Chapter 10
Vida's POV
"AHHHHHHHHH!!" Napabalikwas ako sa aking higaan nang marinig ang sigaw na yan. Ganon rin si Keinna na kasama ko sa isang kwarto, nagkatinginan kami at sabay na tinakbo ang kinarororoonan ng tinig.
God. Ano kayang nangyari?
Kumakabog na naman yung dibdib ko.. masama ang kutob ko. Shet.
"Omyghad! Si Lucille!" Sigaw ni Keinna na nanlalaking matang nakatingin sa kaklase namin na ngayon ay..
Nakabitin na sa gilid ng barko.
Nagdudugo ang kamay at mukha nito dahil 'yong mismonng nahawakan niya ay isang matalim na bahagi ng barko.
Paano nagkaroon ng ganon ang isang barko?!
"Tulungan niyo siya please.. nagmamakaawa ako.." humihikbing saad ni Diana na best friend nito.
"Do something!" Sigaw ko sa kanila.
Lumapit ako kay Lucille at pilit na inaabot ang kamay nito pero.. sa tuwing lumalapit ako ay lumalayo naman siya sa akin. Anong nangyayari?!
"Hang on, Lucille. Ililigtas kita." Bulong ko at inaabot parin ang kamay niya.
"P-Please t-tell Yana, I'm s-sorry.." mahinang saad nito at umiiyak narin. Umiling ako.
"No! Ikaw mismo ang magsasabi niyan okay? Makakaligtas ka.. Tutulungan kita.." sabi ko naman.
Ngunit may biglang humila sa akin at inilayo ako kay Lucille.
"Ano ba Perry?! Bitawan mo ako!" Sigaw ko sa kanya.
"Vida, mas makabubuti siguro kung hindi ka muna makialam." Sagot naman niya at iniwan na ako.
"Hindi Perry! Gusto kong tumulo--"
Naputol ang sasabihin ko nang sinigawan niya ako.
"PWEDE BA VIDA?! MANAHIMIK KA NA LANG! HINDI KA NAKAKATULONG! T*NGINA."
Napahagulgol na lang ako. Inaalo naman ako ngayon nina Jacie at Keinna habang sinasabing, "let's trust them Vi."
Nakita kong may dalang lubid sina Luke at Ian na siyang ibinaba nila sa kinaroroonan ni Lucille.
I'll trust you guys.. please save her..
"AHHHHH! Please r-remove that thing already! Hindi niyo na ako masasagip! I'm begging you.." rinig naming sigaw ni Lucille sa kanila.
Ngunit tila walang narinig yung boys dahil pinipilit parin nilang abutin si Lucille.
Nakasilip na kami ngayon nina Keinna sa pangyayari at masasabi kong hindi na maganda ang sitwasyon.
"STOP IT GUYS! NASASAKTAN NA SIYA!" Sigaw ni Jacie na nanlalaking mata na nakatingin kay Lucille.
Kitang kita namin kung paano nakatusok ang isang bagay sa gitnang bahagi ng katawan ni Lucille.
At.. kahit na mahatak nila si Lucille ay m-mamamatay parin ito.
Napapikit ako ng mariin.
I'm so sorry, Lucille.
After the incident with Lucille ay mga hikbi at mura lang ang maririnig sa buong second floor ng barko ngayon.
Mababakas parin sa aming mukha ang gulat, lungkot at hinagpis.
Bumitaw si Lucille sa hawak niyang matalim na bagay at nahulog sa dagat.
The sea became red after that.
Hindi ko maatim na sa mismong harapan ko pa nangyari ang bagay na 'yon.
Ano pa kaya kung nasa isla na kami? Dadanak na lang ba ang dugo? Magsasayang ng buhay? Magpapatayan?
Nakakalungkot isiping naging bihag at laruan kami ng Spades na 'yon.
Pero alam kong may magagawa pa kami..
"Vi, gising.. andito na tayo.."
Hmm? Nakatulog pala ako?
Pero teka..
"Here," nakangiting inabot sa akin ni Lane ang mga gamit ko habang inaalalayan akong bumaba sa barko.
Madilim. Masyadong madilim. Tanging liwanag lamang ng buwan ang nagsisilbing liwanag.. at ang lamig ng hangin.
Para kaming nasa setting ng isang horror movie.. pero mas nakakatakot ito.
Marami akong naririnig na kakaibang tunog ng mga kung anu anong bagay.
Tahimik kaming naglakad sa madilim na daan. Sinusundan namin ang isang lumang daan.
"May tao kaya rito?" Bulong ni Jorgette.
"Malalaman natin yan pag nakarating na tayo sa sukdulan nitong daan kung may sukdulan nga ba." Sagot ni Lane na nasa tabi ko.
"Wala kayang ahas dito? O kung anong insekto? Grr! Ang daming lamok!" Reklamo ni Katrina.
"Malamang na maraming lamok dito. Nasa gubat kaya tayo. Hello! Duh." Pambabara ni Keinna na siyang ikinatawa ko. Mainit talaga ang dugo niyan kay Katrina. Kesyo masyadong maarte raw.
"Anong oras na ba?" Pagtatanong ko.
"It's already 2:45 am." Sabay na sagot nina Lane at Ian. Okay?
"Heck!" Narinig naman naming nagmura si Perry.
"May problema ba bro?" Tanong ni Jake.
"Hindi ba't malapit na ang devil's hour?" Sabi naman nito.
"'Wag mong sabihing natatakot ka p're?" Nang aasar na sabi ni Joush.
"Bakla ka ba?" Gatong naman ni Keinna.
"H-Hindi! Takte, sa gwapo kong 'to. Tsk!"
Nagtawanan na lang kami sa inasal ni Perry.
"Pzzzzzt... Pzzzzzt..." ngunit napahinto rin agad nang makarinig kami ng kakaibang tunog.
"AHHHHHHHHHHH!"
--Iya's Note:
Yay! Magkasunod na update! Minsan na lang kasi magka-net kaya susulitin ko na. *grins*
BINABASA MO ANG
Section Eight
Misterio / Suspenso"Section Eight. A room full of pretenders. I am a chaos which no one can fixed. Everyone in this room will shed their blood on my Island. I despise all of you. But sad to say, I am one of you. How ironic." Date started: September 01, 2016 PLAGIARISM...