Chapter 16
Keinna's POV
Ang tahimik ng paligid.
Nakakapagtaka.
Naglalakad ako ngayon sa hallway ng third floor dahil kagagaling ko lang sa cr. 'Di ko maiwasang mapahinto sa isang kwarto rito. Kanino kayang kwarto 'to? Masilip nga.
Naka-awang 'yung pinto kaya naman hindi na ako nahirapan pang buksan ito.
Pagkapasok ko sa loob ay napasinghap ako. Bakit kakaiba ang kwartong ito? Ang daming mga nagkalat na litrato sa buong dingding at sahig.. hindi, buong kwarto pala.
Tiningnan ko isa-isa ang mga litratong nakadikit sa sa dingding at laking gulat ko na lang ng makitang litrato namin ito. Litrato ng buong Section Eight!
May mga solo pics, dalawahan at grupo. Mayroon ding isang litratong kapansin pansin sa lahat dahil naka-frame pa ito at halatang espesyal ang ginamit na photo paper. Kinuha ko ito at kinilatis.
Kumunot ang noo ko dahil picture naming magba-barkada ito. Ako at sina Vida, Lane, Joush, Perry, Jake, Blake, Jelle, Jacie, Jorgette at Kirby ang nakaukit rito. Masayang-masaya kaming nakatingin sa camera, si Jake nakaakbay sa 'kin habang nakangiting aso, si Lane at Perry ay nag-a-apir pero nakatingin sa camera, sina Vida at Jacie ay parehong naka-peace sign habang yung iba ay nakangiti lang.
Bigla akong nalungkot nang maalala ang mga oras na 'yon. Ang saya saya namin noon dahil puro kulitan at asaran lang ang nangyayari. Ngayon.. tatlo na sa amin ang nawala.. at dahil na-stuck kami sa impyernong 'to, mukhang malabo nang maibalik pa ang dati.
Bago ko pa maibalik ang litrato sa dati niyang kinalalagyan ay narinig kong bumukas ang pinto. Shit!
Agad akong naghanap ng mapagtataguan ko. Kinakabahan akong pumasok sa isang closet rito. Bakit parang kakaiba ang nararamdaman ko?
Teka, bakit ba ako nagtatago? Hindi ko alam..
Sumilip ako sa nakaawang na pinto ng closet na ito,
"Ugh! Such a tiring day it is! Nakaka-haggard. Grrrrrrrr." Nakita kong sumalampak sa kanyang higaan si..
Katrina?
*
Nasa baba kami ngayon dahil pinatawag kami ni Mei. Hindi pa rin ako makapaniwalang siya yun eh.. napaka-imposible."Bakit mo kami pinatawag?" 'Di ko maiwan ang tarayan siya. Naiinis kasi ako.
"I received a call." Nagulat kaming lahat sa narinig.
"Teka, may signal dito?" Takang tanong ni Luke.
"Nope. What I mean is.. kailangan nating pumuntang Control Room ng mansyon."
Control Room?
Sinenyasan niya kaming sumunod at naglakad naman siya sa isang kwarto, sa tabi ng living room. Binuksan niya ito at may nilagay na password. Kailangan may gan'on? Ang misteryosa naman.
Pumasok kami sa tila kwarto ng isang IT/Programmer dahil puro computer at isang flat screen tv lamang ang naririto.
Pinaupo niya kami sa tig isang upuan sa harap ng isang computer. Nakakunot noo akong sumunod sa sinasabi niya. Mga nasa labing tatlo na lamang kami rito.
Anong gagawin namin? Magka-klase sa Computer? Not cool.
"Kindly click the Fruidex App there." Sabi ni Mei na nakaupo rin sa harap ng computer.
Fruidex App? Nag iisa lang naman ang App dito kaya siguro ito na yun.
I clicked it. Ang lumabas lang ay isang form? No, mali, isang birth certificate. What the? Binasa ko ito..
Fuerro, Vida Alexis S.
Kay Vida? Kumunot na naman ang noo ko. Anong gagawin ko rito? Tss. Kinulbit ko si Mei na nasa tabi ko lang at binulungan ng para saan 'to?
Di niya ako nasagot dahil may nag-flash sa nag iisang flat screen tv.
"As expected of you, Mei Alverez. Akala mo ba hindi ko malalaman 'yang ginagawa mo? Oh well, dakilang pakialamera ka nga pala. Tsk. So, what did you find?" Sabi ni Principal Spades habang may hawak na wine glass at nakangisi sa'min.
"Fuck you! Anong ginawa mo kay Vida?" Awtomatiko akong nakatingin sa kanya. Anong ibig niyang sabihin?
"Oh.. Vida? Well she's fast asleep my dear." Ngumiti siya na nakakakilabot bago nagpatuloy, "Don't worry dahil buhay pa naman siya. Hindi pa ito ang tamang panahon para mawala siya. Ha-Ha-Ha. And by the way, it's Section Eight's feast day today kaya naman nagpahanda ako. Be at the living room after 3 hours. Happy feast!" Sabi nito at bigla na lang nawala ang signal ng TV.
"Fuck!" Kasabay ng pagmura ni Mei ay siyang pagkamatay rin ng lahat ng computer rito sa Control Room.
Lumapit siya isa isa sa amin at tinanong kung anong nahanap namin. All answered nothing. Wala naman akong ibang nakita. Except for Vida's live birth.
Weird.
--I/N: Writer's block. T________T
BINABASA MO ANG
Section Eight
Mystery / Thriller"Section Eight. A room full of pretenders. I am a chaos which no one can fixed. Everyone in this room will shed their blood on my Island. I despise all of you. But sad to say, I am one of you. How ironic." Date started: September 01, 2016 PLAGIARISM...