Chapter VIII: denial

75 2 0
                                    

I am currently standing at the exact spot i was a years ago. Sa starboard side ng Prince of the Star. Malapit na kami dumaong sa pier na Cagayan de Oro City, it is still 5:am medyo mamula mula na ang langit hudyat na malapit na lalabas ang araw. I feel so peacefull habang nililipad-lipad ng hangin ang aking mahabang buhok, so peaceful.... and so Ironic kasi kabaliktaran sa naramdaman ko sa panlabas na anyo ang naramdaman kung bigat sa loob.

I’m coming home  after a year of being away, masaya ako sa kaalaman na yon,i  missed my family back home, but also am so down and lonely and frustrated at the same time.  Something to do with what i failed to do when im in Cebu. Something to do with the reason why i left home at nakipagsapalaran sa siyudad na yon.  I grow up in our little barangay ,I love country life, the simplicity, the peacefulness and contentment.  But i had to leave home because of him, or mas tamang sabihin, to find him.

Pero talaga sigurong never meant to be kaming dalawa, sa loob ng isang taon, ang dami kasing nangyari, akala ko okey na lahat, but I realized sometimes kahit anong pilit mo na umayon sa gusto at plano mo ang lahat, kabaliktaran ang mangyayari, whatever struggles I made, even him, pero may mga bagay pa rin na beyond our control.

After what happen to us two weeks ago sa apartment niya ay di na kami nagkausap muli. Di ko pa kasi alam kung paano ko i-handle ang sinabi niya sa akin, I had so many questions in my mind, and am dying to know the answers to it, pero sa ngayon di ko pa kasi alam kung paano ko siya pakitunguhan.

Surprisingly, im not mad at him. I love him that much, and am willing to forgive and forget what happen pero,having a son to another woman is not that simple. We badly need to talk, but now i need to clear up my mind, and going home is the best decision, at least doon sa amin makapag-isip ako ng mabuti, napapaligiran ako ng mga tao na nagmamahal sa akin ng totoo kahit ano pa man ako.

Kahit nanghihinayang ako sa naiwan kong trabaho ay nag-resign ako, lucky for me ay di pumayag ang boss ko, pinatawag niya ako sa office nya at kinausap. I know mayroon siyang idea kung ano ang dahilan ng pag-alis ko, alam nyo naman sa accounting department at finance, tsismis ang pantulak namin sa aming miryenda. Nabigla nga ako ng sinabi niya na mag-indifinite leave na lang daw muna ako, pero sana lang daw wag ako lumampas ng 2 months. Pumuyag na rin ako, who am i to argue, ang suwerte ko na nga eh.

“ Danni, may problema ka ba, napapansin kasi ni Tatay mula noong dumating ka lagi ka na lang nakatulala .” tanong ng Ate Aye ko. Nasa bukid kami, pareho kaming naghahanda ng meryenda ng mga tao, nagpaharvest kasi si Tatay ng niyog. Napagppasyahan kung sumama sa arwa na iyon kasi gusto ko kumain ng buko fresh from the tree. Ang tagal ko na kasi di nakatikim ng ganun.

“ Okey lang ako Ate”

“ anong okey, okey ba yong nagigising ako ng hatinggabi kasi naririnig kitang umiiyak sa kwarto mo. Akala ko nga noong una na miss mo lang si Nanay kaya ka nagkaganyan kaso parang iba eh!, gusto ko malaman mo Danni, nandito lang kami lagi , lalo na ako, pwede mo sabihin sa akin kung ano man bumagabag sa iyo.”sabi pa niya.

“ di ko alam kung paano ako magsimula, at kung saan. Alam yo naman kahit kelan di ako naging open sa inyo, humuhugot lang ako ng lakas ng loob. Ate, si Tatay din ba nagigising sa iyak ko? Nag-aalala kung tanong.

“ Naku eh, pasalamat ka laging pagod si Tatay sa bukid, kayang tulog mantika din iyon. Kung nagkaganon,naku mas lalong mag-aalala iyon, ngayon nga di na ako tinitigilan, kausapin daw kita, kasi ramdam daw niya may problema ka. Pero kahit di mo pa sabihin sa akin, parang alam ko na kung ano iyan, L-O-V-E.” Sabay kindat niya sa akin.

Kahit gustuhin ko mang mag-open kay ate ay nahihiya pa rin ako. She’s 14 years older than me, panganay siya, ako naman ang bunso. Di kami naging close, mas malapit ako sa tatlo kung kuya. Im always one of the boys.  Mas close ako kay Tatay kesa kay Nanay ko, nang nagdalaga kasi ako ay feel ko masyado mahigpit si Nanay. It has something to do with my Ate Aye getting pregnant at the age of 16.  Kay naging ganoon ka paranoid si Nanay sa kanyang mga rules, which di ko naman siya masisisi, she only wants what’s best for me.

saving all my loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon