Chapter XVII: am I unfair

70 3 0
                                    

Nagising ako ng dahil may parang mabigat na bagay na nakadagan sa binti ko, unti-unti ko iginalaw ang aking ulo para matingnan kung kaninong mga paa ang nakapatong sa  legs ko.  Medyo nagulat ako ng kunti ng makita ko ang pagmumukha ng tao na nasa likod ko at walang pakundangang nakayakap  at nakapatong pa ang mga legs na akala mo ang gaan-gaan lang. Sarap- na sarap siya sa tulog niya, humihilik pa.

Hinay-hinay akong bumangon mula sa pagkahiga.  Ang mokong di man lang nagising kahit pabagsak kong tinangal ang mga paa niya na nakadagan sa akin. Naghanap ako ng orasan sa gilid ng kama at nakita ko mag- 1:00 pm na pala.  I decided to take a bath para mamaya paggising ni Leo ay magbihis na lang siya at aalis na kami, inikot ko ang paningin ko sa buong kwarto, naghahanap ako ng banyo, pero wala akong makita na pinto maliban sa nag-iisang pintuan palabas ng silid.

Papasok na sana ako sa kabilang room ng maalala ko ang nangyari kanina kaya tumuloy na lang ako sa baba para doon na maligo.  Pagkatapos ko makaligo at magbihis sa sala sa baba ay umakyat na ako pabalik sa taas, tulog pa rin si Leo. 

Napaupo ako sa gilid ng kama, memories of what happen in the other room  4 hours ago played on my mind, and I’m glad I did it, now I know from my heart na kakayanin ko talaga ito. I’m really starting over.  Tinitest ko talaga ang sarili ko kong kaya ko na ba, last night was one of the test, nang makita ko si Leo I expect to feel something na makapag-paalala sa akin kay Macky. Nang di niya maiwasan na mabanggit si Macky kagabi ay napatahimik ako. Hindi dahil nasaktan ako ng mabangit ang pangalan niya kundi dahil pilit kung kinakapa sa sarili ko ang damdamin na inaasahan ko na maramdaman sa oras na iyon.

Deep in my heart, I know the love is still there.  Di naman kasi basta-basta mawawala iyon. He’s been a part of my life for almost 5 years.  I know for a fact, na kahit magmahal ako ng iba, he will still be a part of me.  I want him to  be a constant part of my life forever kahit friends lang, but for now habang sariwa pa ang lahat ay maigi na rin na malayo siya.  Siguro pagbalik nya we can be able to talk again, although tanggap ko na na di na talaga kami, part of me still hopes na baka isang araw, he will realize na kaya na niya akong mahalin ng di siya nakakaramdam ng guilt.

Natigil ako sa aking pagmunimuni ng may tumunog sa loob ng bituka ko,  gutom na mga alaga ko sa tiyan.  Gigisingin ko na lang siguro ang lalaki na ito.

Akmang tatapikin ko na siya sa balikat ng biglang siyang gumalaw paharap sa akin, nakapikit pa rin ang mata niya, para akong na mesmerize habang pinanood siya na ganoon, it was my first time na matitigan siya ng ganoon kalapit at  hindi ako uneasy dahil tulog siya. Parang may nag-uutos sa mga kamay ko na haplusin ang mukha niya, parang ang amo-amo niya kasi tingnan, taliwas sa personality nya kapag gising siya.

“ What are you doing?” naiwan sa iri ang kamay ko ng bigla siyang nagsalita. Di ako makagalaw, napamata lang ako sa kanya.  Biglang bumukas ang kanyang dalawang mata.  ” Damn woman!,Stop staring at me!, baka di ako makapag-pigil.”

Napamulagat ako sa sinabi niya, kainis naman itong tao na ito gising na pala.

“ Kanina ka pa ba gising?”

“ Nagtatanong ka pa, ikaw kaya biglang ibalya ang mga paa habang sarap na sarap ka sa posisyon mo di ka ba magising!” sagot ni Leo sabay hilamos ng mga kamay sa mukha niya.

“  Ang bigat-bigat kaya ng mga paa mo, kaya nga nagising ako, nangangalay na mga legs ko!” sagot ko naman sa pagrereklamo nya.  Ang mokong, sarap na sarap siguro siya habang ginagawa nyang unan ang legs ko.

“  Bihis ka na, gutom na ako.  Di ba may date pa tayo.” Dagdag ko pa.

“Atat na atat ka naman sa date natin” hinampas ko siya sa balikat sa sagot niya na iyon.  “ Oo na, oo na po, magbibihis na, ang kulit-kulit.  Iyakin naman.  please Leo, please don’t leave me, i’m moving on promise last na to.” Panggagaya niya sa ginawa ko kanina.

saving all my loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon