WARNING
--
NAMIMIGAT ang talukap ng mga mata ko nang magising ako. Pakiramdam ko'y kulang na kulang ako sa tulog pero bahagya namang nawala ang sakit ng ulo ko.
Hinila ko ang comforter at tumagilid. Inaantok pa rin ako kaya naman napagdesisyunan ko na lang na bumalik sa pagkakatulog.
Iminulat ko ang mga mata para tignan ang oras sa orasang nakapatong sa gilid ng kama ko. Kumunot ang noo ko nang wala akong makitang orasan doon. Lampshade lamang na kulay puti ang naroon.
Dagli akong napabangon at pinagmasdan ang kwartong kinaroroonan ko.
"What the..." napabuga ako ng marahas nang mapagtanto kung nasaan ako. Sumandal ako sa headboard ng kama at isinuklay sa buhok ko ang mga daliri ko habang pilit binabalikan ang nangyari sa school bago ako... nawalan ng malay.
Yeah, I passed out. Sobrang nahihilo ako at idagdag pang wala naman akong kinain maghapon.
Napatuwid ang likod ko nang maalala ang eksena bago ako nawalan ng malay.
Jahann won! Pati si Iris... naghalikan sila?
"Damn! Why do I have to be so weak?!" inis na sabi ko bago pinalo ang ulo ko.
Nagkakamot ako ng ulo nang bumukas ang pinto, awtomatiko naman akong napatingin doon. Si Jahann ang unang nakita ko. Tila ito nabunutan ng tinik sa dibdib nang nakitang gising ako. Humakbang siya papalapit sa akin. Nakatingin lang ako sa kanya.
Hinalikan kaya niya si Iris?
"Finally, you're awake..." mahinang sabi ni Jahann sa akin, may munting ngiti rin akong nakita sa mukha niya.
"Hina—"
"She's awake guys!"
Napalingon ako sa pinto nang sumungaw ang ulo ni Aly. They're here, too? Lumingon ako kay Jahann pero bago pa ako makapagtanong sa kanya ay nagsipasok na silang lahat. Agad na naupo si Aly sa tabi ko at isinandig ang ulo sa balikat ko.
"You got us all worried, Twin! Akala namin ay napano ka na..." sabi ni Aly sa akin. Kumunot naman ang noo ko sa kanya. "I'm fine. Nahilo lang talaga ako..." sagot ko nang hawakan ko ang kamay niya. Ngumiti rin ako sa kakambal ko.
"Crowded naman kasi 'don. Kahit open space, ang daming tao. Are you sure you're okay now?" nag-aalalang tanong ni Lean sa akin. Tumango naman ako sa kanya. Si Keij ay nakaupo sa may couch na naroon katabi si Theon. Si Enzo naman ay nakatayo habang nakakrus sa dibdib ang mga braso at si Kol ay nakasandal sa may hamba ng pintuan habang nakatingin sa akin.
"Anong ginagawa niyong lahat dito?" tanong ko sa kanila. Ang alam ko kasi ay wala namang ibang pinapapunta si Jahann sa bahay niya. Liban kay Kol gaya noong nakaraang sinundo niya kami ni Jahann.
Naglakad si Jahann papunta sa bintana at sumandal doon habang nakatingin sa akin.
"Dapat sa hospital ka namin dadalhin nung nawalan ka ng malay. Enzo said, you're juswt exhausted... and hungry? Kasi hindi ka naman kumain, diba? Instead of bringing you home—na malamang ay magwawala si Mommy kapag nalamang nahimatay ka, sinabi ni Jahann na dito ka na lang dalhin, sumama kaming lahat..." mahabang paliwanag ni Aly. "Are you sure you're okay? Kalahating araw ka pa lang namang hindi kumakain, nahimatay ka kaagad..." nilangkapan ni Aly ng pagbibiro ang sinabi nito.
"I'm fine now. Nahilo lang talaga ako," muli kong sagot sa kanya.
"Guys, you're all here. Nag-CR lang ako, eh..."
Napalingon ako sa bagong pasok sa kwarto.
Pati si Iris, nandito?
"How are you, Cherinna?" naglakad ito papalapit sa akin at naupo sa kabilang gilid ko. "Nag-alala kami sa'yo," hinawakan niya rin ang kamay ko. Hindi naman ako nakakibo. Nakatingin lang ako sa kanya.