa, Jahann’s a good cook.
“If you’re here, I’ll be more than willing to cook, Creep…” sinundan niya iyon ng pagtawa. “I don’t have much time, too. Tinatambakan ako ni Dean ng gagawin, eh…”
“Si Dean?” ipinilig ko ang ulo ko.
“Yeah. He asked me if he could visit you there, I said no. Pagkatapos ‘non, ang dami ko ng dapat gawin…”
Hindi ko naman napigilang matawa dahil parang nagsusumbong sa akin si Jahann sa tono nito. “Anderson ka, use that…” pagbibiro ko sa kanya. Kahit naman kasi si Dad ang may-ari ng Ai’s, hindi naman maikakaila ang malaking parte ni Tito Dale roon. Pumapasok rin doon si Jahann dahil sa naging hobby na nito ang photography. Hindi rin naman nagpapaka-boss si Jahann doon.