S8 - Ophiuchus

749 44 6
                                    

Chapter 13


Perry's POV

*BOOOGSH*


Napamura ako nang makarinig kami ng isang malakas na pagsabog.



Agad namang napadako ang titig namin sa lugar kung saan nanggaling 'yung tunog.



What the fvck? Sa t-tower nanggaling ang ingay! At ang pagkakaalam ko ay doon nagtungo sina Joush at Jorgette para mag date. Shit!



Sa pangunguna ni Ian ay tumakbo kaming lahat patungo sa nasabing lugar. Kahit hindi ko gawaing magdasal ay, nagdasal ako na sana mali ang iniisip ko. Sana hindi sila mapahamak. Sana.



Halos tatlong minuto kaming tumakbo patungo roon. At.. isang kagimbal gimbal na pangyayari ang nasaksihan namin.

Suddenly, a single tear escaped my eyes.

Nadaganan sila ng isang brick na nanggaling sa isang bahagi ng tower habang nakayakap si Joush kay Jorgette.



May naririnig na akong sigawan at mga hikbi. Shit. Hindi totoo 'to.



"Buhay pa sila pero kung iiyak lang kayo d'yan ay tuluyan na silang mababawian ng buhay." Walang emosyong sambit ni Vida habang isa isang tinatanggal ang maliliit na bagay na nakadagan sa dalawa. Nang tiningnan ko siya'y ibang Vida ang nakita ko. Parang may kakaiba. O baka nagtitimpi lang. Nakita ko namang pinahid niya ang dala niyang panyo sa pisngi ni Jorgette na natuluan ng dugo. Siguro nanggaling 'yon kay Joush.



Tumulong narin ang iba pa sa aming kasamahan kaya madali naming natanggal ang mga kahoy.


Nagulat rin kami nang may mga dumating na babaeng nakaputing lab gown. Shit, ang hot! Ugh. Shit, ano ba Perry! Ayan parin ba ang iniisip mo?!


Takteng konsyensya 'to.


"Sino po kayo?" Masamang titig ang ipinukol ni Vida sa mga ito.



"We are the Medical Team of this Island." Sagot ng isang babaeng nakatali ang buhok, mukhang siya ang leader ng mga ito.



Nagbigay daan naman kami matapos marinig ang sinabing iyon ng babae. Kinuha nila ang dalawa naming kaibigan kaya naman nagprotesta kami. "Sasama po kami." Sabi ni Lane rito. Ngunit tiningnan muna ito ng babae mula ulo hanggang paa bago mahinang bumuntong hininga, "Fine. Pero apat na tao lang ang maaaring sumama." Sagot nito.



Nagkatinginan kaming lahat at napagpasyahan namin na kami na lang nina Lane, Vida at Jacie ang sasama total kami naman ang mas malapit sa dalawa.





Tahimik lamang kaming apat habang nakaupo sa loob ng isang ambulansya. Si Vida ay nakakunot ang noo na nakatingin sa labas ng bintana kung saan makikita ang masukal na gubat. Si Lane naman ay mukhang nagtitimpi lang sa galit habang nakatingin sa kawalan. At si Jacie ay nakayuko lamang. Mukhang labis na naapektuhan ang tatlong 'to.



Nakarating kami sa isang nakakatakot na ospital. Teka, may ospital rito?



Tatanungin ko pa sana kung paano nagkaroon ng isang ospital sa isang nakakakilabot na lugar ay naunahan na ako ng babaeng lider nila. "Hanggang dito na lang kayo. Kami na ang bahala sa dalawang batang 'yun. Don't worry, gagawin namin ang lahat para iligtas sila." And then she flashed a smile bago sumunod na sa kanyang kasamahan sa loob ng isang silid.



T*ngina bakit parang kinilabutan ako r'on? Shit!










Jacie's POV


Halos isang oras na kaming naghihintay rito sa labas at hindi na ako mapakali pa. Kumusta na kaya ang lagay nina Jorgette? Sana maayos ang maging resulta ng operasyon nila.



Nakasandal lang sa pader sina Perry at Lane sa magkabilang side habang kami ni Vida ay nakaupo lamang sa upuan dito sa waiting area.



Nag aalala na talaga ako. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko 'pag may manyaring masama sa kanila. Sa best friend ko.



Pang ilang buntong hininga ko na ba ito? Sampu? Dalawampu? Tatlumpu? Hindi ko na mabilang. Hinding hindi ako mapapalagay hangga't hindi ko nasisigurong maayos na ang lagay nila. Hays.



Lumiwanag naman ang mga mukha namin nang lumabas na ang siguro'y doktor, yung team leader nila. Agad na napatayo kami. "Kamusta po ang lagay nila?" Sabay na tanong namin ni Perry. Medyo nahiya naman ako kaya nag iwas ako ng tingin.



"Yung babae ay nagkaroon ng problema sa kanyang mga paa dulot ng malakas na pagbagsak ng isang parte ng elevator na tumama mismo sa kanyang paa pero magigising na siya maya maya lang. Habang ang lalaki nama'y.." napatigil siya sandali 'saka tumingin sa amin, "kung hindi siya magising sa loob ng tatlong araw ay maaaring mahulog siya sa isang napakahimbing na pagkakatulog." Paliwanag niya. Napasinghap naman siya sa narinig.




"Y-You mean.. hindi na siya magigising?" Nanlalaking matang tanong ni Perry.



"Yes. I mean, magkaka-coma siya. O sige, maaari niyo na silang puntahan." ngumiti siya at nagpaalam na.



Agad naman kaming nagpunta sa silid nila. Nailipat na sila sa regular na silid kaya ayos lang na bisitahin namin sila.




May nakalagay na bandage sa ulo ni Joush samantalang kay Jorgette naman ay sa kanyang dalawang paa. Mukhang napuruhan nga ito. Base sa nakita ko kasi kanina ay si Joush ang labis na napuruhan dahil siya ang sumalo ng mga nahulog na kahoy habang si Jorgette ay paa lamang niya ang nadaganan.



Hindi parin sila nagigising kaya napagpasyahan naming kumain muna dahil pagod na rin kami. May canteen naman dito sa ospital kaya dun na lang kami kumain. At habang kumakain ay ang pagnguya at paghinga lamang namin ang maririnig sa sobrang tahimik.




Mabilis kaming natapos kaya naman agad na bumalik kami sa silid nina Joush.




Tahimik parin kami. Nakakapanibago 'yung ganito dahil usually, maingay 'yang si Perry habang sinusuway naman siya ni Joush. Napabuntong hininga naman ako. Malungkot ko namang sinulyapan si Jorgette na ngayo'y nakaratay. I'm sorry Mom, hindi ko siya nabantayan. May tumapik naman sa balikat ko at ngumiti.



"'Wag kang mag alala, magiging maayos rin ang lahat. Malakas pa kaya sa kalabaw 'yang si Gette. Hahaha!" Biro nito. Kahit kailan talaga 'tong si Perry. Napailing na lang ako at ngumiti dahil nakangiti narin ang dalawang kanina pa tahimik sa isang tabi. Sabay kaming humagalpak sa tawa nang mapagtanto naming nakatingin kami sa isa't isa.




Sana ganito na lang palagi. Palaging masaya. Tawanan, kulitan lang ang magaganap. Ngunit imposible nang mangyari ang bagay na 'yon. Imposibleng mangyari sa lugar na ito. Sa.. impyernong ito.





Napatingin naman kami nang may kumatok sa pintuan. "Pasok." Sabi ni Lane.




Pumasok naman ang isa sa mga babaeng kasapi ng medical team. Yumuko ito saka may iniabot na isang pulang envelope sa amin, "Nakita namin 'to sa bulsa ng lalaking biktima." Kinuha naman ni Lane ang sulat at agad ring lumabas ang babae.




Lahat kami ay nakatingin lamang sa sobreng ito ng nakakunot noo.



Nang buksan ito ni Lane at binasa ay tiningnan namin siya dahil mukhang may isang palaisipan ngayon ang mababakas sa mukha niya.



Pinabasa naman niya ito sa amin at hindi ko alam kung anong mararamdaman ko sa nabasa. Dahil dugo ang ginamit na panulat rito at ang nakasulat ay...







They're too nosy. Ayoko nang maingay sa isla KO. And they know TOO damn much. They deserve my punishment. They are meant to DIE.
~ OPHIUCHUS


Who the hell is Ophiuchus?






--x

I/N: Sorry for all the typo / grammatical errors.

Section EightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon