S8 - Feast Day

870 51 11
                                    

Chapter 17



Keinna's POV


Tatlong oras na ang lumipas. Gaya nga ng sabi ni Principal Spades ay nagpunta agad kami sa living room dahil Feast Day ng section eight.



Feast Day. 'Eto 'yung time na mag-ce-celebrate ang buong klase ng kapanganakan o kamatayan ng isang Saint. Private school kasi kami.



Pagkarating namin ay nagningning ang mga mata ko. Omyy, ang daming pagkain! Sabagay feast nga. Hehe.



May mahabang table kasing nakalagay sa loob ng living room at doon nakapatong ang mala-fiestang dami ng pagkain.



Sabay-sabay na kaming umupo at akmang kakain na sana nang may maaninag kaming limang bulto ng tao ang pumasok mula sa main gate ng mansyon.



I gasped when I finally saw their faces. Biglang nanggilid ang mga luha ko. Their safe.



Agad na tumakbo ako para salubungin ng yakap ang mga kaibigan ko.



"G-Guys... thank god you're all safe! Akala ko.. akala ko.. Huhuhu" naiyak na ako habang yakap yakap sila.



"Bitaw." Isang malamig na boses ang lumabas sa bibig ng best friend ko.



Agad naman akong bumitaw. Shit. Pinagmasdan ko lang silang naglakad at pumunta sa bakanteng upuan. Ni hindi man lang ako tinapunan ng tingin.



What is happening?



Malungkot akong sumunod sa kanila. Lahat naman ng mga kaklase namin ay nakakunot-noo lamang habang titig na titig sa mga bagong dating.



Sina Vida, Jacie, Jorgette, Lane at Perry lang naman ang dumating. Lahat sila'y blangko ang ekspresyon. But wait... "Where's Joush?" Tanong ko. Nalipat sa akin ang atensyon ng lahat. Sinamaan naman ako ng tingin ng limang katao. D-Don't tell me..



Tumulo ang luha ko. Hindi pwede. Si Joush.. hindi.



"He's still alive." Ani Jorgette habang masamang nakatitig sa 'kin.



Hindi ako nagpatinag sa kanya bagkus ay pinahiran ko ang luhang kumawala sa mga mata ko't nagtanong, "Nasaan siya? What happened?"



"It's none of your business." Nanlaki ang mata ko sa sagot niya. Tumikhim ako. Bigla akong nakaramdam ng galit.



"Joush is my friend so it's my fvcking business! Now, I'm asking you, where the hell is he?" Matigas na sabi ko.



Pero ni isa sa kanila'y walang sumagot. Naramdaman kong may tumapik sa akin. Si Mei, katabi ko pala siya. Umiling siya sa 'kin.



Napabuntong hininga ako. 'Yung lima nama'y napansin kong napayuko. Ano ba talagang nangyayari? Ang hirap maging clueless. Shit lang!



"I'm sorry.." ngayon lang nagsalita si Lane. Pero bakit siya nag-so-sorry? Nakatingin siya ngayon kay Vida na siyang nakatungo parin. Did something happen between them?



Ang daming tanong ang naglalaro sa isipan ko ngayon and it's not cool. -____-



"Kumain na tayo." Basag ni Ian sa katahimikan.



Mabuti pa ngang kumain muna kami.



Ginawa na namin ang mga ritwal t'wing nag-fi-feast day ang klase. Natapos na rin kaming kumain.



Section EightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon