S8 - Preparations

1.1K 53 2
                                    

Chapter 7

Jelle's POV

I'm so excited na sa darating na bakasyon! Yey, sa wakas ay matatakasan ko na rin ang mga assignments, projects at quizzes na puro pasakit na lang sa ulo ang dala. Haha.

Kagabi ay nag-gm si Jacie na magkita raw kaming lahat sa Jeyrie's Mall kaya heto ako ngayon, naghahanap ng aking masusuot.

Sabado ngayon kaya malaya kaming gumagala sa kung saan at binigyan rin kami ni Principal Spades ng extra weekend para sa paghahanda namin since sa martes na ang simula ng bakasyon namin.

Habang naghahalungkat ay may napansin ang aking mga mata. Isang pulang sobre.

Kumunot ang noo ko at tinago na lang ang sobreng iyon sa aking maleta. Bukas ko na lang bubuksan.

Naramdaman kong bumukas ang pinto at hindi man lang ako nag-abalang tingnan kung sino ang pumasok. Wala namang ibang pumapasok sa kwarto ko maliban sa kanya eh.

"I've heard about your vacation. Wala ka bang balak sabihin sa akin 'yon at sa iba ko pa nalaman?" Nagngingitngit ito sa galit.

"Don't worry Kuya, kaya ko ang sarili ko. Hindi ako katulad nila." I assured him.

"Paano kung mapahamak ka? Paano kung may gustong pumatay sa'yo? Paano kung mala--" I cut him off.

"Kuya naman eh! 'Di na ako bata! Hindi ko hahayaang mangyari 'yang iniisip mo. Tss"

"I'm just worried, Erice." I glared at him as he mentioned my second name.

"I told you not to call me that right? Ugh!" At nagmamaktol na lumabas na ako ng kwarto.

Kahit kailan talaga! Panira ng mood ang isang 'yon. Tss.

Good thing na sa 50 days ay hindi ko makikita ang pagmumukha niya. Hayy.


Joush's POV

Nakatanggap ako ng text mula kay Jacie kagabi, for our preparations daw sa darating na bakasyon.

Hindi ko talaga maintindihan ang mga babae. Ba't kailangan pang paghandaan kung bakasyon naman yung pupuntahan namin diba?

Lalo na yung si Jorgette, lagi na lang akong tinatarayan o di kaya ay dedma sa t'wing magkakausap kami. Ano kaya ang problema nun?

"Bro, kailan ka pa natutong manuod nito?" Wagayway ni Perry sa mga porn DVD's na nakakalat sa sahig. Nga pala, nandito sila ngayon nina Jake at Lane sa kwarto ko. Kung bakit? Ewan ko sa mga 'yan.

"Gago. Di akin 'yan. Kay Blake ang mga yan." Sagot ko. At tila nahinto ang oras sa pagitan naming apat ng sambitin ko ang pangalan ni Blake.

Napabuntong hininga si Lane habang si Perry naman ay tinapik ang balikat ni Jake at masamang nakatingin sa akin.

"Pasensya na." Sambit ko na lang.

Kay Blake naman talaga yung mga DVD dahil siya lang naman ang dakilang casanova sa aming lima maliban na lang kay Perry na malandi rin.

"Alam niyo, bakit hindi na lang tayo pumunta na sa Jeyrie's?" Suhestiyon ni Lane na siya namang napagkasunduan ng lahat.

Alam kong maaga pa, pero 'yon lamang ang tanging magagawa namin sa mga oras na 'to.

At Jeyrie's...

"Oy Joush! Ano na? Naba-bading ka na ba?" Sigaw ni Perry sa akin habang may nakasukbit sa kanyang isang haliparot. Naku.

Section EightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon