Chapter 2
Vida's POV
Three months had passed since Miss Fortalejo's incident.
Inilihim ng Principal ang nangyari at ipinag-utos niyang 'wag itong ipagsabi kahit na kanino. Kung anong dahilan? 'Yan ang hindi namin alam.
Mas lalo naman kaming iniwasan ng mga taga ibang section, mas lalo silang natakot sa amin.
At hanggang ngayon ay wala parin kaming adviser dahil walang may gustong magturo sa amin.
"Vida, tara na sa Canteen!" tawag sa akin ni Jorgette.
"Sige! Susunod na." sagot ko naman sa kanya.
"Mauuna na kami ha?" hindi na ako sumagot pa dahil malayo narin naman sila.
Tss. Tara na daw tapos mauuna rin sila? Mga baliw.
Naramdaman kong may umupo sa aking tabi.
"Sa tingin mo, ano kayang ibig sabihin ng letrang 'V' sa noo ni Miss Fortalejo?"
Kinilabutan ako sa tanong iyon ni Lane. Ngayon niya lang ulit ako kinausap pagkatapos ng tatlong buwan.
"Wala akong ideya," nagkibit-balikat ako't tumayo na.
"Hindi kaya 'Vida'? Hahaha!" tiningnan ko siya ng masama.
"Hindi magandang biro 'yan Lane." pagkasabi ko niyan ay naglakad na ako palayo sa kanya.
Narinig ko pang humalakhak ang loko.
Lane's POV
Natatawa't medyo natatakot ako sa itsura kanina ni Vida. Haha, pikunin kasi. Nagbibiro lang naman ako.
Hahaha.
Natigil ang tawa ko nang may marinig akong kaluskos.
Sinundan ko ang tunog na 'yon at dinala ako ng aking mga paa sa Cabinet Section ng classroom namin.
"Sinong nand'yan?" pumulot ako ng kung ano mang mapupulot ko sa sahig bago akmang bubuksan ang cabinet ngunit hindi ito natuloy dahil may tumalon na pusa mula rito. Isang itim na pusa.
Kasabay rin nun ang isang sulat na may nakalagay na, FIND VIDA.
Sh*t.
Jorgette's POV
"Nasaan na si Vida?" rinig kong tanong ni Keinna habang sinusubo ko ang aking spaghetti.
"Shwabi nha shushunod dhaww sha." sagot kong punong puno ng pagkain ang bibig.
"Eww! Kadiri ka, Gette! Ubusin mo muna 'yang kinakain mo!" bulyaw sa akin ni Jacie.
"Shorry *lunok* naman." Sinamaan lang ako ng tingin ni Jacie.
Nag-peace sign na lang ako sa kanya.
^_____^V
"Seryoso guys, nasaan na si Vi?" tanong ulit ni Keinna. Mag best friend nga pala sila.
"'Wag kang mag alala Kei, susunod yun" I assured her.
Pero, susunod nga ba?
THIRD PERSON'S POV
Hindi mapigilan ni Vida ang kanyang sariling sundan ang tinig na tila'y tumatawag sa kanya.
"Vida~" ani ng tinig.
"Sino ka? Nasaan ka?!" palinga-lingang hinanap ni Vida ang tinig na 'yon.
"May darating at maraming mawawala, Vidaa~" ani ulit ng tinig at mahinang tumawa.
"M-Miss F-Fortalejo? Nasaan ka? Magpakita ka!" napahagulgol siya nang mapagtantong ang nagmamay-ari ng tinig ay ang kanyang yumaong guro.
"Ikaw. Ikaw ang susi, Vida."
"Ano pong ibig niyong sabihin? HUHUHU. Please sabihin niyo po!"
"Nalalapit na... Maraming mawawala..."
"VIDA, H'WAG!"
Nagbalik ang kanyang diwa nang may sumigaw.
Vida's POV
Nagulat ako nang may yumakap sa akin mula sa likod. S-Si Lane.
"L-Lane? Bakit ako naririto?"
Kasalukuyang nasa rooftop kami ng New Building ngayon at ilang inches na lang ay mahuhulog na ako, kami.
"A-Anong nangyari?" tanong ko kay Lane.
Bakit kami nandito?
"Shhh. Everything's fine now."
Mas hinigpitan niya pa ang kanyang yakap matapos niyang sabihin ang mga katagang iyan.
Napapikit na lang ako.
BINABASA MO ANG
Section Eight
Misteri / Thriller"Section Eight. A room full of pretenders. I am a chaos which no one can fixed. Everyone in this room will shed their blood on my Island. I despise all of you. But sad to say, I am one of you. How ironic." Date started: September 01, 2016 PLAGIARISM...