Chapter XVI: i wont......promise

69 3 0
                                    

Pagkahatid ko kay Ceci  sa airport ay dali-dali kung binagtas ang daan pabalik sa apartment ni Danni.  Buti na lang nasa mismong Mactan Island ang airport at di na ako maiipit sa traffic..  Mga isang kilometro lang naman kasi ang layo ng Mactan International Airport mula sa apartment ni Danni.

Pagkaparada ko ng sasakyan ni Ceci na hiram ko pa rin ay bumaba na kaagad ako at dumerecho sa harap ng pintuan ng kwarto niya.  Palagay ko tulog pa siya kasi wala akong naririnig na gumagalaw sa loob. Buti na lang kung nagkataon makakarinig na naman ako sa babaeng ito.

Kumatok ako, ang tagal kong naghintay sa labas pero wala pa ring nagbukas ng pinto, kakatok na sana ako uli ng biglang bumukas ang pinto at iniluwa doon si Danni. Halata sa mukha niya na kagigising nya lang, ang gulo pa ng kanyang buhok.

Para akong ipinako sa aking kinatayuan habang titig na titig ako sa mukha niya.  Ang ganda niya tingnan, kahit naka pajama lang siya at sando na pink, parang ang fresh niya tingnan, fresh from bed, and what really amaze me is, wala siyang pakialam na ganon ang ayos niya na humarap sa akin, ang iba kasi halos di mapakali sa kakasuklay at ayos ng mga buhok nila bago humarap sa bisita lalo na kung lalaki.  Pero si Danni, walang paki.

“ Ano? Tutunganga ka lang jan, di ka papasok? Nakita mo naman kagigising lang ng tao.” She said.

“Good morning to you too!, ang aga-aga, nagtataray na!” tangi ko na lang naisagot sabay halik sa pisngi nya.  Tahimik lang ako na sumunod sa kanya sa maliit na sala/dining ng apartment niya.

“Antok pa ako Leo eh! Anong oras na ba? Ang aga-aga mo naman yata?” sabi niya matapos niya akong paupuin sa pandalawahang silya sa sala niya.

“ mag-alas otso na sleeping beauty, bakit kasi parang puyat ka, di ka ba nakatulog ng maayos kagabi?” tanong ko sa kanya.

“Kasi naman ikaw!” sabi pa niya habang pabagsak na umupo sa tabi ko, at dahil maliit lang ang upuan na iyon ay napadikit ang katawan niya sa akin, para akong kinapos sa paghinga, pero nalagutan yata ako ng hininga sa sumunod na lumabas sa bibig nya. “ nanghahalik ka bigla kagabi, kaya ayon tuloy di ako makatulog sa kakaisip, ewan ko ba, di ko naman first time na mahalikan.”

Pambihira! Saan ka ba makakatagpo ng babae na ganito ka prangka kung magsalita, di man lang ba siya nahiya na sabihin sa akin na di siya pinatulog ng halik na iyon.  Sabagay, at least siya marunong magpakatotoo, samantalang ang iba jan, ako yon, di ko masabi sa kanya na dahil sa halik na iyon ay muntik na akong ma-rape ni Ceci.

“ paano iyan, gutom na ako, kung punta pa tayo sa apartment mo para magluto wala na, magka ulcer na mga bulate natin sa tiyan.’’ Untag niya sa akin.

“  wait lang’’ bigla akong tumayo at lumabas uli papunta sa sasakyan, naalala ko bigla, nagtake-out pala si Ceci kanina ng pancake at coffe nang napadaan kami sa isang fastfood na may drive-thru, kaya omorder na lang din ako ng extra just in case di na kami makapag-luto.  Buti na lang pala ginawa ko iyon.

“ Wow, ang bilis naman”  tuwang-tuwa niyang sabi habang inilapag ko ang pagkain sa mesa. Para siyang bata ng ipinasok sa Jollibee , pumapalakpak pa ang kamay niya.  “ Wait, magpainit lang ako ng tubig para sa coffee, malamig na kasi yang dala mo, i want my coffee hot, super hot, parang ikaw!”sabi niya na parang normal lang na sabihin niya ang mga bagay na iyon, samantalang ako naman ay parang nabulunan sa pinagsasabi niya.

saving all my loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon