Chapter XXII: unexpected

77 4 1
                                    

I’ts another Monday of my life.  Sa lahat na Mondays na dumaan sa buhay ko mula ng naghiwalay kami ni Macky, ito yong hindi ako atat na pumasok dahil gusto kong isubsub ang sarili ko sa trabaho sa opisina dahil may pilit akong kinakalimutan.

Yes, I’m excited to go to work because i feel so inspired right now.  Parang ang gaan ng feeling ko pagkagising ko kanina.  Parang may something na mangyayari sa araw ko na di ko naman mawari kung ano talaga.  Basta excited ako, kung ano man ang dahilan noon, di ko na talaga alam.

“ Blooming kayo ngayon Maam!” bati ni manong Guard sa akin sa bungad nga opisina.

“ Thank you manong!  Di naman masyado” sabay ngiti ko sa kanya.  Papasok na ako sa loob ng bigla akong hinabol ni manong Guard.

“ Maam Danni, muntik ko na makalimutan, naghihintay pala sa inyo ang driver ni Maam Cecille, pinapasundo po kayo.” Sabi ng Guard.

“  Saan daw punta namin?”

“ Sa main office yata , sa Mandaue.” Ang tinutukoy ng Guard ay ang Main Office ng NGC. Ang nandito kasi sa MEPZA ay ang Logistics office lang. Hindi pa ako napunta doon pero sa pagkakaalam ko, kapag umupo na ang bagong VP ng Finance ay doon na din ako mag-oopisina.

Tinahak ko ang daan papunta sa reserved parking ng sasakyan ni Miss Cecille. Nang makita ako ng driver ay binuksan nya kaagad ang sasakyan.  Ang hilig talaga niya sa ganitong sasakyan, ngayon kasi ang dala ng driver ay isang silver Camry.

Habang nasa byahe kami ay unti-unti akong nakaramdam ng kaba at excitement.  Bakit kaya ako pinag-report ni Miss Cecille sa main office?  Pero nawala bigla ang naramdaman ko na iyon ng magsimula ng umakayat ang sasakyan patawid ng Marcelo Fernan Bridge.

I don’t know what’s with this bridge, it never cease to excite me everytime na nasa taas na ako at tinatawid ito.  Everytime na hinahatid ako ni Leo, kahit malapit kami sa old bridge ay pinipilit ko talaga siya na dito sa tulay na ito dumaan.

Dalawa kasi ang bridge na nagdudugtong ng Mactan Island and Mandaue City.  The old bridge was built during the Marcos Regime.  Sinimulan itong itayo noong 1970 a year after na declare ang Mandaue as chartered City.  It was inaugurated  on July 4, 1971.  Proudly pinoy daw ang tulay na iyon kasi designed and build by Filipino Engineer’s.  Karamihan sa mga dumadaan doon ay mga public utility jeeps.  So medyo ma-traffic ito, lalo na kung rush hour.

Samantalang dito sa bagong bridge ay halos mga private vehicles and taxi’s ang mga dumadaan.   The purpose of building the bridge is to minimize the traffic from the Old Bridge. It is now considered to be one of the longest and widest bridges in the Philippines, kaya hindi masyadong ma-traffic dito. It is called the Marcelo Fernan Bridge, a friendship bridge between Philippine and Japan na binuksan noong August 2009.

 Nang nakababa na kami sa tulay ay bumalik na naman ang kaba na naramdaman ko kanina.  Sinuri ko ang sarili ko, ang uniform ko, buti na lang Lunes ngayon, bagong laba at plantsa ang uniform ko, kinuha ko sa bag ang make-up kit ko.  Di ako maarte na tao, lipstick at eyeliner lang okey na ako, pero ngayon parang gusto kung mag eyeshadow at pulbo kahit light lang.

Tamang –tama na huminto ang sasakyan sa harap ng isang malaking building ay natapos naman ako sa ginawa ko sa sarili ko.

I was about to open the car door ng bumakas ito, magtataka na sana ako kasi di pa naman bumaba si Manong driver, nang may biglang nagsalita sa labas ng sasakyan.

“Good Morning, hinihintay  ka na ni Miss Cecille sa loob. Will you please follow me. By the way my name is Ruel PRD -Manager” Sabi ng  lalaki at giniya ako papunta sa isang  elevator.  Pinindot niya ang button papuntang 9th floor.  Pagbukas ng pintuan ay tumambad sa akin gang isang napakaluwang na office, sigura nasa nga 30 cubicles ang nandoon, naka enclose sila ng glass panel so di mo maririnig kung ano pinag-uusapan nila sa loob.  Habang binabaybay namin ang daanan sa gitna ng office ay di maiwasan na mapatingin sila sa akin.

saving all my loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon