Chapter XIX: puzzled

70 3 0
                                    

“ Hindi talaga ako nagkamali ng pagpili sa iyo Danielle, you are a fast learner, all you need is just a little push” sabi ni miss Cecille sa akin habang sabay kaming nagmeryenda sa loob ng office niya.

“ Hindi naman, magaling lang kayo magturo Miss Cecille” sagot ko naman na nakangiti.

I’m always with her this past few weeks, tini-train na niya ako sa magiging bago kung trabaho.  Hindi naman pala ganoon kahirap ang maging Executive secretary, although malayo talaga siya sa nakasanayan ko na accounting works.  Hindi lang naman kasi kailangan magaling ka sa figures, kailangn mo din maging bihasa sa pakikipag-usap sa mga clients, members of the board, kumbaga  kailangan ka rin magaling sa PR.

Nitong mga nakaraang araw din ay naging close kami ni Miss Cecille sa isat-isa, minsan nga nafeel ko medyo sobrang personal na ng mga tanong niya, tungkol sa lovelife at family.  Minsan pahapyaw lang na pagkukuwento ko pero minsan nadadala na rin ako kaya napapasobra minsan ang kwento ko tungkol sa sarili ko.

Minsan isang araw, niyaya niya akong na lumabas daw kami minsan, girls night out kumbaga.  Napagkasunduan namin na susunduin niya ako sa apartment ng gabi na iyon dahil may sasakyan naman daw siya.

Nabigla ako ng may pumarada na black camry sa harapan ako, pilit kong kinakalkal sa isip ko kung may nakaligtaan ba ako na usapan ng tao na iyon at bakit bigla-bigla nalang siyang susulpot sa apartment ko kung kelan may “girls night out” kami ni Miss Cecille.

Pero mas lalo akong nagulat ng mula sa driver’s side ay lumabas ang tao na di ko inaasahang lulan ng sasakyan na iyon.

“Oh, bakit para kang nakakita ng multo?” tanong niya sa akin. Di ako makasagot, nakatitig lang ako sa kanya tapos sa saksakyan nya uli.  Siguro naman magkatulad lang ang kulay ng sasakyan nila.  Bakit ba naman kasi di ko natandaan ang plate number ng kotse na dinala niya dito noon.

“ Hoy Danielle, ano ka ba? Hop in bilis.  Minsan lang ito mangyayari, kapag darating na ang boss mo di na natin ito pwedeng gawin, matatali na tayo sa mga works natin.” Untag ni Miss Cecille sa akin.

Pilit akong ngumiti sa kanya habang inaayos ko ang sarili ko sa pagkakaupo ng makapasok na ako sa loob ng sasakyan.  Pati ba naman sa loob, kaparehong kapareho sa kotse na ginamit niya ang kulay at upuan.  Sabagay, anong alam ko sa mga sasakyan, baka lahat ng Black Camry ay pare-pareho ang interior.  Gusto ko man tanungin si miss Cecille ay di ko naman alam kung paano ko simulan.

Pagkatapos ng ilang minute ay natagpuaan ko na lang ang sarili ko na hila-hila sa kamay ni miss Cecille sa loob ng isang sosyal na KTV Lounge.  Alam ko sosyal iyon kasi di naman mukhang mga bastusin ang mga babae na nakikita ko doon. At saka nakita ko bago kami pumasok kanina ay may ipinakita lang na VIP card si Miss Cecille tapos ayon pinapasok na kami ng Guard, so ibig sabihin strictly for members  lang iyon.

Pumasok kami sa isang private room, napansin ko kaagad pagkapasok namin na may mga pagkain na na nakahanda sa isang maliit na round table sa gitna ng room, may mga drinks din sa isang chiller na nakalagay sa gilid ng room.

What brought a wide grin on my face ay nang mapansin ko ang isang 29” flat screen tv na nakabrace sa wall. Karaoke. 

“  Oh my God!, Miss Cecille, how did you know i love to sing?” nakangiti ako habang lumingon sa kanya. I saw a wide smile also escape in her mouth.

“  I didn’t.  Mahilig akong kumanta kaya dinala kita dito, hoping that you like it also, and I’m glad you do.  Remember what I told you about your boss, this is also part of your duty na paminsan-minsan gagawin mo ang mga bagay na ito.” Sabi pa niya sa akin.  Everytime na binabanggit ni Miss Cecille iyon ay di ko talaga maiwasang ma-puzzle.

saving all my loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon