Chapter XXVIII: for the first time

29 0 0
                                    

Sobrang lakas ng buhos ng ulan pagkababa ko ng Taxi. Sana nag jeep na lang ako kung alam ko lang na mababasa pa rin ako. Pinauwi kasi lahat ng empleyado ng NGC dahil sa paparating na bagyo na nakatakdang tatama ng Cebu mamayang hapon.

Pero kahit para akong basing sisiw pagkarating ko sa pintuan ng unit ko ay di pa rin nito magawang bwisitin ang araw ko.

Kanina pa ako sa loob ng opisina na parang nakalutang.

Nakausap ko siya kanina, though di ko siya natanong directly kung anong meron sila ni Leo ay nasagot na din ang mga katanungan ko.

Pero may mga bagay pa rin mas lalong nagdulot ng mga bagong katanungan sa isip ko.  May mga bagay na di ko mapag tagpi-tagpi, at kahit ayaw ko mang aminin ay ngayon ko lang na-realize, I don’t know about him that much.

I know the man that he is, but i don’t know the man behind.  I don’t hear him talk about his family.  I even don’t know if he had a sister or a brother.

Ang alam ko taga-dito talaga siya sa Cebu, at may kaya ang pamilya nya base sa nakikita ko sa mga gamit at kilos nya.  Isama pa na nakaka-afford siya na mag-rent ng ganung klaseng apartment na tinirhan nila ni Macky kahit sabihin pang hati sila doon. Idagdag pa na may binili silang dalawa magkaibigan na Condo Unit sa may Ayala Business Park.

Kapag naman minsan napunta sa family ang usapan ay nahahalata ko na iwas siya sa topic na iyon.  Ang tanging alam ko lang sa kanya ay Seaman din ang papa nya, a Ship Captain to be exact na nakabase sa Canada and Company nito. Si Tito Leonardo din ang tumutulong ngayon para mapadali ang pag-alis ni Macky abroad.

Minsan tinanong ko siya kung nasaan nanay nya ang sagot lang nya ay nandito lang din sa Cebu at masyadong busy sa negosyo. Di ko na rin siya kinulit kung ano business ang pinagkaabalahan ng nanay nya.  Minsan din natanong ko siya kung okey lang sa nanay nya na bibihira lang nila makita ang tatay nya pero ipinagkibit balikat lang nya ito.

Inisip ko na lang na baka tulad ng mag typical na mag-asawa din sila na seaman ang lalaki tapos ang babae di na pinagtrabaho kasi nga naman dollar ang kita sa barko, tapos baka dahil nababagot din ang nanay nya kaya nagnenegosyo ng mga Avon, Natasha, Personal Collection, at kung mga ano-ano pang mga direct selling companies na nagsusulputan sa ngayon.  Kasi karamihan sa mga kakilala ko, kapitbahay at mga nanay ng kaklase ko na seaman ang tatay ay gnun ang mga ginagawa ng nanay nila.

Natigil ako sa pagmuni-muni nag maramdaman kung nagsimula nang manginig ang tuhod ko .

Papasok na sana ako sa loob ng banyo para makaligo na at nilalamig na din ako dahil  kahit anong takbo ko mula sa taxi hanggang sa gate ng unit namin pero nabasa pa din ako.  Nakarinig ako ng kalabog sa labas ng pinto ng unit ko na nasundan ng malalakas na katok.

Kung sino mang Poncio Pilato ang nasa labas , napaka-wrong timing naman ng dating nya.

Kung kelan naman nakatapi lang ako ng tuwalya sa katawan saka naman may kakatok.  Kung kelan kailangan di ko i-lock ang pintuan saka naman natiming na na lock ko ito. Araw-arawin ka ba naman kasing sermonan ng lalaking iyon na napaka-irresponsible ko pagdating sa safety ko, na lagi ko nalang nakakaligtaan na i-lock ang pinto minsan buong magdamag.

saving all my loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon