Chapter 23 - Unexpected

2K 81 31
                                    

Hi readers sorry sa tagal kong mag update. Nagkaproblema kasi iyong cp ko kaya nahirapan akong mag edit. Sana maunawaan nyo kaya ito muli akong nagbalik para ipagpatuloy ulit iyong story. Kaya enjoy reading guys!

-haydeniey_blue

*************"

Parang  noon lang ng mapunta kami sa mundong naiiba sa lahat na parang isang panaginip, panaginip na hindi mo kayang gisingin. Alam ko noong una palang may kakaiba na ng makaapak ang aming mga paa dito pero hinayaan ko lang.

Takot na takot  kami  noong una pero nilabanan namin ang takot para makatakas at maipaglaban namin ang sarili na walang alam sa mundong ito. Pero ng dumating silang apat ay nabuhayan kami ng loob na tutulungan kami para makauwi sa mundong kinagisnan namin.

Ngunit marami akong natuklasan sa sarili ko na hindi maipaliwanag. Litong-lito ako pero ng malaman namin na hindi na kami makakauwi dahil sa nawawala ang wishing well na siyang nagdala samin rito. Kaya wala akung magagawa kundi alamin kung ano ba ako o sino ba ako sa mundong ito. Hindi ko alam, parang may humahatak sakin.

"Arghh! Nabobored na ako rito." Napatigil ako sa pag-iisip ng magreklamo sa tabi ko si Famiey.

"Yeah, yeah same here~"

Napafrown ako. Bored naman ako ah. Napatingin nalang ako sa labas.

Nandito kami ngayon sa maliit na bahay. Napakatago rito at dito kami nakatira pansamantala pero wala ang apat rito dahil nasa academy daw sila at minsan lang nagpapakita ang apat na iyon. Oh mas tawaging sina Jerd at Kyle lang nagpapakita kasi busy iyong dalawa. Pero nakikita ko naman si Drex pagmay time siya bumibisita rin dito.

Mag iisang buwan na rin kami sa mundong ito at wala parin balita kung asan na ang wishing well.

Natapos rin ang kanilang mission at nakauwi silang ligtas papuntang academy na kasama kami pero hindi pa alam ng headmaster na nandito kami sa malapit lang sa academy nila. Dahil baka mapatay kami at hindi siguradong matutulungan kami. Kaya dito muna kami iniwan para ligtas raw.

Napatingin ako sa albino fox na katabi ko. Oo dinala ko ang albino. Sumama kasi sakin at nagiging maliit ito kaya nakakamangha lang parang naging pet ko lang.

Biglang bumalikwas ang albino sa pagkakahiga at parang may inaamoy ito sa hangin. Bigla akong napangiwi dahil minsan nagiging problema ko din ito dahil siguradong gutom na ito. Wala pa naman sila Kyle para magdala ng pagkain. Wala na kasing pagkain dito.

Napatayo ako nanglumabas ang albino fox sa pinto kaya dali-dali kong kinuha ang cloak na itim sa dingding at sinuot ito.

"U-uy Evie asan ka pupunta? Hindi tayo pwedeng lumabas diba delikado."

"Lumabas kasi iyong albino fox. Dyan lang kayo. Babalik lang ako agad."

Hindi ko na narinig pa ang mga iba pang sinabi nila Layda ng tumakbo na ako ng mabilis para mapigilan ko ang masamang balak ng albino na'yon. Malakas kasi itong kumain kaya siya ang nakaubos ng mga pagkain namin kaya baka makapasok ito sa academy. Mapatay pa nila.

Eviehelle: The Last NecromancerWhere stories live. Discover now