chapter XXI: officially yours

90 5 2
                                    

Pagkatapos namin mag-rent ng limang movies sa Video City ay dumaan muna kami sa isang convenient store para bumili ng pwedeng kainin habang nanonood kami ng mga napili naming movies.

Habang nasa daan kami ay tahimik lang si Leo, paminsan-minsan ay nililingon niya ako sa aking kinauupuan, sabay iling.  I know he’s somewhat upset sa ginawa ko kanina, well, what can I do, aside from I enjoy the kiss, ay mas nag-eenjoy ako na paminsan minsan ay i-tease siya, kumbaga a dose of his own medicine.

Nasa kalagitnaan kami ng second movie na pinanood namin nang bigla niya akong hinila palapit sa kanya, he urge me to look into his eyes, as if mayroon siyang gustong sabihin pero di niya mailabas.  Kumawala ako sandali sa kanya at pilit kung inabot ang remote control ng VCD player sa may center table, pinindot ko ang pause button sabay balik sa harap niya.

“What?”I ask him again

“About kanina”

“Alin doon?’’ patay malisya kung tanong kahit may idea na ako kung ano.

“About Lindsey, she’s just an old fling...”

“You don’t have to explain to me, I don’t care who she is in your life Leo, ang sa akin lang na out of place ako kanina, di mo man lang ako pinakilala, nagmukha tuloy akong tanga.”

“Sorry, di ko naisip iyon.” Sabay hawak niya sa dalawa kung kamay.

“It’s okey!”

“About the kiss.” Binitawan niya ang isa kung kamay at hinawakan naman nya ang pisngi ko.

What about it, don’t tell me you’re sorry also na ginawa mo yon.”

“Im not.” Sagot niya sabay pilyong ngumiti sa akin.

“So?” yon lang ang maisip kung isagot, kung sagot nga ang tawag doon. Dinala niya ng aking kamay na hawak nya sa kanyang labi at hinalikan iyon.

“How can you be so calm about it, Danni?”

“Bakit, anong meron at kailangan di ako maging calm.  For Christ sake Leo, it’s just a kiss, maybe we got too far, pero wala naman sigurong mali doon.  Binata ka, dalaga ako.  Wala akong boyfriend sa ngayon , ikaw naman”........di ko natapos ang sasabihin ko, tiningnan ko siya sa mata , sabay hila sa aking dalawang kamay na hawak niya“ May girlfriend ka ba sa ngayon na di ko alam?” I ask him directly.

“ Wala. Flings meron, marami.”

“Oh, yon naman pala!  Let’s just say, you kissed me a while ago kasi tinatalakan kita, tapos you discovered you like the kiss, and me too, kaya lumalim ng ganoon.”

“ So how do you explain that, that hand signal thing you just gave me before you entered the car.” Sabay kumpas niya sa dalawa niyang kamay at pilit ginaya ang ginawa ko kanina bago ako sumakay sa sasakyan.

“ Oh that, it’s just that di ako makapaniwala, kayang-kaya pala kitang paikutin sa aking mga kamay.” Di ko na napigilan ang tawa na kanina ko pa pinigilan. Habang nagsasalita kasi ako ay napansin ko tumataas ang kilay niya na parang naeskandalo siya sa sinabi ko

“Ah ganon hah!” mas lalo akong napasigaw sa kakatawa ng hilahin niya ako sa paa at kinikiliti doonSa kakapilit kung kumawala sa kanya ay nahulog ako sa upuan.

“Shit!, stop it, di ako makahinga, tumigil ka na sabi!” Sabay sipa ko sa braso niya.

Binitawan naman niya ang paa ko nang mapansin niya maluha-luha na ang mata ko sa kakatawa.  Hinila niya ako pabalik sa upuan , napansin niya hiningal ako sa ginawa niya kaya tumayo siya at kumuha ng tubig sa ref.

saving all my loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon