S8 - Where is Vida?

350 22 9
                                    

Chapter 28


Jorgette's POV

Kasama naming naglalakad patungo sa mansyon ngayon si Nurse Vivian. Kanina pa ito palinga linga sa paligid at tila hindi mapakali. Napapadalas rin ang malakas na pagbuntong-hininga nito.

"Are you sure you're okay, Nurse?" Nag-aalalang tanong ni Joush rito. Nauuna siyang maglakad dahil tinatabas pa nito ang mga talahib na nadaraanan namin.

"Y-Yes. Don't worry about me." Sagot nito at nginitian kami.

Kahit alam naman naming hindi siya okay ay hindi na kami nagtanong pa. Nagpatuloy na lamang kami sa paglalakad.

Maya-maya lang ay napahinto kami nang may marinig kaming kakaibang tunog.

Pzzzzzt... Pzzzzzt...

W-What the? Ito rin ang tunog na narinig namin noong unang tapak namin sa islang ito!

Agad na lumapit sa amin si Joush, hinawakan nito ang aking kamay.

He gestured his hand for us to follow him. Tinutungo nito ang pinaggalingan ng tunog.

Napahigpit ang hawak ko sa kanya. Kinakabahan ako.

Ngumiti naman ito sa akin na siyang nagpakalma sa 'kin kahit papano.

Narating namin ang isang malaking puno ng acacia. Parehong nangunot ang noo namin nang makitang tila may pintuan ito.

Ano kaya 'yon?

Akmang itutulak na sana ni Joush ang pinto upang buksan ito nang pinigilan siya ni Nurse, mas lalo namang kumunot ang noo ko sa kanya.

"D-Don't... please.." utal nitong saad. Umiiling iling pa siya.

"But Miss V-" hindi ko naituloy ang aking sasabihin nang umiling si Joush at ngumiti.

"Okay," Aniya.

Nagsimula narin siyang maglakad ulit. Tinahak nito ang daang kanina ay tinatahak namin.

Bagamat hindi ko siya naiintindihan kung bakit niya sinusunod ang babaeng ito ay nagpakawala na lamang ako ng buntong hininga at sumunod. I trust Joush. Alam kong may dahilan siya kaya 'di nito itinuloy ang pagbukas sa pinto.

But still, my curiosity is slowly killing me! Mukhang kailangan kong balikan ang lugar na ito mamaya.

Naka-hinga ako ng maluwag nang makitang malapit na kami sa naturang mansyon.

Kinakabahan ako and at the same time ay na-e-excite dahil sa wakas ay magkikita na ulit kami ng mga kaibigan ko.

Joush is smiling at me the whole time. Para itong naka-drugs na ewan. Nginingitian ko na lamang siya kahit minsan ay ngiwi na ang naisasagot ko rito.

Ewan ko ba. Pakiramdam ko kasi, may kakaiba sa taong ito. Para siyang may alam na isang bagay na hindi ko alam.

Ugh! Sumasakit ang ulo ko sa kakaisip sa mga posibilidad. Damn.

Napapikit ako. I trust you, Joush.

Pagpasok namin sa loob ng mansyon ay nawala ang ngiti sa aming mga labi at napanganga.

Paano kasi -

Lahat sila ay may patalim na hawak at -

Nakatutok iyon sa amin!

"Argh, g-guys it's just us.." pilit kong sabi.

"J-Jorgette?!" Si Jacie habang nanlalaki ang mga mata nito.

Ngumiti ako at sinalubong siya ng yakap.

"Thank god. You're safe!" Aniya habang napahikbi narin.

"Bro," nakipag-fist bump naman si Perry kay Joush. Lumapit rin si Jacie sa kanya saka siya niyakap.

"Buti naman at nagising ka na, Sleeping Man! Did this beast kiss you?" Biro pa niya habang sinusundot sundot kami sa tagiliran. Napailing na lamang kami ni Joush sa kapilyuhan nitong si Jacie.

Masaya kaming sinalubong ng lahat bago nila napansin ang babaeng kasama namin.

"Isn't she the Head Nurse? What is she doing here?" Saad ni Lane habang nanlilisik ang mata nito sa direksyon ng babae.

"Magpapaliwanag ako," si Joush ang sumagot. Tinapik niya sa balikat si Lane upang pakalmahin.

Oh well, si Lane nga naman ang inutusan nilang turukan kami ng kung anong pills kaya hindi ko siya masisisi kung ganyan ang naturan niya.

Naisip naming magtipon sa loob ng kwarto ni Mei.

Habang tinitingnan ko ang isa't isa sa kanila ay may napansin ako -

"Guys, nasaan si Vi?" Nagtataka kong tanong.

Oo nga pala, walang sumalubong na Vida sa amin kanina.

Don't tell me...

NO!

It can't be.

Dahil sinabi nila kanina kung sinu-sino na sa aming kasamahan ang namatay at hindi kabilang roon si Vida. Then where is she?

Nag aalala na tuloy ako.

"Shit!" Sabay na napamura sina Lane at Perry.

What's happening?

Bigla akong nakaramdam ng kaba.

Shit, no.

"Goodness! Akala ko ba sinundan n'yo si Vida?!" Galit na turan ni Mei Alverez. Nakatingin ito ng masama kina Perry.

"Y-Yes. B-But she's with us kanina! N-Not until now.." ani Lane, "Damn it!" Dugtong pa niya.

"What's happening?" Tanong naman ni Joush.

"Vida is missing." Hindi mapakaling saad ni Jacie. Nagpalakad lakad pa ito sa sobrang taranta.

"We need to find her quick!" Sabi ni Mei at kinuha ang kanyang palaso. Isinakbit niya iyon sa kanyang balikat. At lumabas na ito nang hindi man lamang kami nilingon.

Sumunod naman kami agad sa kanya. As a safety precautions ay dinakma ko ang isang dagger na nakapatong sa round table at agad na itinago iyon.

"Keep safe, guys! Bumalik kayo as soon as possible." Paalala ni Perry bago sila tuluyang lumabas.

Kami na lamang ni Ian ang nasa loob dahil hinihintay ko pa si Joush na nag-cr muna.

"You should not lower your guard around that woman," he warned me.

Saglit na pinasadahan ko siya ng nagtatakang tingin bago ako tumango at lumabas narin ito dala ng isang baril.

Sinasabi niya bang maaring may kinalaman si Nurse Vivian sa pagkawala ni Vida?

Shit, Vida. Where are you?

Keep safe please. Magkikita pa tayo..

Saglit na napapikit ako.

"Tara na?" Tinapik ako ni Joush sa balikat dahilan para bumalik ako sa reyalidad.

Tumango ako at sumunod sa kanya.

Pero -

Bago pa man ako tuluyang makalabas ng mansyon ay may humila na sa akin mula sa likuran at naramdaman ko na lamang ang isang malamig na bagay na nakatutok sa aking ulo.

Oh my god. Katapusan ko na ba?

Not now, please.

"Don't shout or I'll blow your head." aniya habang dinidiin pa ang baril na hawak niya sa ulo ko. Napatango na lamang ako.

Dinala niya ako papasok sa mansyon bago nito sinarado ang malaking pinto.

Naramdaman kong tumulo ang luha ko. J-Joush, help me...

Section EightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon