Chapter VI: Hide and seek

120 5 1
                                    

“Danni, may naghahanap sa iyo dito kanina. Papable hah, tsaka type ko sya. Parang napaka mysterious .”  Bungad sa akin ni Lume pagkapasok ko ng bahay ni Lola. Boarder siya ni Lola, tumatanggap kasi si Lola ng Boarder na babae pero isa lang, tapos pagnakasundo niya ang ugali aalukin niya ng free board ang lodging basta ba tutulong sa pagmaintain ng kaayusan ng bahay lalo na kung wala siya tulad ngayon na nasa Cebu pa siya.

“ Sino daw?’

“ Marc yata yon, di ko masyado na maalala, ang gwapo kasi niya.”

“ anong sinabi mo?” pasimpling tanong ko sa kanya, pero bigla akong kinabahan, i have a feeling na siya yon.

“ sinabi ko nasa Ormoc ka, sinama ka ni Lola mo,” sagot nya.

“ Ano?Bakit mo sinabi yon. Anong sabi nya?” din a ako mapakali at napataas ang boses ko.

“ Tinitigan lang ako, parang ayaw maniwala, pilit pa nga niya sinisilip ang loob ng bahay, akala cguro niya tinago kita.  Sino ba kasi yon? Ikaw ha !, may di ka sinasabi sa akin.” Sabi pa ni Lume. Habang nagpapaliwanag siya ay lumilipad naman ang isipan ko.

“ Oo nga pala, bakit ka nandito, nasan si Lola.  Kelan ka pa dumating.? Di ka man lang tumawag kina Aling Susan sa kabilang bahay na darating ka para makapaghanda naman ako.” Tanong uli niya.

“ Kanina lang ako dumating, nagpaiwan si Lola sa Cebu, may sakit si Lola Divina. “ paliwanag ko sa kanya.

“ Eh bakit ngayon ka lang umuwi, eh kanina pa dumating ang barko.”

“ ang kulit!, kasi po Lola Lume dumerecho na ako sa apartment ni Edwin kinuha ko yong mga Credentials ko sa kanya, siya kasi nagpresenta na magprocess ng transcript ko sa school.”

“ ang sabihin mo, na miss mo si Papa Edwin kaya dumerecho ka sa kanya, at saka ang layo siguro ng Apartment nya ano kasi inabot ka ng tanghali bago ka nakauwi.” Sabay ngiti nya ng makahulugan. Ganyan kami ni Lume para ko na rin siyang kapatid..

“ Ay ang dumi ng utak mo, pumunta din ako sa school noh! Marami pa kasing kulang yong mga nakuha nya kaya tinuloy ko na.” Kailangan ko na kasi talaga makompleto ang papers ko para makabalik na ako ng Cebu, dugtong ko na lang sa isip ko.

“ O siya sige, at akoy aalis muna.subukan ko punta sa school titingnan ko lang kung offer nila this summer ang subject na kailangan ko makuha. Bye, well make kwento later, rest ka muna.” Sabay pa kembot kembot pa siya sa balakang papunta sa gate. Si Lumen talaga, akala mo bakla kung kumilos at magsalita.

Demerecho na ako sa silid ko, pagod ako. Iniwanan ko na nga lang kay Edwin ang mga dala ko kanina para makapunta agad ako sa school. Excited na ako na makumpleto lahat ang papers ko, not just because of him, excited na din kasi ako magkatrabaho, gusto ko na maramdaman kung paano yong feeling habang hawak ko unang paycheck ko, o kaya ATM. Hayyyyy...

Bigla ko naalala ang sinabi ni Lume kanina. Anong ginawa ni Macky dito, samantalang kanina di man lang niya ako sinilip sa cabin ko, hinintay ko siya, hanggang sa nainip ako at lumabas, sinubukan ko siyang hanapin, kaso wala naman akong ideya kung saan ba siya naka duty. Sinubukan ko nga umakayat sa pinakataas ng barko kanina baka nandoon siya sa Bridge ba tawag doon, kung saan ng dadrive ang kapitan ng barko, kaso off limits naman, nkinakalimutan ko na nga sana ang hiya if ever papasukin ako doon, pero habang paakyat na ako sa huling baiting ng hagdanan, naalala ko bigla, Marine engineering pala siya, baka nasa mga engine room siya, parang ganon yata yong trabaho nila base sa mga naririnig ko sa kwento nya noon. Kaya bigla ako napapihit pabalik sa baba ng barko. Nang di ko parin siya mahagilap,kahit sana yong stalker nalang na si Leo, ay nakisali na lang ako sa mga tao na nakadungaw sa may pier. Alam ko wala naman susundo sa akin pero tumingin tingin na din ako sa mga mukha ng mga taong makisalubong sa mga bagong dating, malay ko nandoon na pala siya sa baba, naghihintay sa akin, ilusyonada lang, kahit alam ko napakalaking imposible nun.....Bigla na lang nanikip ang dibdib ko sa isipin na iyon kaya lumayo ako sa karamihan na naguumpukan, ayoko umiyak, pero di ko mapigilan, ang sama sama pa rin kasi ng naramdaman ko. I need to do something , fast, may nakita ako kanina, nadaanan ko, siguro bukas pa iyon, may narinig ako at nakita kanina na gumamit noon, parang gusto ko nga din sana kaya lang an gaga-aga pa, but now i need to do it, i need to  have my dose of “distreesrelizer” yan ang tawag namin sa bagay na iyon.

Nakaka stress talaga makipaglaro ng HIDE AND SEEK, lalo nakung puso mo ang taya.

Nagmamadali ako sa paglakad palabas ng mall na iyon, dahil sa pagmamadali ay di ko napansin ang babae na nakaharang sa daanan ko, kailangan ko na kasi makabalik sa barko, 10 minutes na lang ay start na  naman ng duty ko. Si Leo naman kasi, kahit saan saan na lang nagsusuot, kanina pa ako hanap ng hanap sa kanya sa loob ng mall di ko talaga siya mahagilap, kaya napagdesisyonan ko na lang na mauna ng bumalik sa barko.

“ Ay sori, Miss.”

“ Its okey, Marc, right? Di ba ikaw yong naghanap kay Danni kanina sa bahay?” sabi ng babae na nakabanggaan ko. Di pa rin ako nagsalita, di ko nga alam nitong mga nakaraang oras lagi ako nawawala sa sarili ko pag naiisip ko si Danielle o kaya marinig man lang ang pangalan nya.

“ Nasa bahay na siya. Dumating na pala siya kaninang umaga, di ko kasi alam nauna na pala siya kay Lola.  O sige mauna na ako sayo ha, I’m meeting someone baka nagwalk-out na yon sa tagal ko.” Sabay talikod niya, d man lang ako hinintay na makasagot sa sinabi niya.  May gusto pa sana akong itanong.

Nasa bahay lang daw siya. Ibig ba sabihin noon, nandoon lang siya kanina habang hinahanap ko siya sa labas?  Imposible naman di niya ako narinig kanina na kausap ang babae na iyon. Pinagtataguan ba ako ni Danielle? Bakit?  Sa lahat ng laro, pinaka-ayoko ang HIDE  and SEEK, lalo na kung ang nakataya dito ay ang puso ko.

saving all my loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon