S8 - Miss Fortalejo

2.7K 102 4
                                    

[BEWARE OF TYPO GRAMMATICAL ERRORS]

Chapter 1

Vida's POV

"Okay class, simmer down!" sigaw ng aming bagong adviser.

Ngunit ni isa'y walang sumunod sa kanya. Sino ba naman siya para sundin namin? Isang guro, oo, ngunit sa section namin walang kinikilalang guro, walang nirerespeto. Kami ang batas.

Nagtawanan ang lahat nang biglang lumabas ang aming adviser, umuusok ang ilong sa galit.

Tsk, sigurado akong magre-resign na 'yun.

Nakita kong pumunta sa harapan si Joush, ang presidente ng klase.

"Pustahan guys, magre-resign na 'yun si Ma'am." sabi nito sabay tawa.

"Naku Joush! Walang makikipagpustahan sa'yo dahil panigurado na 'yon." tawang tawa namang sabi ni Jorgette habang si Joush ay napakamot sa kanyang ulo.

Humagalpak sa tawa ang klase. Napailing na lang ako.

Ganito lagi ang eksena sa classroom namin. May bagong adviser, maiirita samin at magre-resign. Wala pa nga yatang tumagal ng isang linggo sa amin eh, mga tatlong araw lang, si Miss Fortalejo.

Naalala ko pa nung una siyang pumasok.



Flashback

Pabagsak na bumukas ang pintuan ng aming silid.

Iniluwa nito ang isang 'di pamilyar na mukha.

"Nasa labas pa lang ako, rinig na rinig ko na ang ingay niyo." panimula nito.

Natahimik kaming lahat, tila na-amaze sa sinabi niya pero 'di rin naman iyon nagtagal nang magsimulang umingay ulit ang klase. Ignoring her.

"Will you guys shut your fvcking mouth up?!"

Napanganga ako ay hindi kami, nang binalibag niya ang upuan sa unahan.

Natahimik ulit ang lahat.

"Good." binigyan niya kami ng isang napakatamis na ngiti, isang ngiting nakakakilabot.

"I've heard so much about you guys.." naglakad siya papuntang likuran at tiningnan kami isa isa.

"..at hindi maganda ang mga 'yon." pagpapatuloy niya't ngumiti.

Creepy.

"First, I'll introduce myself. Ako si Jillian Fortalejo, you can call me Jill or whatever you want. Wala na akong pakialam dun." tumawa siya ng mahina.

Tahimik parin kami.

"Second, I'll set some rules here."

Naging magulo ulit ang klase matapos marinig ang salitang 'rules' at sunud-sunod na, "Bakit ka naman namin susundin?" , "sa tingin mo ba papayagan ka namin?"

"Yes," tipid na sagot niya.

"Anong 'yes'?" pagtataray ko.

"Yes, oo. Gagawa ako ng sarili kong batas at susundin niyo 'yon."

Napakunot-noo ako. Anong pinagsasabi nito?

"Miss, akala ko ba marami ka nang narinig tungkol sa amin? Ibig sabihin, alam mo na ring wala kaming sinusundan na batas, tama ba ako?" sabi ni Jacie, ang sekretarya namin.

Sumang-ayon ang lahat sa sinabing iyon ni Jacie at umiling naman si Miss Fortalejo.

"Uh-uh. Alam ko yun. What I mean is.. I know deeper than that." she winks at us.

Section EightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon