Chapter IX: face the music

80 4 0
                                    

CHAPTER IX: FACE THE MUSIC

Maaga akong gumising kinabukasan matapos kami mag-usap ni Tatay, if i need to face Macky, then i have to do it soon. And that soon will start today, nililigpit ko na ang aking mga gamit, ngayon din ay aalis ako, luluwas ako ng CDO, i don’t know if may maabutan pa ako na barko basta kailangan ko na bumalik ng Cebu. Naisip ko if hindi ako makasakay ngayong gabi ng barko ay doon na lang muna ako matulog kina Lola Dolores.

Di naman na ako pinigilan ni Tatay, as much as ayaw daw niya akong umalis muli ay di naman daw niya ako kayang makita akong  ganoon, sana lang daw pagbalik ko ay wala na ang lungkot na nakikita niya sa aking mga mata.

After lunch na ako nakaalis sa amin, 3 hours ang byahe ng bus mula sa amin papuntang City, pagkadating na pagkadating ko sa CDO ay dumerecho kaagad ako sa Mall kung saan marami doon mga ticket outlets ng mga Barko papuntang Cebu. Abot-abot ang dasal ko na sana may masakyan pa ako. Pagkarating ko sa loob napansin ko mahaba na ang pila, may mga nakapaskil na rin na “FULLY BOOKED” sa ibang mga shipping lines. Lumipat ako sa Opisina ng Narvaez Shipping Lines ang Company ng barko na sinakyan ni Macky, nanghina ako ng malaman ko fully book na din sila.

I felt so frustrated, di ko alam ang gagawin ko, nakatayo lang ako sa harap ng ticket Booth na iyon nang  biglang may sumulpot na lalaki sa aking harapan.

“Danni, is that really you?

“ Leo!” nagpalinga-linga ako sa likod ko, napansin siguri niya na may hinahanap ako, a knowing smile escape on his face.

“Mag-isa ko lang. Where have you been? Macky was so worried sick, di ba i told you before whatever happens, you need to listen to him.” Si Leo. Di ko siya matingnan ng derecho, i know what i did was wrong.” What are you doing here, akin na nga yang backpack mo, ang haggard mo na tingnan, di ka na cute”

Hinampas ko siya sa braso niya. “ ang sama-sama mo, kakarating ko lang po mula sa bundok namin noh, kaya parang dinaanan ng bagyo ang buhok ko, nagbabakasakali kasi ako makakuha ng ticket pabalik ng Cebu eh puno ng lahat.” Malungkot kung sabi.

“ eh ingot ka pala, nakalimutan mo yata January ngayon”pang-aasar pa niya.

“ eh ano ngayon kung January” sagot ko naman.

“ Hello, Pit Senyor” sabi pa niya sabay parang may iwinawagayway sa ere.

OO nga pala nakalimutan ko, 2nd Friday of January pala ngayon, bukas na ang sinulog, kaya pala ang daming pasahero, kung malasin nga naman.

“O, natahimik ka na naman, nagmeryenda ka na ba?. Halika kain tayo, natatakam akong kumain ng dinuguan at puto, ang sarap ng ganon nila dito sa may Foodcourt.” Yaya niya sa akin. Gustohin ko mang umayaw wala na akong magawa, bitbit na nya bag ko, sa kabilang kamay hila-hila naman niya  braso ko. Mukha lang naman akong naglayas tapos nahuli ng boyfriend tapos kinaladkad pauwi.

“ ano ka ba Leo! Bakit lagi na lang pagnagyaya kang kumain, kinakaladkad mo ako, baka isipin ng mga nakakakita sa atin napaka ungentleman mo,  sabihin pa nila di mo ako love” sabi ko pa, at nagawa ko pa talagang magbiro.

“Gentleman na man ako ah, halika ka nga dito” bigla niyang akong hinila at niyakap tapos , laking gulat ko ng bigla nalang sinakop ng mga labi niya ang labi ko, sandali lang naman ang halik na iyon, parang smack lang. “ Oh, ayan di ba ang sweet sweet natin.”

“Oy bakit ka ba biglang nanghahalik jan, nakakahiya ang daming tao?” sabay kurot ko sa kanya. Ewan ko ba, gustohin ko man magalit pero di ko magawa, alam ko naman kasi if magwawala ako sa ginawa niya iinisin lang niya ako. Its just so Leo, parang lahat sa kanya laro.

“ Let’s just sya na miss din kita. Wala na kasing  cute na pumapasyal sa apartment, wala na akong nadadatnan na masarap na luto pag-umuwi ako doon, pumapayat na nga kami ni Macky, iniwan mo kasi kami, almost 1 month na kami di kumakain.  Alam mo na, House Rules, walang chicks na pwedeng pumunta doon sa apartment, exclusive lang yon,”sabi niya, sabay nguso niya sa table na pandalawahan sa may gilid. Di masyado matao sa side na iyon kaya siguro iyon ang pinili niya para makapag-usap kami ng maayos.

saving all my loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon