Chapter XXIV: malabo

41 1 0
                                    

Di ako mapakali habang nagmamaneho papunta sa napag-usapan namin na lugar kung saan kami magkikita.  Kinakabahan ako, ano kaya ang importante niyang sasabihin sa akin at Martes pa lang gusto na niya akong makita.

Nagising ako kanina dahil sa isang text, nagtataka ako kung kanino galing dahil wala ang number sa phonebook ko.  Gusto daw makipagkita sa akin ngayon din umaga before siya makapasok sa office, tinanong ko kung sino siya at laking gulat ko ng nagreply uli siya.

Kelan pa siya nakabili ng cellphone niya, wala naman siyang ibinigay na number last Saturday na nagkasama kami. Muntik-muntikan na nga ako kumuha ng isa pang plan sa network na gamit ko  para lang madali ko siyang mahagilap kung may kailangan ako sa kanya or the other way around.

Nang kinausap ko siya kanina she sounded calm pero may urgency sa request niya.  Kinakabahan ako, may kutob ako kung bakit siya nagkaganon.  Pero hindi din ako sure, wala naman kasi binanggit ang bestfriend ko sa akin kung nagkita na sila, at kakarating lang niya noong Sunday ng gabi kaya baka di pa nga sila nagkita.

Malayo pa lang ako sa paparadahan ng sasakyan na dala ko pero nakita ko na siya, katulad ng dati doon siya laging nakapwesto.  I don’t know what’s with this place at gustong-gusto talaga niya dito.  Akala ko dahil dito sila lagi ni Macky noon kaya favourite niya ito, kaya lang kahit wala na ang bestfriend ko ay lagi pa rin siyang nagpupunta dito.

“ Hi.!” Bati ko sa kanya, sabay halik sa kanyang pisngi.” What’s the problem Danni?” inakbayan ko siya, napansin ko may dala siyang take-out breakfast para sa aming dalawa.

“ Nothing!, gusto lang kita makasama mag-breakfast ngayon.  May masama ba doon?” sagot niya.

“ Di nga! Tell me may problema ba?” hinawakan ko siya sa baba, pilit kung tinitingnan ang kanyang mata.

“ Ang OA mo.  Sige na nga, may pabor kasi akong hihingin sa iyo, at kailangan pagbigyan mo ako.” Sagot niya na nakangiti sa akin, para akong nabunutan ng tinik sa dibdib.  She’s that kind of person kasi na kung may bumabagabag sa kanya ay makikita mo kaagad kahit anong pilit niyang itago ito.

                                                                                                 

“But before ko sasabihin, kain muna tayo, lumalamig na ang dala kong kape.” Sabay bukas niya sa mga dala niyang pagkain, napansin ko nahilig na din siya sa mga light breakfast na kinakain ko lalo na ang pancake, dati kasi di siya nabubuhay ng walang rice.

Now i know bakit niya gusto dito, ngayon ko lang naranasan kumain ng breakfast dito sa ilalim ng bridge, parang napaka-calm and peaceful ng pakiramdam ko.  I’ts still quarter to 6am, palabas na ang araw at ang ganda tingnan ng dagat.  Sinulyapan ko si Danni sa tabi ko, tahimik lang siyang kumakain, nang mahuli niya akong nakatingin sa kanya ay nginitian lang niya ako ng ubod ng tamis.

Ano kayang pabor ang hihilingin niya?  Siguro naman hindi siya hihiling ng isang bagay sa akin na di ko kayang gawin.

At kailangan ko din pala siyang kausapin tungkol sa pagdating ng bestfriend ko, ayaw kong malaman nya na dumating na siya tapos di ko sinabi sa kanya ngayon.  Di ko alam kung paano siya mag-react, ayaw ko man na ako ang magsabi sa kanya pero wala akong magawa, di ko lang alam kung paano ko simulan.

saving all my loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon