Chapter XII: moving on

72 3 0
                                    

Nakaupo na naman ako sa swing namin sa gilid ng bahay. It’s been three weeks mula ng nangyari ang pag-iwan sa akin ni Macky. Mula noong araw na iyon ay di na kami nagkausap pa muli. Pagkatapos kasi ng isang lingo after that incident ay napagpasyahan kung umuwi muna sa amin, I still have five weeks left sa aking leave sa company.  Na-realize ko kasi, i need to be surrounded by people who loves me unconditionally sa panahon na ito. Sa isang buong lingo na nanatili ako sa apartment ko parang gusto ko na magpakamatay, alam mo yong pakiramdam na parang malulunod ka na sa sobrang sakit at lungkot ng iyong naramdaman tapos wala ka man lang mapagsabihan, wala ka man lang pwedeng mapaglabasan ng sama ng loob, wala man lang umaalo at yumayakap para medyo maibsan kahit kunti ang aking naramdaman.

Mula ng dumating ako sa amin, medyo naibsan ng kunti kahit papaano ang naramdaman ko. Pinilit ko libangin ang aking sarili, pinilit kung huwag isipin si Macky, kahit sobrang miss na miss ko na siya. Kahit noong una nahirapan akong gawin. Paano ba naman kasi, ang tagal ko siyang pinag-laanan ng pagmamahal ko, kahit nagkaroon ako ng Edwin sa buhay ko, alam ko si Macky pa rin ang hinahanap ng puso ko. Sabi ni Ate Aye, kapag na miss mo ang isang tao hindi daw ibig sabihin noon na kailangan mo siya sa buhay mo, natural lang na mararamdamam no ang mga iyon, part lang daw iyon ng pagmove-on.  Alam ko naman may point si Ate, naranasan na din kasi niya ang ganito, mas malala pa nga kasi may naiwan sa kanya na ala-ala ang tao na iyon.  Pero sa puntong ito kasi di ko pa masyadong tanggap ang nangyari sa amin.

Parang blessing in disguise din sa amin ni Ate Aye ang sitwasyon ko sa ngayon.  Naging malapit kami sa isat-isa. For 21 years of my life ngayon lang kami naging ganito, kahit dalawa lang kaming babae, mas malapit ako sa mga kuya ko. Minsan kasi medyo awkward na ako na magsabi kay tatay sa naramdaman ko, nagsasabi pa rin naman ako pero may mga bagay na mas kampante ako kay ate magsabi.  Kapag sa mga kuya ko naman, masyado mainit ang ulo nila, bubugbugin daw nila si Macky pag nakita nila.  Mas naintindihan ko na rin si ate ngayon, kung bakit niya nagawa ang mga bagay na ginawa niya noon. 

I still have one week left bago ako babalik sa Cebu. Na miss ko na din magtrabaho, at magkaroon uli ng pera ang ATM ko.  May pera naman ako sa bank, nang namatay kasi si nanay ay medyo malaki-laki ang natanggap ni tatay mula sa pinapasukan nila tapos di namin alam kumuha pala si nanay ng life insurance, at ang beneficiary ay kaming magkakapatid.

Kahit naman puro sakit at pighati ang dulot sa akin ng Cebu, ay gusto ko pa rin na bumalik doon.  Sa katunayan di ko pa rin binitawan ang apartment ko doon, pati ang opisina, tinawagan ko bago ako umalis. Ang tanging di ko ginawa noong umalis ako ay ang magpaalam kay Macky, kasi di ko pa alam kong paano ko siya pakiharapan, pati kay Leo di rin ako nakapagsabi. Sinadya ko rin na hindi sa barko nila sumakay pauwi, ayoko muna kasi may makausap at makita na makapag-paalala sa akin kay Macky.

Sa ngayon medyo tanggap ko na ang nagyari. First step of moving on is acceptance.  Kailangan ko lang turuan ang puso ko na tanggapin na tapos na talaga sa amin ang lahat, nasa point na ako na natatanggap ko na ang isipin na there’s no more “us”. I believe that if one door closes, another one will open, kaso ang problema hanggang hindi ko matutunan na tanggapin  ang nangyayari sa  akin ay di ko rin masimulan ang pag move-on., and I will be stuck in this mess. I don’t want to end up waiting for that closed door to re- open again, tapos di ko mapapansin ang dami na palang door na bumakas sa likod ko para sa akin. Mga pinto na kung nilingon ko lang ay malalaman ko nandoon pala ang rason at sagot kung bakit ko pinagdaanan ang lahat ng sakit na naramdaman ko sa ngayon. I don’t wanna wake up one morning  at ma realize ko ang dami kung sinayang na sandali. I need to accept it, move on, and let go of the past even if for now it’s so hard to do.

Napag-isip-isip ko, I’m still lucky, I have my family who loves me unconditionally, i still have my job waiting for me, i’m in good health. Kung tutuusin, i don’t have the right to complain, ang daming tao na mas nahihirapan, wala ng mahal sa buhay, jobless, at iyong mga taong hanggang ngayon di pa rin nasubukan na umibig at ibigin.  At least ako, kahit nasaktan ako ngayon, naramdaman ko pa rin kung paano ang may taong nagmamahal sa akin.

Nice..... favourite ko talaga ang swing na ito sa lahat ng parte ng bahay namin, ang sarap kasi magmuni-muni dito, ang dami kong mga bagay na nare-realize.  Hayyyy,  sa isang lingo babalik na ako sa Cebu, mami-miss ko ang lugar na ito. Natigil ako sa aking pag-muni-muni ng biglang may mga kamay na tumakip sa aking mga mata mula sa likuran.

“ ayyyy... ano ba yan. Sino ka?” gulat kong tanong. Di pa rin sumasagot ang nasa likod ko, pero naramdaman ko pinipigil niya ang paglabas ng tawa niya kasi umaalog ang mga braso niya sa likod ko.

“ Hoy, magsalita ka. Panira ka ng moment ko hah”  wala pa ring sagot. “ Kuya Dane? Kuya James? Nada. “ Kuya Mon? Wala pa rin. “ nakakainisiiisssss.”

“Try harder” sabi ng baritonong boses sa likod ko, sabay pinakawalan niya ang kanina pa niya pinipigilan na tawa.

“ Edwin?, kakainis ka, ano ginagawa mo dito, akala ko nasa Manila ka nag re-review para sa board exam.?” Mahaba kung tanong.

“ Nakakapagtampo ka naman mylabs!” kunwari nagpopout niyang sabi. Mylabs, yon ang tawag niya sa akin hanggang ngayon kahit wala na kami. Favorite kasi niya ang My Love na kanta ng westlife, para daw sa akin yon, kaya My love ang tawag niya sa akin na naging mylabs kalaunan.

“ Bakit, ano na namang ginawa ko?” Pagtataray ko kunwaring sagot.

“ Matagal na po natapos ang Board Exam ko,  registered Enginner na mylabs mo ngayon, pwede na kita pakasalan.” Sabi pa niya na kulang na lang ay maglulundag sa tuwa na nakikita ko sa mga mata niya.

“ Heh! Kahit kelan talaga ang childish mo. Di nga, bakit di ko nalaman to, di ka man lang nagpakain, treat mo naman ako.” Masaya kong sabi.

“ Heh!, ka rin. Busy ka kasi sa Macky mo, tapos nakakainis lang kung kelan masaya ako, saka ko naman malalaman nagluluksa ang mylabs ko.  Sana kasi ako na lang talaga ang minahal mo Dan-dan, promise di kita paiiyakin, kasi di kita iiwanan..... dadagdagan lang.” Biro niyang sabi sabay halakhak na naman.  That’s Edwin, kaya naging kami siguro kasi na challenge siya sa akin, di kasi niya lubos maisip kung bakit nananatili akong in-love kay Macky samantalang wala na akong balita sa kanya. Sa totoo lang marami siyang girlfriend, kaso di ko alam bakit pinagpipilit niya na maging kami din kahit di ko siya magawang  mahalin. We are just two people enjoying each others company, he likes me a lot to the point na naninniwala na siya na mahal talaga niya ako, and i like him too, if wala akong Macky, i can see myself falling for him. That’s why I decided to end up what we started before I’ll end up hurting him, in which he gracefully accepted, that’s why up until now we remained friends.

“ Anyways, i’m here because i wanna personally invite you to my Thanksgiving party, nabalitaan ko kasi sa Kuya Dane mo na nandito ka daw, nagmumukmok. Tsaka, wala akong date, kaya please pumayag ka na. Gusto ko ikaw ang date ko sa party ko, don’t wori wala akong girlfriend as of the moment kaya walang mang-aaway sa iyo doon, I will be yours exclusively for the night.”Sabi pa niya sabay kindat sa akin.

“ Kelan ba iyon? Saan gaganapin?” tanong ko.

“ The day after tomorrow, sa Bahay namin sa CDO.”

“ Ok. I will come, basta ba dito ka muna matulog tonight, tapos sabay na tayo lumuwas bukas, babalik na din kasi ako sa Cebu, so after  ng party siguro mga two nights lang ako kina Lola tapos alis na din ako.” Sabi ko sa kanya.

“ Oo ba. Basta pahiramin mo ako ng damit ni Kuya mo, wala kasi akong dala na gamit” Edwin

“ Sus, if I know plano mo na yan, alam mo kasi kasya sa iyo mga damit ni Kuya Dane.” Buto sa kanya si Kuya Dane ko. Magkavibes silang dalawa, dahil siguro pareho sila ng gusto na field ni kuya, ang problema di natupad ni Kuya ang kanya samantalang si Edwin ay nakamit na niya.

Tuwang-tuwa si Tatay pagdating niya mula sa bukid ng makita niya si Edwin, welcome na welcome pa rin kasi siya sa bahay namin kahit wala na kaming dalawa. Gusto nila si Edwin para sa akin, paano naman kasi, kahit anino wala pa kahit isa sa kanila ang nakakita kay Macky. Habang kumakain kami nang gabing iyon, nakikita ko sa mga mata ni Tatay at ng Ate ko ang pagnanais na sana maging kami uling dalawa. Di ko tuloy maiwasang pakatitigan si Edwin. Oo nga naman, bakit di na lang siya ang minahal ko, kung pwede lang turuan ang puso ko sana siya na lang ang ititibok nito.

saving all my loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon