-43-

65.8K 2.1K 606
                                    

Last 7 chaps.

-

“CREEP, wake up…”

Kumunot ang noo ko nang marinig ko ang boses ni Jahann. Ipinaling ko sa kaliwa ang ulo at tinakpan ng unan ang ulo ko. I still want to sleep. Anong oras na rin naman ako nakatulog kagabi kaya mas gusto kong matulog na lang.

Isa pa, malapit na ang finals namin. Kailangan kong magbasa ng ilang lessons na hindi naman halos naituro. Nag-uumpisa na rin ang ilang mock tests kaya inuubos ko na lang ang oras ko sa pagbabasa.

“Creep, you need to wake up now…” muling sabi ni Jahann sa akin. “Come on, I love watching you sleep, but you need to get up. May klase ka pa…”

Napasimangot ako bago tumingin sa kanya. “Dapat hindi ko nalang chinarge ang laptop ko para hindi ka maingay diyan,” kinuha ko ang laptop at tinignan si Jahann. Ngumiti siya sa akin.

It’s been two weeks since he left. Nagkakausap pa rin naman kaming dalawa ng madalas pero kadalasan ay sandali lamang iyon. Kagabi ay nagsabi si Jahann na wag kong papatayin ang laptop ko para na rin mabantayan niya ako. Ngayon ako mas humahanga sa mga taong nakakaya ang long distance relationship. Late ng 13 hours ang New York kaysa sa Pilipinas. Umaga sa akin, gabi kay Jahann. Mas nagiging mahirap ang sitwasyon naming dalawa.

“I’m still sleepy…” reklamo ko sa kanya. Sumandal ako at napalabi. Noong isang araw pa masama ang pakiramdam ko pero hindi ko sinasabi sa kahit na sino dahil baka dahil lang naman naambunan ako nang nagdaang linggo. Hindi rin naman ako pala-inom ng gamit kapag nagkakasakit ako.

Tumawa naman ito. “You’re always sleepy and hungry. What’s new?” tumaas ang isang kilay niya sa akin. Ngumiti ako ng tipid.

“Anong ginagawa mo habang tulog ako?” tanong ko sa kanya nang itali ko ang buhok ko. Kinuha ko rin ang phone ko para tignan ang messages sa akin.

“I just watched you sleep…” sagot ni Jahann. Tinignan ko naman ang screen ng laptop ko at tinaasan siya ng kilay.

“Alright, I was reading some reports while watching you,” seryosong sabi niya. Jahann’s not there to have a vacation. May mga shoots na gagawin doon at si Jahann ang photographer nila. Kahit pa nga hindi pa professional si Jahann pagdating sa bagay na iyon, siya ang inatasan ni Daddy para sa trabahong iyon.

“What’s your plan for today?” tanong ni Jahann sa akin. Nakita kong may mga papel nga sa gilid niya at tinitignan ni Jahann ang mga iyon.

“Same. Maliligo, kakain, pasok ng school, kakain, magkikita kami nila Kol, kakain, uuwi, kakain…” ngumisi ako sa kanya. Simula ng umalis si Jahann ay si Kol ang laging kasama ko. “Marami ka ng utang kay Kol, snob…” ipinilig ko ang ulo habang nakatingin kay Jahann.

“I know…” sumandal ito sa upuan habang nakatingin sa akin. “This long distance shit sucks, Creep. But it’s making me love you more…” umangat ang isang sulok ng labi nito.

“Yeah…” marahan akong tumango. “I miss you,” mahinang sabi ko sa kanya. Si Jahann naman talaga ang mas vocal sa feelings naming dalawa. He’s the one who’s saying 'I love you' more.

Mahal ko si Jahann at ipinapakita ko iyon sa paraang kaya ko…

“One month and I’ll see you again,” napatingin ako sa screen nang magsalita si Jahann. “I miss you, Creep…”

Tumango ako. “Yeah. I still need to pass all my exams. May mga kailangan pa akong ipasang papers…” napasandal ako. “Iniisip ko pa lang, napapagod na ako…” pagrereklamo ko sa kanya. Parang gusto ko na lang mahiga at matulog kaysa umalis ng bahay. 

Played by Fate - Book 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon