Chapter V: His POV

102 3 0
                                    

I am standing inside Prince of the Star Bridge. Pinapatawag ako ng ship Captain before ako mag off kanina sa duty ko, actually napakiusapan lang ako ni Leo na ako muna magduty ngayon umaga dahil na rin sa hiningi ko sa kanya na pabor kagabi.  Two hours lang naman, ang tamad kasi noon gumising ng maaga, lalo na kagabi nakisali siya sa ticket inspection, nakakita na naman siya ng magandang chicks na bobolahin niya.  Captain Gomez wants to talk to me about my contract with the company which up until last night di ko pa rin madesisyonan. But everything changes last night, i need to make up my mind like, NOW.

Sandali lang naman ang pag-uusap namin sinabi ko na sa kanya ang desisyon ko.  Bahala na si Superman. Palabas na sana ako sa bridge nang may nahagip ang paningin ko sa may Starboard side ng barko.  Sa harap ng bridge makikita  mo kasi ang  malaking View Deck ng mga pasahero sa baba, marami doon mga pasahero nakatayo, naghihintay kung kelan maibaba ang hagdanan ng barko.

There, at the far side of the View Deck, standing alone, habang nililipad lipad ng hangin ang kanyang buhok, the love of my life.  Parang wala siyang pakialam sa paligid niya, ang layo ng kanyang tingin ang lalim ng kanyang iniisip.  Lumakad ako ng kunti sa may gilid para Makita ko kahit kunti ang kanyang buong mukha. Naka side view kasi siya. Para akong ipinako sa aking kinatatayuan sa nakita ko. IS SHE CRYING? Gusto kung takbuhin ang hagdanan na nakapagitan sa amin, I want to hug her right there and then, ask her whats the matter where in fact, i know for sure that its all because of my own doing.  Bakit ba kami nakarating sa ganito?

Danielle Madriaga “Danni” to her family, Dan-Dan to some of her acquaintances, but for me, she’s my Danielle, mas gusto ko ang tunog.  She used to tease me about it, ang tahimik ko daw na tao, tipid na tipid magsalita, tapos sa pangalan nya daw buong buo ko siyang tawagin, dapat daw kasi tipid din ang tawag ko sa kanya like “Dan” o di kaya “ An” para mas maikli, sagot ko naman I like her full name better, kasi pagdating sa kanya di ko siya kayang tipirin. Kayang-kaya niya akong pagsalitain, she knows how to manipulate the situation para makuha niya kung ano ang gusto nya malaman sa akin.

She’s like my ray of Sunshine through the rain, my four years in college would have been so boring if i haven’t meet her.  Kahit huli na naging kami, at least naranasan ko kung paano magmahal before ako lumampas sa aking teenage year.  Noong una nai-intimidate ako sa kanya, masyado syang masalita, not to the point na mayabang pero talaga sobrang kulit, hangang sa natuklasan ko masarap siyang kausap, kahit kadalasan feeling ko siya lang ang nagsasalita, yes or no, iling tango lang ang sa akin.  Di ako makasabay sa energy nya.  She’s in her first year in college, taking up Management, kaya sobra pa siyang curious sa mga bagay bagay,she grows up and finish her high school in their town 3 hours from the city. So lahat na bago sa kanya ay exciting.

Im her first of almost everything, movie, movie date, first kiss, first make-out, and still hoping to be her first ...yon na yon. I smiled of the thought.  Hanggang langit na kantyaw ang inabot k okay Leo sa topic na iyon. Last night was not an excemption. Naalala ko pa sinabi nya.

“So ano na Mate, naka Plot na?” tanong niya na nakangisi.

“anong Plot pinagsasabi mo?”

“ay sus! Don’t tell me same as usual pa rin?, nakakalokong tanong niya.

“Back-off Mate, its Danielle we are talking here, ibahin mo siya, when it comes to her i don’t kiss and tell.”sagot ko

“ahem, as if meron naming iba na pwede mong ekiss and tell.” Sumeryoso bigla mukha ni Leo. “ so everything is okey na I guess, did you tell her?”

Tahimik lang ako nakatingin sa malayo, i don’t know how to say it.  Even if mag-explain ako kay Leo dir in nya ako maintindihan. Dinaig ako ng takot, am not yet ready to face the consequences of what am gonna tell her.

“ You’re so fucked up, macky.”

“ Natakot ako, d ko kayang Makita siyang masaktan, di bali na ako ang magdusa wag ko lang Makita sa kanyang mga mata ang sakit kung sabihin ko na sa kanya ang dahilan.”pag-amin ko.

“that’s bullshit!, and you think sa lagay na yan she’s not hurting?  Correct me if im wrong, pero, i spend just a total of like 10 minutes with her, at sa nakikita ko, she’s not the kind na bastabasta na lang mag-back off sa mga bagay bagay. She ‘s not the kind who accept thing at face value, kumbaga what you see is what you get.di siya ganoon sa tingin ko Mate.” Si Leo.

“ Ill make it right, just give me time.” Sabi ko sa kanya sabay alis. Kelangan ko pa balikan trabaho ko.Nakita ko pa si Leo na iiling-iling na nakatingin sa akin habangpapalayo ako.

Saan ba kasi ako magsimula, kahit saang anggulo ko tingnan, masasaktan at masasaktan ko siya. There’s no question about that.  The question is when will i get enought courage to face her and tell her the truth, i admit, im not so good with words, or talking for that matter, let alone to confess something unpleasant to someone that i really love, the  mere thought of what might happen enough na para umurong ang dila ko.

Gusto ko na magtapat sa kanya kagabi, akala ko madatnan ko siya na gising pagbalik ko sa Cabin niya, alam ko nakatulog siya sa paghihintay sa akin. Imbes na gisingin ko siya pinasya ko na lang na pagmasdan siya sa kanyang pagtulog. Panaka-naka, kinakausap ko siya. Doon ako magaling, pag alam ko di niya ako naririnig, i tend to tell her everything that she needs to know, everything that i felt, buti na lang tulad pa rin siya ng dati, parang mantika kung matulog.

Hinahaplos-haplos ko ang kanyang mukha, ang kanyang mahabanh buhok, napangiti ako bigla, di talaga niya pinaputol ang buhok nya, i remember she likes it short pero sabi ko gusto ko mahaba buhok niya, mas bagay kasi sa kanya ang mahabang buhol lalo na kung naka dress siya. Mahilig siya sa dress, or palda, not the long type. Yong mga 5 inches above the knee,inaamin ko ayaw ko sana siya naggaganon, not that hindi niya bagay. Sa totoo ang ganda niya tingnan pag naka mini, sa tangkad niyang 5’6” tapos wala siyang extra fats sa katawan, bagay sa kanya ang mga ganon na damit.  Kaso ang ayaw ko lang kahit saan kami pumupunta di ko mapigilan magselos at manggigil sa mga tumitingin sa kanya.  Hindi naman siya mukhang bastusin tingnan, head turner lang siya, not that she’s sexy, she’s more on “smart” tingnan sa pananamit.

Natigil ako sa aking ginagawa ng bigla siya kumilos, nabigla ako ng hinawakan nya ang aking kamay tapos dinala sa mukha niya. Sa sampling ginawa nya na iyon ay naghahatid sa akin ng walang tumbas na ligaya, d ako kumilos  hinihintay ko kung bubukas yong mga mata nya pero nananatili itong nakapikit, tapos bigla cya bumaling at dinikit ang kanyang mukha sa aking tagiliran.  Humiga na rin ako sa tabi nya, alam ko, after 3 long years, di ko pa rin malimutan ang ibig sabihin ng kilos niya na iyon.  Gusto nya magpayakap, kahit tulog siya, unconsciously nararamdaman niya ang presence ko.  She loves to cuddle, and am happy to oblige.

Di ako nakatulog, kahit pikit ang mata ko gising na gising ang diwa ko, ramdam na ramdam ko ang bilis ng tibok ng puso ko, d ako matigil sa kakalunok, para akong nauubusan ng tubig na ewan. She’s still has the same effect on me. Naalala ko bigla ang mga sulat niya noon, di nya talaga makalimutan ilagay sa baba ang mga salitang iyon, na memorize ko na kahit tulog ako...

“wherever you go, whatever yo do, i will be here waiting for you”

Kaya everytime na naririnig ko sa FM ang Kanta na yan ni Richard Marx, naaalala ko siya. Na mimiss ko siya lalo.

Nilingon ko uli siya sa view Deck, nalarma ako ng wala na siya doon sa gilid na kanyang kinatatayuan. I realized, naka dock na pala kami. Tinakbo ko ang hallway papunta sa Cabin nya, sana maabutan ko pa siya. But to my dismay, wala na siya sa room nya, wala na rin pati mga gamit niya doon.  Tumakbo ako pabalik sa Bridge, baka doon matanaw ko siya habang papalabas ng pier, pero sa dami ng tao na papasok at palabas ng  Barko di ko siya nakita. Tumakbo uli ako sa Engine room pilit kung hinahanap si Leo doon, pero lahat yata ng gusto kung Makita sa mga oras na ito ay di ko mahagilap.  I need to find him, mas magaling si Leo sa “hanapan”, kung may gusto ka ipahanap sa kanya sa maraming tao, kaya niya mahanap yon, basta lang ba babae, at maganda.

“ Damn, this isn’t over Danielle,  I promise. After all I have been through, you can’t  get off me that easily. I will see you again, and this time, i will be the one looking for you.”

saving all my loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon