"CAN we talk?"
Natigilan ako nang may humarang sa akin habang naglalakad ako papunta sa classroom. Nakabalik na kami sa Manila at resume na rin ng klase namin. As usual, tinanong kami ng mga magulang namin tungkol sa mga sugat nila Keij, Theon at Jahann. Inakala pa ni Mommy na nag-away ang tatlo. Hindi naman nila sinabi ang totoong dahilan kung bakit sila napaaway. Gaya ng sabi ni Kol, kung sasabihin nila ay kaming apat nila Aly, Lean at Ate Caryl ang mapapagalitan. Okay lang daw sa kanila na sila na lang.
Nilingon ko si Ian na nakatayo sa may harap ko. It's been a while since I last saw him. Base sa nakikita ko, nabawasan ng timbang si Ian. Mukha rin itong stressed.
"What are you doing here?" luminga-linga ako. Wala naman siguro si Anika sa paligid. Isa pa'y hindi naman siguro makakapasok si Anika ng basta-basta rito.
"Anika's not here, don't worry..." tila nahulaan ni Ian ang iniisip ko nang luminga ako. Hindi naman ako sumagot. Nag-iingat lang naman ako.
"Can we talk, please?" tanong niyang muli sa akin. Huminga ako ng malalim. Nababasa ko naman ang mga messages sa akin ni Ian. Nagtetext siya, nag-iiwan ng mensahe sa facebook, maging sa twitter. Gusto niya akong makausap. Sinasabi niya rin na gusto niya ako, mahal niya ako.
"Ian, sa palagay ko'y mas mainam na huwag na tayong mag-usap." Ayokong maging harsh sa kanya, pero alam ko rin naman na kailangan. Hindi makakabuti kay Anika, lalo pa't nagdadalang-tao ito na malaman na kinakausap ako ni Ian. Buntis ang babaeng iyon at may pagka-bayolente. Ayokong may gawin na naman siyang makakasakit sa ibang tao at sa sarili niya.
"Please, Cherinna..." hinawakan ni Ian ang dalawang kamay ko dahilan para mapapitlag ako. Nag-angat ako ng tingin sa kanya at nakita ko ang pagsusumamo sa mga mata ni Ian. "Please?"
"Ian..." marahan kong binawi ang kamay ko sa kanya. "Just take care of Anika. Pati ng magiging anak niyong dalawa..." ngumiti ako sa kanya.
"But I love you..."
And I'm in love with someone else...
"Cherinna..."
Sabay kaming napalingon ni Ian nang tawagin ako ni Kol. Humakbang siya papalapit sa akin at tinignan si Ian. Wala naman itong sinabi kay Ian dahil lumingon siya kaagad sa akin. "What are you doing here? You'll be late," puna niya sa akin. Nilingon ko si Ian na tila nainis sa pagdating ni Kol.
"Sige, Ian..." paalam ko sa kanya bago humakbang papalayo. Tila hindi nakikita ni Kol si Ian dahil hindi na nito muling tinapunan ng tingin ang lalaki.
"Anong ginagawa 'non, dito?" tanong ni Kol na sumunod pala sa akin. Nilingon ko naman siya. "He wants to talk to me..." I replied. Hinawakan ni Kol ang likod ng siko ko habang naglalakad kami nang may makasalubong kami na grupo ng mga estudyante na halos sakupin ang daan.
"Your boyfriend won't like it," mahinang sabi ni Kol sa akin. Siniko ko naman ito.
"What? I'm being honest, Cherinna," kumunot ang noo niya sa akin. "Alam ko naman 'yon. Hindi mo na kailangan ulitin sa akin," I rolled my eyes. Narinig ko ang pagtawa ni Kol. Napailing naman ako.
"Sige na, ito na 'yung room ko. Salamat," ngumiti ako sa kanya bago pumasok sa loob ng classroom ko. Hindi pa kami nagkikita ni Jahann ngayon dahil nang dumating kami ni Aly ay wala pa ang sasakyan ni Jahann.
Naupo na ako at naupo sa tabi ko si Iris. "Seatmate na tayo since wala na si Ian dito," ngumiti siya sa akin. Tinignan ko lang siya at tumango. "Oh my gosh, I'm sorry. Hindi ko dapat binabanggit si Ian, right? Sorry talaga. I know it's hard to move on, but we're always here for you, Cherinna..." ngumiti siyang muli sa akin bago inabot ang kamay ko.