Chapter III: soon?

129 5 1
                                    

“ You will both thank me soon”

“ What did you just said?” sabay lingon ko sa kanya.

“Nothing” he half smiled’’ You see him soon’’

“what?” lalo ako naguluhan, sira ulo talaga tong lalaki na ito.  Nagsimula na ako mabuwisit sa kanya, hindi na sya nakakatuwa.

“ gudnyt Danni. See u soon, later, tomorrow or never. Wag na mainis, am just making sure you are well attended, mahirap na masalisihan’’ pagkasabi nun ay nauna na siya tumalikod at umalis sa harapan ko. Kainis!

Parang gusto ko tuloy takbuhin ang Cabin ko at magkukulong sa loob at magsisigaw doon, pinigil ko lang ang sarili ko, marami kasi mga pasahero sa hallway baka isipin nila nasisiraan na ako.

_________________________________________________

“Hi” bungad sa akin ng isang babae pagkapasok na pagkapasok ko sa room. Muntik na nga ako mapatalon sa gulat, paano naman kasi nung lumbas ako kanina wala pa akong nakita na makakasama sa roon, tapos mula kaninang hapon puro na lang panggulat na “HI” and naririnig ko.

“ Sori iha if i scare you, ang hilig mo siguro magkape. “ nakangiting sabi nya.

“ Ha, a e, ok lang po,’’ tanging sagot ko na lang, paano ba naman kasi ang weird ng maghapon ko.

“ Paano ba yan, sana hindi ka matakutin, feeling ko kasi tayong dalawa lang pasahero dito sa room na ito, wala kasi masyado pasahero ngayon, at saka bago tong mga barko na to, sa pagkakaalam ko 2nd week pa lang mula nang nagkaroon sila ng byahe for CDO, kaya di pa sila masyado kilala.”

‘’Hindi naman po, sanay po ako mag-isa matulog”

“ Buti naman. Kasi kasama ko Husband ko ang kids, nasa other room sila. Kasi siniseparate pala nila Male and  Female passenger, buti na lang wala din sila ibang kasama doon, kaya lipat na lang akodun sa room nila. Okey ka lang ba talaga mag-isa dito.”

‘ Ok, lang po ate, “ wala naman siguro kakain sa akin dito.” Sagot ko na lang ng pabiro sabay ngiti sa kanya. Gumanti din cyan g ngiti sa akin sabay pulot sa mga gamit nya na nakapatong sa bed.  Habang palabas sya ng room ay kumaway pa sya sa kin.

Pagkasara ng pinto, umupo na ako sa kama na nakalaan para sa akin, tatayo sana ako uli para i-lock ang door kaso naisip ko baka bigla bumalik si ate, at saka mya ticket inspection pa pala mamaya pagkaalis ng barko, hinalungkat ko ang aking toiletries para makapaglinis na ng katawan, para makapagpahinga na.  Pagkalabas ko ng CR biglang umalingawngaw sa speaker sa ceiling ng room ko ang famous line ng pager operator.

Attention to all non-passenger on board, please disembark this vessel right now.  The Prince of the Sea is ready to depart bound for Cagayan de Oro City. Pwera visita, pwera visita....

“ attention to all deckhand, please standby now and prepare for undocking manuever, man your station... man your station... forward and aft, tao sa prowa tao sa popa, once again all deckhands, please standby, standby, standby”

“ Attention to all our valued passengers please prepare your tickets for inspection. Thank you...ding ding dong....”

After a while naramdaman ko na lang na nagsimula nang gumalaw ang barko na sinakyan ko, umupo ako sa kama ko at nagdasal sandali for a safe trip.  Nakatalikod ako sa may pintuan.  Bigla narinig ko bumakas ng mahina ang pinto ng Cabin, sumagi sa isip ko na bumalik si ate baka may kukunin sa mga iniwan nya na mga bagahe sa room namin, di na ako nag-abala pang lumingon, na busy ako sa pag ready ng aking bihisan kinabukasan, at pagliligpit ng aking pinagbihisan.

“ Nakaalis napala tayo Ate ano, so talaga wala ako kasama dito sa room?” Sabi ko , habang nakatalikod pa rin.

Katahimikan......Kinabahan ako, madaldal naman kanina si ate ah, bakit ngayon di nya sinagot sinabi ko. Di kaya si......lalo akong kinabahan, Oh my God, kahit gwapo siya sa paningin ko kanina , kahit weakness ko ang mga lalaki na naka marine Uniform no cares pa rin, he is still not my type.  Parang tumatayo ang balahibo ko sa likod, and again, i feel the nagging feeling na kahapon ko pa naramdaman, kahit ano utos ko sa leeg ko na lumingon ayaw nya sumunod.

‘’ So its true, its really you.” Sabi ng tao na nasa likod ko.  Para akong naestatwa sa aking kinauupuan.\

“ Oh my god Danielle, u have no idea how much I longed for this to happen”

“ M—Macky?”

saving all my loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon