-29-

78.1K 2.7K 998
                                    


“SASABAY ka ba sa akin, Cherinna?” tanong ni Aly sa akin habang kumakain kami. Maagang umalis si Mommy para magpunta sa Blooms. Si Daddy naman ang naghatid sa kanya kaya naiwan na naman akong kasama si Aly. Usapan na namin na magkikita mamaya sa SD para sa pagpaplano ng birthday ni Keij at Kol. Pero may shoot siya ngayon kaya mauuna siyang umalis kaysa sa akin.

Umiling naman ako. “Hindi na. Hassle kung babalikan mo pa ako mamaya, eh. Sa SD na lang tayo magkita mamaya,” sagot ko naman habang kumakain. Hindi ko mapigilang mapasimangot nang matikman ko ang hot chocolate na itinimpla ko.

Hindi ko talaga makuha ‘yung timpla niya. Nakakailang subok na ako pero hindi ko talaga masaktuhan.

“Are you sure? Magpasundo ka na lang kaya kay Ian mamaya?” bumaling sa akin si Aly. Muli naman akong umiling. “Twin, hindi ko naman driver si Ian. Hindi ko pwedeng tawagan na lang siya lagi kung aalis ako para ihatid ako sa kung saan,” mahinahong sagot ko.

“Willing naman siya, ah?” ngumisi sa akin si Aly.

Hindi ko napigilang irapan ang kakambal ko. “Not because he’s willing to do it, aabusuhin ko siya…” muli na lang akong humarap sa pagkain ko.

“Well, you’re right. But it’s better to abuse Ian than to hire a cab, Twin. Mas safe ‘yun,” ayaw namang magpatalo ni Aly. May attitude talaga si Aly na hindi ka titigilan hangga’t hindi ka umooo.

“Wag mo na lang akong intindihin. I’m fine, okay?”

“Okay…”

Nilingon ko si Aly. “Don’t you dare call Ian. Hindi talaga kita kakausapin…” pagbabanta ko sa kanya. Tumingin naman sa akin si Aly at ngumiti. “I won’t, promise,” itinaas pa nito ang kanang kamay. I rolled my eyes.

After lunch pa namanang usapan namin na magkikita sa SD. Maliban kay Kol at Keij at kumpleto kami mamaya. Nakahiga lang ako sa may kama ko habang nanunuod. Napatingin ako sa lamesa sa gilid ng kama ko. Kinuha ko ang kwintas na naroon at tinitigan.

Hindi ko pa naibabalik kay Jahann ang kwintas na naiwan niya marahil sa bathrobe ko. Hindi pa naman kasi kami nagkikita. Hindi na siya nagawi dito sa bahay at hindi naman ako nagpupunta sa Ai’s. Hindi ko rin mapakiusapan si Aly na ibigay iyon kay Jahann dahil baka magtanong pa ng kung ano-ano si Aly.

Baka mamaya, maibigay ko na sa kanya…

Inabala ko na lamang ang sarili ko sa panunuod at sa pagkain. Pwede naman akong umalis ng 12 nn sa bahay. Sa daan na lang ako maglalunch, o di kaya’y sa SD na lang. Nasabihan ko na rin naman ang kasambahay namin na ikuha ako ng taxi para mamaya.

Matapos akong maligo at magbihis, inilagay ko na ang mga dadalhin ko sa bag. Siniguro ko rin na nailagay ko ang necklace doon para maibigay ko kay Jahann mamaya.

“Manang, nakaready na po ‘yung taxi?” tanong ko pagbaba ko. Dumiretso naman ako sa kusina para kumuha ng chocolates na ilalagay sa bag ko.

Napakunot ang noo ko nang walang sumagot sa akin.

“Manang?” tawag kong muli. Nasaan na ‘yung mga tao dito? Matapos akong makakuha ng chocolates na plano kong kainin habang nasa daan papunta sa SD ay lumabas na ako ng kusina.

“Manang?” mas nilakasan ko pa ang boses ko. “Manang, nakatawag na ba kayo ng taxi?” malakas pa rin ang boses kong sabi.
“Manang—“

“Ba’t ba ang ingay mo?”

Halos mapatalon naman ako sa gulat nang biglang may nagsalita sa may living room. Napatingin ako sa couch nang may bumangon mula roon.

“Jahann?” Hindi ako nakagalaw sa kinatatayuan ko habang nakatingin sa kanya.
Magulo ang buhok nito at tila kagigising lang dahil na rin sa mata nito na bakas ang pagkaantok.

Played by Fate - Book 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon