Chapter 18
Keinna's POV
Do not dive in to the depth of your curiosity. It might drown you, darling.
- Ophiuchus
'Yan ang nakalagay sa pulang envelope na napulot ko. I was heading to our room kanina nang nahulog ang pulang sobreng 'yan sa mismong paanan ko. Sinadya itong ihulog ng Ophiuchus na 'yan para sa 'kin.
Ano bang gusto niyang palabasin?
Sino ba talaga siya?
I shrugged the thought. At tuluyan nang pumasok sa kwarto.
Tahimik sa loob. Mas tahimik pa sa ipis. Nakakapanibago.
"Hindi pa ba kayo natutuyuan ng laway?" I joked. Trying to make some sort of conversation. Sana mag-work.
Napatingin sila sa 'kin. Kakaibang titig.
Tapos biglang...
Humagalpak sa tawa.
"Tuyung-tuyo na sa'kin, Kei. Gusto mong mag donate? HAHAHA" Gumugulong na sa sahig si Jorgette.
Ano 'yun dugo? Pft!
"'Yung sa 'kin naman, kanina pa napa-panis. Pft!" Ani Vida nang nakahawak sa kanyang tiyan.
Okay? Nag-work ba? Para na silang baliw sa kakatawa eh.
Nakitawa narin ako para masaya.
"HAHAHAHAHAHAHAHA." We chorused.
Mabuti naman bumalik na sila sa kanilang mga sarili. Parang kanina lang, hindi ko na sila makilala sa sobrang cold. Napangiti ako.
"So.... kamusta?"
Ian Fortalejo's POV
Nakatingin lang ako ngayon sa litrato ni ate Jill sa aking cellphone habang naka-hilata sa kama.
Malungkot ako, oo. Dahil siya na lang ang natitirang pamilya ko tapos.. papatayin na lang siya ng ganon ganon na lang? Hinding hindi ako makakapayag.
That's why I am here. Nag-enroll ako sa Section Eight para mag-imbestiga. I badly want to kill that person.
Makikilala ko na sana siya noong nagkita ang lahat sa Jeyrie's Mall pero naudlot 'yon nang mawalan agad ako ng malay.
Naikuyom ko ang aking kamao. Marami akong suspects. Lahat yata ng estudyante ni ate ay pinagbibintangan ko, eh.
Noong una, si Vida Fuerro talaga ang hinala kong pumatay sa kanya. Pero... may natanggap akong sulat galing kay ate na naglinis sa kanyang pangalan.
My sister wants to protect her. Ayon sa liham.
I want you to protect Vida.
My sister knows everything.
Kaya siguro maaga siyang nawala. Pinatay siya ng mga walang pusong estudyante niya.
Kailangan kong protektahan si Vida dahil iyon ang huling hiling ng aking namayapang kapatid..
That's why I am doing my best to find that freaking killer. Bago pa niya ako maunahan.
I accidentally click the 'back' button of my phone.
At di ko inaasahan ang nakita ko.
May signal sa islang ito?!
"P're, para kang nakakita ng multo d'yan." Muntik na akong mapasigaw nang biglang sumulpot si Luke sa harapan ko.
I composed myself. "Oh? Kanina ka pa?" Tanong ko sa kanya.
"Hindi naman. Kararating ko lang." Sagot niya 'saka sumalampak sa kanyang higaan.
Tumango lamang ako bilang sagot at dagli-dagling tumayo.
"Saan ka pupunta?" Nagtatakang tanong niya.
"CR. Ge, pre." Sabi ko.
"Nasa paligid lang sila. Mag iingat ka." Makahulugang tingin ang ipinukol niya sa 'kin.
Tumango lamang ako at agad na lumabas ng kwarto.
Kailangan kong makahingi ng tulong. Ito na lang ang magagawa ko ngayon.
Mabilis akong naglalakad pababa nang may makabangga akong tao.
Hindi na 'ko nag abalang lingunin pa 'to.
"Ian! Saan ka pupunta? Nagmamadali ka ba?" Tanong niya.
"Ah.. naiihi na kasi talaga ako." Sagot ko.
"Ha? Pero may cr naman sa second floor ah?" Grrr! Ano ba naman 'to.
"GUSTO KONG SA BABA EH. BAKIT BA?" Nasigawan ko tuloy. Nakakapikon eh.
"S-Sorry na! Nag.. nag aalala lang naman a-ako eh huhuhu." Umiyak pa. -_____-
Tiningnan ko siya. Nanlambot naman ang ekspresyon ko nang makita kung sino ito.
"Sorry din. Sige alis na ako." Sabi ko na lang.
Naglakad na ako palayo sa kanya. Ngunit wala pang limang hakbang ay hinarangan na niya ako.
"What are you doing?" Nagtatakang tanong ko.
Hinawakan niya ang kwelyo ko. "Sa tingin mo ba hahayaan kitang gawin 'yang binabalak mo?" Kinilabutan ako nang biglang nan-lamig ang kanyang boses.
Kinabahan ako. Sino ba talaga siya?
"What do you mean? Ayaw mo akong umihi? Bakit?" Tumawa ako kahit na ang totoo'y nanlalambot na ang buong katawan ko.
"Don't be fool, Fortalejo. Parehong pareho kayo ng ate mo eh. Pareho kayong mga pakialamero. Tss." Sabi niya at may kinuhang injection.
Nanlaki na naman ang mga mata ko. "H-Hoy ano yan?" Umatras ako dahil tinututok na niya sa akin ang matulis na bagay na 'yon.
"Ah, 'eto? Injection, bulag ka ba? Well wag kang mag alala dahil hindi nakakamatay ang laman nito. Hahahaha. Now, sleep well Mr. Fortalejo." The next thing I knew ay unti unti nang bumabagsak ang talukap ng mga mata ko.
Shit. Hindi pwe--
BLANK.
--xI/N: Sino sa tingin niyo ang gumawa nun kay Ian? O.O Comment kayo guys. XD
Nga pala, Leyn/Layn/Lein po ang pronunciation sa pangalan ni Lane. 😄 Alam niyo 'yung sa mga kalsada, yung Lane? Ay basta yun! Pft!✌
BINABASA MO ANG
Section Eight
Mystery / Thriller"Section Eight. A room full of pretenders. I am a chaos which no one can fixed. Everyone in this room will shed their blood on my Island. I despise all of you. But sad to say, I am one of you. How ironic." Date started: September 01, 2016 PLAGIARISM...