"GOOD morning," bati ko kay Aly nang magpunta ito sa kusina. Maaga akong nagising ng araw na iyon para na rin tumulong sa pagluluto ng almusal namin. My mom can cook decent food now, that's what dad told us. Kapag nagkukuwento ng ganoon si Daddy, bigla nalang tatakpan ni Mommy ang bibig nito at panlalakihan ng mata. Seriously, they're so cute together.
Tinignan ako ni Aly na tila ba iniisip niya kung aparisyon ako o ano. "Ang aga mo naman magising..." ani Aly na humihikab pa. Kumuha ito ng tubig sa ref at isinalin sa baso. "Sila Daddy?" tanong niya sa akin bago uminom. "Pababa na 'yun. Nagbibihis lang ata. Pakidala naman sa table 'to..." inabot ko kay Aly ang pancakes na niluto ko.
"Okay..." inabot naman iyon ni Aly pero hindi pa man siya nakakalabas sa pinto ng kusina ay naglakad siya pabalik sa akin. "Kambal..." napalingon ako ng tawagin niya ako. "Bakit?" tanong ko habang nagpiprito ng hotdog.
"Inspired ka?" tanong nito sa akin. Kumunot naman ang noo ko. "Inspired saan?" ibinalik ko ang atensyon sa pagluluto pero hinawakan ni Aly ang kamay ko. "Inspired ka!" malakas na sabi nito. "Dahil kay Ian, no?" lumawak ang pagkakangiti nito bago hinawi ang buhok na nasa balikat. "Sabi ko na nga ba, crush mo din 'yung si Ian, eh..." tuloy-tuloy lang ang panunudyo ni Aly sa akin. Napailing nalang ako. Wala namang point na makipagtalo sa kakambal ko dahil ipipilit lang nito kung ano ang iniisip.
"Well, wala namang masama kung maiinspired ka because of Ian, twin..." inakbayan niya pa ako at ihinilig ang ulo sa may balikat ko. "Cherinna Alecksia Anderson-Montenegro..." biglang sabi nito at tumili ng malakas. "Bagay, Twin!"
"Aly, tumigil ka nga!" saway ko dito bago inilagay sa plato ang naprito ng hotdog. Kinuha ko na din ang pancakes at ako na ang naglabas ng mga iyon. Nakasunod lang sa akin si Aly habang panay pa rin ang pang-aasar.
"Wala namang kaso sa akin kung mauuna kang magboyfriend, Twin. And besides, gwapo naman si Ian. So, walang problema. I will support you!" niyakap niya ako mula sa likod at ipinatong ang baba sa may balikat ko. Nilingon ko naman siya bago pinitik ang ilong. "Nababaliw ka na. Hindi ko pa boyfriend si Ian, okay? Wala pang ganun. Umupo ka na nga para makakain na tayo..." sabi ko sakanya.
"Hindi pa. Pero may balak ka..." ngumisi si Aly sa akin bago naupo sa may upuan niya. Nagpalabas naman na ako ng gatas, juice at kape ni Daddy sa kasambahay na naroon.
Wala pang limang minuto ay dinaluhan na kami ni Mommy at Daddy sa may dining room. Nakahawak ang kamay ni Daddy sa likod ni Mommy na tila nakaalalay dito at ganon din naman si Mommy kay Daddy.
"Good morning," bati ko sakanilang dalawa. Lumingon naman sila sa amin at ngumiti.
"You're early," komento ni Daddy bago ginulo ang buhok ko. "Daddy!" sinimangutan ko ito pero nginitian niya lang ako. Manang-mana talaga si Jahann dito.
"Where's Jahann?" tanong ni Mommy sa amin ni Aly. Nagkibit-balikat si Aly.
"Baka nasa room pa niya, Mom. Tawagin ko lang..." sabi ko dito bago tumayo at naglakad na para puntahan si Jahann. Hindi ko naman siya nadaanan na kanina nung bumaba ako para magluto dahil alam kong maaga namang nagigising na si Jahann. Isa pa, isang linggo na ang nakakalipas mula nung nag-weekend bonding kami ng mga pinsan ko at nila Ate Caryl, Kuya Kiro, Enzo at Lean. Isang linggo na din kaming halos hindi nakakapag-usap ni Jahann. Kung minsan ay maaga siyang umaalis. Hindi din naman kami nagkikita sa school dahil magkaiba ang schedule namin at kapag uwian, dumidiretso naman siya sa Ai's.
Huminga nalang ako ng malalim hanggang sa mapatapat na ako sa pinto ni Jahann.
Hindi iyon nakasara gaya ng nakasanayan ni Jahann. Marahil ay nakalimutan lang nito. Itinulak ko nalang iyon ng mahina para makapasok ako. "Jah—"