S8 - Someone

770 47 11
                                    

Chapter 20



Keinna's POV


We rushed to the boy's comfort room nang marinig namin ang malakas na sigaw nila.




Nakakapagtataka namang sumigaw ang mga lalaki? It's so unusual. Baka may nangyari na namang hindi maganda.




Pagkarating namin doon ay nabungaran naming ang umiiyak na si Yana.




"Yana, bakit?" Tanong ko.




Umiiling siya habang tila may tinuturo.




Tumingin naman agad ako sa cubicle na tinuro niya. Napatakip ako sa aking bibig sa nakita.




"What the hell." Ani Vida.




Bangkay ng maarteng si Katrina ang tinuturo niya. Brutal itong pinatay dahil bukod sa dami ng saksak nito sa katawan ay tinanggal rin ang kanyang dalawang mata.




Biglang nagsuka si Jorgette kaya naman agad na inilayo ito ni Perry sa lugar.




"Sinong gumawa nito?" Walang kwentang tanong ko. Alam ko naman kung sino eh. 'Yung pesteng killer.




May pinatay na naman ang walang hiyang 'yon. Kapag nalaman ko talaga kung sino ang pumapatay, I swear, mata niya lang ang walang latay. Makikita niya. Grabe na itong ginagawa niya. Sumusobra na siya. Ang brutal niya.




Naiiyak na naman ako. Naawa ako kay Katrina. Kahit kasi, hindi ko gusto ang babaeng 'yan dahil sa kaartehan sa katawan ay hindi pa rin makatarungan ang nangyari sa kanya. She's still my classmate.




May tumapik sa aking balikat. Si Mei Alverez, ang babaeng misteryosa sa paningin ko. Umiling siya sa 'kin at sinenyasan niya akong sumunod dahil nauna na siyang naglakad.




Na-curious naman ako kaya sumunod ako agad. Napansin ko rin ang kakaibang titig sa akin ni Yana. Bakit ganun siya makatingin?




Sumimangot ako saka nag iwas ng tingin. Psh. Mamaya ko na aalalahanin ang bagay na 'yun.




Patuloy lamang sa paglalakad si Mei. Teka, saan ba kami pupunta?




Bumaba kami sa first floor. Pinagbukas niya 'ko ng pinto sa isang kwarto. Kumunot ang noo ko.




She sighed. "Go on. I just want to ask you something important." Said in a serious tone.




Mas lalo namang kumunot ang noo ko dahil hindi ko alam kung ano bang pag uusapan namin. Gaano kaya ka-importante ito? O baka pagbibintangan niya lang 'kong pumatay? Erase. Erase.




Wala naman sa itsura niya pero... ugh!




"Keinna." Tawag niya. Tinaasan ko lang siya ng isang kilay bilang sagot.




"Kailan ka pinanganak?" I blink twice. Hindi ko inaasahan 'to.




"Anong klaseng tanong 'yan?" I gave her my confused look.





"Just answer me." Walang emosyon niyang sagot.




Psh! "November 3, 1999. Bakit ba?"




"November 3? Hmm." Shemay. Kinakabahan ako sa kanya. Anong kailangan niya ba sa birthday ko?





"I see. Thank you." She smiled. Hindi ko matukoy kung anong klaseng ngiti ito but one thing is for sure, parang satisfaction and relief? Ganon.




Akmang lalabas na siya ng kwarto nang hinigit ko siya sa kanyang braso saka pinasok ulit. Ni-lock ko rin ang pinto.




"What do you want from me? Bakit kailangan mong alamin ang birthday ko? Ano bang plano mo?! Matapos mong makuha ang impormasyong hinihingi mo, aalis ka na lang ng ganon ganon ha? Ano bang nalalalaman mo?" She's not looking at me. Para siyang nagdadalawang isip pa sa isang bagay.




That's it! May alam nga siya. "Please.. tell me." Hinawakan ko ang kanyang mga kamay.





"Please Mei? Sawa na 'kong mamuhay ng walang kaalam alam sa mga nangyayari. Hindi na kaya ng konsensya kong makakita pa ng isang patay nang wala man lang clue kung sino ang hayop na pumapaslang sa kanila. Gusto kong tumulong, gusto kong mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng mga kaklase ko. Gusto ko ring tulungan ang mga kaibigan ko. Alam kong may alam ka. Ikaw lang ang makakatulong sa aking mahanap ang mga sagot. Please... let us help ourselves." Pagmamakaawa ko. Actually, lumuluhod na ako sa harapan niya ngayon.




I can't take it anymore. Kung wala akong makukuhang sagot sa mga kaibigan ko, I think this woman could help me.




For the third time, she sighed. "Okay. Pumunta ka rito mamaya at exactly 12:00 am. 'Pag na-late ka.." Inabot niya ang kanyang kamay sa akin para tulungan akong makatayo.




"Sige! Sure pupunta ako. Hindi ako ma-le-late promise! Thank you." Masigla kong sagot saka mahigpit siyang niyakap. Lumabas na rin ako ng kanyang kwarto.




Na-e-excite ako na kinakabahan. Sana mamayang gabi, malaman ko na ang kasagutan sa aking mga tanong. Sana hindi ako mabibigla sa mga malalaman ko. Sa wakas ay mahahanap ko na ang sagot.



Sana walang kinalaman ang mga kaibigan ko sa mga nangyayari.


Kailangan kong ihanda ang sarili ko. Aja!





Someone's POV




Dumunggo na ang barko sa isla KO.



They're causing too much destruction on my Island.



That is why I'm here.



I need to wipe that dirt.



I want my Island to be as clean as paper.



I hate them all for making this mess.



They're going to pay.



I smirked.








I'm back.












--x
I/N: Here comes the devil-- este, update! *GRINS* Leave a comment guys. Love ya! :*

Section EightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon