S8 - Character's Status

737 44 5
                                    

Chapter 21






Mei Alverez's POV




Everything was ruined..






Hindi na naaayon sa plano ko ang mga nangyayari.






Hindi ko na hawak pa ang sitwasyon.





Masyadong tuso si Principal Spades. Hindi ko inaasahang aabot sa ganito ang lahat. Mukhang balak niya talagang ubusin ang Section Eight.






Labing siyam na katao na lamang ang natitira sa amin. Kasama na ako.





Kanina ay natagpuan namin ang bangkay ni Katrina Bernabe sa cr ng boys. Marami itong saksak sa katawan at brutal ang pagkamatay. Nakakaawa siya.





Ang totoo niyan, kilala ko ang estudyanteng pumapatay sa Section Eight kaya naman pinipilit kong alamin ang mga susunod niyang hakbang dahil gusto kong maunahan siya. Gusto kong itama ang kanyang pagkakamali. Hindi ko man alam ang dahilan kung bakit nagkaka-ganon siya ay gagawin ko pa rin ang lahat ng makakaya ko para masagip siya. Alam kong magbabago pa siya. May natitira pang kabutihan sa puso niya. I know.





Isa na lang ang misyon ko sa ngayon.. 'yun ay ang iligtas ng buhay ang mga natitirang estudyante rito sa abot ng aking makakaya. Mostly her.













Ian Fortalejo's POV



"Ngayong kilala mo na ako na siyang pumapatay sa inyo, anong gagawin mo?" Tanong niya as she sip her coffee.






Nasa kwarto niya pa rin ako. Mahigit isang araw rin akong mahimbing na natutulog. Mabuti na lang at hindi niya pa ako pinapatay.






Kinuwento niya sa akin ang ginawa niyang kahayupan kay Katrina Bernabe. Napapa-ngiwi na lang ako habang nag-ke-kwento siya dahil totoong totoo ang pagkaka-kwento niya. Damang dama ko ang sakit na naramdaman ni Katrina sa bawat salitang lumalabas sa kanyang bibig.





She also told me that she blackmailed Katrina.






Kung bakit niya 'yan sinasabi sa akin ay hindi ko alam. Isa lang ang alam ko, 'yun ay wala na siyang puso at hindi na siya tao.






Hindi ko inakalang ganito pala talaga siya. Sa kabila ng isang mala-anghel na ugaling pinapakita niya ay may naka-kubli palaang isang demonyong uhaw sa dugo. Isa siyang mapagpanggap. Isang magaling na mapagpanggap.





Kailangan ko pang protektahan si Vida kaya mag iingat ako sa kanya.











Vida's POV



UGH! Ang sakit ng ulo ko.





Napa-sandal ako sa headrest ng upuan sa kwarto namin upang ma-balanse ang sarili ko.





"Okay ka lang ba? Anong masakit?" Inalalayan ako ni Lane umupo.





"Iwan mo na 'ko rito." I said coldly. Bakit ba kasi siya nandito? Naaasiwa ako eh.





"Hindi ako aalis hangga't hindi ka okay." Psh. Hanggang maaari ay iniwasan ko ang kanyang mga mata. Ayokong makita siyang nag-aalala sa 'kin. Ayoko.






Nagmatigas ako. "Pwede ba Lane? Get the hell out of here." I gave him a glare.






Ngunit kung matigas ako'y mas matigas siya. He smiled. "Lalabas lang ako 'pag napatawad mo na 'ko." Tinabig ko ang kanyang kamay dahil akmang hahawakan niya ang aking kamay.






Section EightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon