Chapter 12- Death

2K 92 0
                                    

Evie's POV

Mahigpit kong hinawakan at pilit tinatanggal ang malalaking kamay sa bandang leeg ko. Ramdam ko pang bahagyang nakaangat na ang paa ko at nakasandal na rin sa puno. Nahihirapan akong huminga dahil sa lakas niya. Pambihira naunahan niya ako sa atake. Hindi ko inasahan iyon dahil masyado akong nagconcentrate sa ibang kasamahan niya.

Ngumisi ng nakikilabot ang kaharap ko pero matapang ko siyang tinitignan kahit na nahihirapan na ako. Pasimple ko namang tinignan ang lighter ni Layda sa ibaba na nabitiwan ko kanina dahil sa pagsugod ng nilalang sa harap ko.

Wait, marahil nagtataka kayo kung paano ako napunta sa situation kong ito.

Flashback~

Sinundan namin iyong mga taong naglalakahing mga katawan hanggang sa patagpuan namin ang lugar na pinuntahan nila. Nakakatakot, madilim at nakakakilabot tignan ang lugar na ito. Parang cementeryo ang daanan dahil may mga cross ngunit sa gitna ay bungo at hindi maayos ang pagkakabugsok sa lupa. May mga fogs rin at may mga punong patay tuwing dadaan ka.

Pero parang wala lang sakin ang nakikita dahil parang sanay na ako. Sila Famiey at Layda naman ay takot na pinagmasdan ang paligid at napalunok ng mahinto kami sa masukal na lugar ngunit maraming mga ugat sa ibabaw na parang kurtina paghinawi mo ito kaya dito kami nagtatago habang sinasagawa namin ang plano para mailigtas ang apat.

Nakita namin sila habang nakabitin sa punong patay ang apat na lalaking tumulong samin nong una at parang bibigay na ang sanga kung saan sila nakatali.
Naalimpungatan naman ang apat dahil binuhusan agad sila ng tubig, marahil iyon ang pinunta ng dalawa rebelde para kumuha ng tubig sa ilog papunta rito.

Napatingin naman ako sa tatlong wand na hawak ng isa sakanila. Nakatali ito sa baywang niya pero mahihirapan akong kunin iyon dahil sa kalakihan ng katawan nilang lahat tulad ng mga bouncer sa club. Anim silang mga naglalakihang katawan kasama na iyong dalawang nakita namin sa ilog.

Nakikilabot man ngunit gusto kong tulungan ang apat na nakatali dahil tinulungan rin naman nila kami. Ayaw kong magka-utang na loob sakanila.

Naawa ako sa mukha nila, parang hinang-hina at namumungay ang mga mata na akala mo'y katapusan na ng kanilang mundo. May namamaga pa nga sa ilang parte ng mukha at braso nila at gasgas na rin.

Nilakasan ko ang loob ko at nagawa na namin ang plano ngunit hindi ko pinasama muna sila Layda at Famiey sa gagawin ko para hindi sila mapahamak. At diyan lang sila sa tinataguan namin at gagawin nila ang pinahabilin ko mamaya pagnagsignal ako. Binigay naman sakin ni Lyda ang kanyang stun gun disguise for self defence ko raw pero isa na rin 'yong malaking tulong para sakin. Bahala na, marami na akong napagdaanan para rito kaya kakayanin ko'to.

Maingat akong lumabas sa pinagtataguan habang ang mga rebelde ay nagkatuwaan dahil sinasaktan niya ang apat na binata.

Habang busy sila ay nakakuha ako ng tyempo at inuna kong hinampas ang leeg ng lalaking malapit sakin na bigla agad nawalan ng malay. Pakiramdam ko mangiyak-ngiyak ako sa paghampas sa kanya dahil napakatigas ng leeg nito, parang hinampas ko lang ang matigas na kahoy gamit ang kamay ko. Pero ininda ko lang ang sakit na iyon at napatingin sa iba pang kasamahan niya.

"Sino ka!?" Nanindigan ang balhibo ko sa lalim ng boses nito na parang galing sa ilalim ng lupa. Mukhang naramdaman rin ng kasamahan niya ang presensya ko kaya nagsimula na agad ang bakbakan.

Ginamit ko ang natutunan ko sa gang fight kaya sinipa ko ang paparating sakin at yumuko ng may paparating nasuntok sa gilid ko. Sinuntok ko agad iyong inilagan ko sa mismong mukha niya kaya napaatras siya ng bahagya.

"Ugh! Mukhang nagkamali kang kinalaban bata," ngumisi iyong nasuntok ko at marahas na pinunasan ang pumutok niyang labi. Hindi naman ako nagpatinag ng maangas niya akong tinitigan kahit di bagay sakanya. Tss!

Pinilit ko'ng pinapakitang hindi ako natatakot sakanya. Kita ng gilid ng mata ko na nagulat ang apat na nakatali sa puno sa pagdating ko. Hindi ko sila pinansin dahil nasa atensyon ko ang mga rebelde. Dapat mapatulog ko silang lahat bago mapatakas ko ang apat na nakatali.

Suminyas ang lalaking nasuntok ko sa kasamahan niya parang sinasabi na sila ng bahala sakin. Siguro ito 'yong leader na nasuntok ko kanikanina lang dahil sinusunod siya nito ng kasamahan. Agad pumunta ang leader sa isang kasama na malapit sa puno kung saan nakatali ang apat. Ngumisi naman ang kasamahan niyang tatlong lalaki habang nag-iinat ng leeg at malutong na tumunog ang mga daliri nito. Ang isa naman ay nanunuod lang sa kasamahan niya katabi ng leader nito pero may nakakalokong ngising naglalaro sa labi niya at malagkit na tumingin sakin.

Napalunok ako sa takot pero hinanda na ang sarili. Mahigpit kong hinawakan ang stun gun disguise ni Lyda at ihanda na rin sa mangyayari.

Isa palang ang napatumba ko, sana gumana ang plano namin.

End of flashback***

Kaya hito nga at sakal-sakal ako ngayon dahil hindi ko namalayan ang isa ng binalingan ko ang isa pangkasama nito na wala na ring malay dahil ginamit ko ang stun gun ngunit nabitawan ko naman.

"A-argh!" Napabalik ako sa realidad ng maramdaman ko'ng mas lalong humigpit ang pagkakasakal sakin. Ramdam kong parang sasabog na ang ulo ko at di makahinga. Kaya ang ginawa ko ay sinipa siya hanggang sa may lakas pa ako.

"Hanggang dito ka nalang bata. Hah! Lakas rin ng loob mo'ng sumugod ng mag-isa rito. Maganda ka sana ngunit ginalit mo ako." Sabi ng nakasakal saakin. Amoy ko ang mabahong hininga niya kahit hirap akong makahinga.

"Hindi na rin masama. Hmm..sana hindi mo na ginawa iyon bata dahil nagkakamali ka atang ako ang una mong nahampas..." mas lalong nanlamig ako ng bumangon ang hinampas ko sa leeg at hinihimas niya iyon habang nakangisi saakin.

Unti-unti nang nanlabo ang paningin ko. Hindi. Hindi pwedeng ganito nalang mangyayari sakin dito. Hindi pwedeng dito lang akong mamatay at sa kamay pa nila. Hindi ako papayag!

Napatingin ako sa mga mata ng kaharap ko na nakasakal pa rin sakin. Hindi ko alam kong anong nakikita ko sa mga mata niya. Nakakagulat pero mas lalo ng nanlabo ang paningin ko pero malinaw ang nakikita ko sa mga mata niya.

Death. Ang kamatayan niya. Nakikita ko'ng...

Napatigil ako sa mga tanong sa isip ko ng marinig kong may humampas sa sumasakal sakin kaya naramdaman kong napabagsak akong napaupo sa lupa. Habol-habol ko ang hininga habang napaubo-ubo. Hindi ko alam kung ilang minuto akong sakal niya pero buhay pa rin ako.

Napatingin ako sa mga kamay kong nanginginig. Itong kamay ang magiging katapu-

"Ang swerte naman may isa ka pang kasama bata. Maganda rin, makinis at mukhang masarap..." nagulat ako ng marinig ko ang pamilyar na boses at tumitili sa sakit. Si Layda!

Napatingin agad ako sa mga rebelde. Si Layda nga habang hawak naman siya ng leader ang buhok niya. Hindi pa nga ako nakarecover pero halos kapusin na ako ng hininga sa kaba na may mangyari kay Lyda.

H-hindi. Hindi ko hahayaan may mangyari sakanya. Pero paano? Marami sila. Kasalanan ko 'tong lahat pero hindi ko hahayaang ganito lang ang mangyayari.

Eviehelle: The Last NecromancerWhere stories live. Discover now