-45-

56.5K 2K 368
                                    


NAPATINGIN ako sa bintana nang magpatuloy pa rin ang malakas na ulan. Marahil ay sobrang nag-aalala na sa akin si Kol… bigla na lang akong nawala sa mall. Ni wala akong dalang cellphone ngayon kaya malamang ay ganoon na lang ang pag-aalala ni Kol sa akin ngayon.

Tinignan ko ang relong suot ko, alas-siyete na ng gabi. Kung titignan ang langit ay parang mas gabi pa kaysa sa alas-siyete ito. Napakadilim at ihip ng hangin at malakas na patak ng ulan ang maririnig sa katahimikan ng gabi… at ang pagsipol-sipol ni Ian na nasa kusina.

Nilingon ko ang kinaroroonan ni Ian bago naglakad papunta roon. Abala ito sa pagluluto habang sumisipol.

“Kaya ang lakas ng ulan, eh. Pati pagsipol mo, wala sa tono…” pagbibiro ko sa kanya. Nilingon naman ako ni Ian at saka siya ngumiti. “Are you hungry?” tanong niya sa akin sa halip na sagutin ang sinabi ko. Alanganin akong ngumiti bago tumango. Pancakes lang ang kinain ko kaninang umaga at hindi naman ako nakapaglunch.

“Of course, you are…” lumapit sa akin si Ian at iginiya ako papunta sa lamesa. “Wait here, matatapos na ako…” sabi niya bago tumalikod at kumuha ng plato para sa amin.

“I can do that. Nakakahiya naman na nakikikain na nga ako, pagsisilbihan mo pa ako…” akmang tatayo na ko nang tumingin si Ian sa akin at tinaasan ako ng kilay.

“Ako na. Just relax. Baka makasama sa’yo at—“

“Buntis ako, hindi ako invalid,” sumandal ako at napasimangot.

Narinig ko ang pagtawa ni Ian bago ipinagpatuloy ang ginagawa nito. Hindi na ako tumutol nang hindi niya ako pakilusin. Sa bawat pagtatangka kong tulungan siya ay sinasaway niya ako at pinanlalakihan ng mata.

“Mag-isa ka lang dito?” tanong ko sa kanya habang nilalaro-laro ang kubyertos na nasa harap ko.

“Kanina, oo. Ngayon, dalawa na tayo…” sagot ni Ian sa akin. I rolled my eyes. Inilapag niya ang isang may katamtamang laki ng mangkok na may lamang adobo at nagsimula na akong kumuha kahit pa may ginagawa pa si Ian.

“Si Anika?” tanong ko sa kanya habang namimili pa ng karneng kukunin sa mangkok.

“She’s… she’s not here.”

Kumunot ang noo ko nang lumingon ako kay Ian. “Not here? Nasaan siya?” pag-uusisa ko sa kanya. Mas makakabuting ibaling ko ang atensyon ko sa ibang bagay kaysa isipin ko ngayon ang sitwasyon ko.

I’m doomed.

Alam ko na pag-uwi ko, kailangan kong mag-explain kay Mommy at Daddy. Kay Aly, kay Kol… kay Jahann.

Soon, malalaman din nila ang sitwasyon ko. Ang pagbubuntis ko.

Naupo si Ian sa tabi ko.

“Hindi masarap?” tanong niya sa akin. Bumaling ako sa kanya at nakita ko ang disappointment sa mukha nito. “I’m really not an ideal man…” ani Ian bago kumuha rin ng ulam at tinikman iyon. Napangiti ako.

Kahit na anong pamimilit ko kay Ian na ako na ang maghuhugas ng pinagkainan namin ay hindi siya pumayag. Sa halip ay pinabalik niya ako sa living room at sinabihan na maghintay na lang ako roon.

Nakasandal lang ako at nakatingin sa kawalan.

Hinawakan ko ang tiyan ko.

Hindi naman ako nagsisisi na nabuntis ako… pero hindi ko rin sinasabi na okay lang ang bagay na ito.

A baby is a blessing… but it should be on the right time.

Hindi pa ngayon.

Ano kayang sasabihin ni Jahann kung sakaling malaman niya na nagdadalang-tao ako?

Played by Fate - Book 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon