-15-

67.4K 1.9K 235
                                    


BAHAGYA akong tinanghali ng gising kinaumagahan. Pagbaba ko sa may kumedor ay naroon na si Aly at si Jahann na nag-uusap. Napatingin sa akin si Jahann ngunit agad naman itong nag-iwas pagkatapos.

"Good morning, twin!" bati ni Aly sa akin. Ngumiti naman din ako sa kanya at umupo sa tabi niya, sa gitna nila ni Jahann.

"Tinanghali ka yata," puna ni Aly. Tumango naman ako. "Napuyat lang ako kagabi, wala kasi akong magawa kaya nanuod nalang ako ng movies..." sagot ko naman dito. "Sila Mom pala?" tanong ko kay Aly. Iniiwasan kong lumingon kay Jahann kahit pa okay naman na kaming dalawa... well, he said sorry. I accepted it already. Naubos ko na nga 'yung ice cream, mag-iinarte pa ba ako? It's just, I don't think I can act like the usual. Hindi ko rin naman malaman kung anong problema ko... kung bakit ako nagkakaganito.

"Maaga silang umalis ni Dad dahil pupunta sila sa network for the meeting," sagot naman ng kakambal ko.

"Ah..." tumango nalang ako ulit at saka sumandal sa upuan ko. Wala naman akong maisip na itanong kaya hindi na ako nagsalita.

"Anyway, nakausap ko na 'yung mag-aayos ng party natin. Baka bukas dumating na ang invitations, ipamimigay nalang natin," malawak ang ngiti na sabi pa ni Aly. Hindi naman halatang excited ito sa party na iyon. Hindi talaga.

"Okay," sagot ko na lang bago naglagay ng pagkain sa plato ko. Hindi ko pa rin kinikibo si Jahann o nililingon kahit na nararamdaman ko na tumitingin siya sa akin.

"Jahann, I saw you talking to Iris on twitter pala last night. I actually tweeted you, you ignored me!" reklamo ni Aly. Nilingon ko naman ito. Magkausap si Jahann at Iris? Magkakasama lang kami kahapon, ah? Hindi nalang ako kumibo at nagsimulang kumain na.

"Nasa kabilang kwarto ka lang, magttweet ka pa sa akin?" tanong naman ni Jahann kay Aly na pasarkastiko.

"Si Cherinna nga katabi mo lang, tinu-tweet mo pa, eh..." irap naman ni Aly dito.

Agad akong napalingon kay Aly. "Hindi naman..." ako ang sumagot sa kakambal ko. Hindi naman kasi talaga.

"DM lang?" tanong naman ulit ni Aly sa akin. Nakangiti ito.

Hindi naman ako nakasagot.

"Magrereply na ako sa'yo. Di mo kailangan mag-ingay..." sabi naman ni Jahann para manahimik si Aly. Ngumisi naman si Aly dito bago nagsalita. "Much better," nagsimula na rin itong kumain pagkatapos.

"9 am ang class mo ngayon, diba?" sabi ni Jahann. Ipinagpatuloy ko naman ang pagkain ko. Pareho kasi kami ni Aly na 9 am ang klase. Baka may shoot na naman mamaya si Aly kaya inaalam ni Jahann ang schedule ng kakambal ko. Mukhang magtataxi na naman ako pauwi mamaya o kung wala namang gagawin si Kol, magpapahatid na lang siguro ako sa kanya.

"Creep, uso sumagot..."

Natigilan naman ako bago nag-angat ng tingin at lumingon sa kanya. "Ha?" Ako ba ang kausap niya? Akala ko ay si Aly.

"9 am ang klase mo, diba? Hanggang anong oras ka? 4 diba?" tanong nitong muli sa akin. Nakakunot ang noo niya habang nakatingin sa akin.

"Oo," tipid na sagot ko naman dito. Iniwas ko na kaagad ang tingin ko sa kanya.

"Just wait for me then. I have a class until 5 pm," sabi naman niya sa akin.

"Hindi ka ba pupuntang Ai's mamaya?" ibinalik ko ang tingin sa kanya at nagtanong. Normally naman kasi after class ay dumidiretso si Jahann sa Ai's.

"Nah. I'll date you, kawawa ka naman, eh. Hindi mo pa nararanasan makipagdate," nakangiting sabi ni Jahann. Napasimangot naman ako. "Ang sweet mo naman," sarkastikong sabi ko bago siya inirapan.

Played by Fate - Book 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon