S8 - The Real Enemy

287 14 3
                                    

Chapter 31

Vida's POV:

"WAAAAAAG!"

Malakas na pagkakasigaw ko kasabay ng mas malakas na kalabog ng pinto. Agad na napukol ang paningin namin sa kakabukas lang na pinto at ganoon na lang ang panlalaki ng mga mata ko sa nakita.

Maging si Principal Spades ay napatigil rin sa gagawin at para bang natuod na ito.

Ni isa sa ami'y walang nakapagsalita. Pinanood lamang namin siya'ng maglakad papalapit sa kinaroroonan namin.

Parang tumigil ang mundo ng magtama ang aming mga mata. Napalunok ako dahil sobrang lamig ng mga matang iyon na para bang walang ka-buhay buhay.

Madali itong nakalapit sa kanyang ama. Hinawakan niya ang latigong ipanghahampas sana ng ama kina Perry at kinuha ito mula sa kamay ng ama, hindi niya alintana ang kuryenteng dumadaloy mula rito.

"Stop this, Dad," kalmado ngunit walang halong pag-uutos sa tono habang sinasambit niya ang katagang iyon.

Dustin.

Buhay pala siya. Ang buong akala namin ay patay na ito dahil sa pag-aakalang nagpakamatay nga ito.

He was a suicidal person. Hindi ko inakalang narito siya sa harapan ko't humihinga. I thought he died.. I thought he killed himself...

Nagulat kami nang bigla na lamang tumawa si Principal Spades na animo'y baliw dahil walang tigil rin sa pagbagsak ang mga luha nito.

"HAHAHAHAHA! WHAT THE HELL? IS THIS PART OF MY DREAM AGAIN?" sigaw ng Principal habang hinihimas ang mukha ng anak.

"Tell me.. if this is a dream, please don't wake me up. Ahhhhh! Please.. please.. Dustin, please.. huhuhu," pagsusumamo ng matanda, napaluhod na ito at bahagyang napapayakap sa paa ng anak.

"Dad, no, I'm sorry. Tumayo ka, Dad. This is me Dustin."

Ang kaninang walang emosyon na mukha niya ay bigla na lamang napalitan ng lungkot, saya at pananabik.

Pinatayo nito ang ama saka mahigpit na niyakap. "I miss you, Dad. I'm sorry for hiding. For hurting you. F-For pretending to be dead. Patawarin mo ako, Dad."

"Son, I always have forgiven you. Thank you for coming back.. I love you, I love you, Son. I hope I am not dreaming." Patuloy lamang ang paghikbi ni Principal Spades ngunit mababakas na rin ang saya sa pagkakangiti nito.

"You're not dreaming, Dad. I'm back. And I love you, too."

Hindi ko na kinaya pang panoorin ang eksena ng mag ama kaya't napaiwas na lang ako ng tingin. Pinahid ko na rin ang mga luhang kumawala sa mata ko.

Napatingin ako kina Lane at Perry na ngayon ay lumuluha ngunit nakangiti na rin. Ngumiwi naman ako nang mapagtanto ang kalagayan namin ngayon, halatang hirap na hirap na sina Lane pero iniinda parin nila ang sakit na nararamdaman.

"Let's end this shit," narinig kong giit ni Principal Spades na ngayo'y papalapit na sa pwesto ko.

Biglang sumabog ang kaba sa dibdib ko. Hindi ko alam kung bakit pero.. natatakot ako. Natatakot ako sa maaaring gawin nito sa akin. Alam kong galit ito sa'kin dahil sa ginawa ko sa kanyang anak.

Ngunit nagulat na lamang ako nang bigla itong may binunot na bagay mula sa kanyang bulsa. Susi. Kinalagan niya ang naka-posas kong mga kamay. Hiniwa rin nito ang taling nakabalot sa buo kong katawan.

'Pagkatapos akong makalagan ay nakangiti niya akong niyakap. Ang kaninang Principal Spades na demonyo ay naglaho na. Nakahinga na rin ako ng maluwag sa sunod na sinabi nito.

Section EightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon