Chapter 1-wishing well

7.5K 174 7
                                    

Eviehelle's POV

Tahimik kong minamasdan ang reflection sa wishingwell. Hindi ko alam kung bakit maraming humihiling dito. Hindi naman totoo. Nasubukan ko naman humiling. Na sana makita ko na ang totoong mga magulang ko. Pero wala. Umaasa pa rin.

Napabuntong hininga nalang ako sa mga iniisip. Siguro hindi na nila ako babalikan. Dahil iniwan lang nila ako dito sa tabi ng wishingwell at walangmalay na basang-basa pa.

Flashback***

12 years old palang ako noon na walang malay sa tabi ng wishingwell. Nagising ako ng may ginang na ginigising ako mula sa kakahiga ko doon. Nakita ko na nag aalala ang ginang sakin at tinatanong kung saan ang mga magulang ko pero wala syang nakuhang sagot sakin. Tahimik lang ako na nagmamasid at inaalala kung anong nangyari pero wala, wala ako maalala.

Dinala ako ng ginang sa police station. Yun kasi ang pagkakabasa ko ng makita ko iyon. Nilapitan siya ng lalaki na may sout na asul na damit. At pinaupo muna kami at nag-uusap sila. Tinignan naman ako ng lalaki na asul ang damit at nagtanong kung anong pangalan ko. Pero tinignan ko lang sya ng matagal. Tahimik parin ako at inulit niya ang tanong sakin.

"Eviehelle..." hindi ko alam kung saan nanggaling ang pangalan na yan dahil kusa nalang lumabas sa bibig ko. Pero may part sakin na gustong gusto ko iyong pangalan na yun.

Nagtanong pa siya kung anung last name ko pero umiling lang ako ng paulit ulit dahil sa wala akong maalala.

Marami pa siyang tinanong pero hindi ko nalang sinagot.

Pagkatapos ay tumayo na ang ginang at nagpasalamat sa lalaki na asul ang damit. Hinawakan ng ginang ang kamay ko at ngumiti sakin ng matamis. Umalis na kami dun at nagpakilala siya sakin na siya si Vivien Frosterez.

Eviehelle: The Last NecromancerWhere stories live. Discover now