Chapter 9-The Treehouse

2.1K 86 1
                                    

Evie's POV

"Why you didn't gising me ba kanina~ edi sana may kambal na siyang sampal at libreng blush on. Pero sayang handsome pa naman." Simangot na sabi ni Layda habang sapo-sapo ang kanyang ulo dahil nabatukan siya kanina ni Famiey. Naikwento namin sakanya kasi ang nangyari kaya ngayon pa siya nahinayang na di siya nagising kanina.

"Tumahimik ka nga Layda di kana nakakatulong. Ilang gising na nga kami sayo tulog ka pa rin at isa pa tapos naman iyon, nangyari na e." Sagot ni Famiey kay Layda. Bago pang magsalita si Layda ay sumingit na ako dahil baka mag-aaway naman sila.

"Can you please shut up. Kung palagi kayong nagbabangayan dyan baka makatawag pansin tayo ng mga halimaw rito." Kalmadong sabi ko at naghanap ng masisilungan. Tumahimik naman sila. Good.

Nakita kong padilim na ang kalangitan at kanina pa kaming palakad lakad sa kagubatan noong iniwan namin iyong mga lalaki.

May nahagip naman ng mga mata ko ang puno na nasa ibabaw at may bahay na maliit. Hindi ko alam kung kasya kami dyan at isa pa baka may tao at masama rin.

Maypagka-plain ang kahoy at hindi naman siya marupok dahil matibay pa itong tignan. Meron na ring lumot at vines sa gilid niya kaya parang di mahalata na may bahay at parang madabong na dahon lang kong titigan sa malayo at ng malapitan ay bahay nga.

"Uy Evie treehouse iyon diba? Wow ang cute. Can we go there? baka makahingi tayo ng tulong." Tuwang-tuwa na sabi ni Layda.

"Di kaba nadala kanina. Baka may mangyari naman sa atin kaparehas kanina." Takot na sabi ni Famiey habang nakahawak sa laylayan ng damit ko.

Pinakiramdam ko naman ang paligid pero wala naman akong naramdamang masamang mangyari.

"Mukhang walang tao kaya akyatin natin at tignan kahit papaano dito muna tayo magpalipas."

"Wait Evie..." inakbayan nalang si Famiey ni Layda para di siya matakot.

"Magtiwala ka Famiey. I'm sure safe na ito." Ngumiti nalang ako sa sinabi ni Layda at pumunta na kami upang akyatin iyong nakita naming tree house.

Pag-akyat namin ay binuksan ko ang maliit na pinto at parang nangalawang na ata ito dahil matigas buksan pero mabuti naman at bumukas. Gumapang kami papasok ng pinto roon dahil sa liit ng pinto.

Sa loob nito ay may maliit na kabinet na mukhang matagal na dyan at di pa ata nabubuksan ng ilang taon kung titigan. At meron ring maliit na bintana pero nag-iisa lang ito at may mga vines na tumubo roon.

Naupo lang kami dahil sa hindi kami makatayo dahil matangkad pa kami sa treehouse nito ngunit may pagkamalawak rin sa loob at tamang-tama lang ang kasya namin rito. Kumunot ang noo ko dahil sa pakiramdam ko nakapunta na ako rito pero impossible naman iyon. Ngayong ko lang 'to napuntahan sa tanang buhay ko. Isinawalangbahala ko iyong mga iniisip ko at tinoun ang pansin sa loob.

Wala kaming ilaw kaya pinalibot ko ang tingin sa loob kahit medyu dumilim na. Ganun rin sila.

Nakaramdam naman akong bagay sa uluhan ko ng mabangga ko ito sakakakilos pero ng matingala ko ay nagtaka ako sa bagay na nakita ko. Parang maliit na kahon at may mga maliliit ring butas ito na nakasabit roon at nasa center ito sa ibabaw. Hinawakan ko ito at ginalagalaw at pinakinggan kung anong laman ito pero parang may spark akong nakita sa loob.

"Ano iyan Evie?"-Famiey

"Ewan pero parang..." pinagpatuloy kung ishake ang kahon ng biglang kumalat ang spark na nakita ko kanina hanggang sa umiilaw na ang kahon ng buong-buo. Namangha naming tinitigan ang ilaw.

"Wow magic~"

"Hindi magic. Firefly yan. Parang kulungan nila at nagising siguro dahil sa yugyog na ginawa ni Evie. Tignan niyo. Ang laki nila, mga di pangkaraniwang firefly." Sagot ni Famiey habang sinisilip sa butas ng kahon. Napasilip naman ako at namangha dahil sa di nga sila pangkariniwang na firefly ang nakita ko at singlaki pa ng hinlalaki nating daliri. Pero nagtaka ako dahil paano sila nabuhay dyan at nakulong? Kumakain pa ba sila?

Napalayo agad ako sa butas ng kahon ganun rin si Famiey dahil sa nakakatakot na itsura ng firefly. Paano naman kasi e parang mosquito ang mukha ng firefly at muntikan niyang matusok ang mata ko. Siguro tama ngang nakulong sila dyan dahil napakadilikado.

Hinayaan nalang namin ang kahon na siyang tanging ilaw ng loob nito at mas lalo ko pang naaninagan ang loob. May mga vines na kumakalat sa ibang parte ng dingding at may kunting butas ang kisame. Siguro wala na ngang nakatira rito. Nagkibit balikat lang ako at pinuntahan si Layda at Famiey na tinitignan ang loob ng kabinet.

"Ano ba'yan walang dress or kahit anong things na ma-use natin," simangut ni Lyda.

"Aish...ano ba'to puro bote lang naman ang laman ng kabinet." Napatingin naman ako sa loob ng kabinet na pinag-uusapan nila. Tama nga puro mga bote na iba't ibang laki o figure nila at may mga pangalan na di maintindihan, latin siguro? Ewan. Pero may isang bagay akong na nakakuha ng atensyon ko. Isang bote na mas maliit pa sa ibang bote rito.

Mas kumunot pa ang noo ko ng mabasa ko ito hindi katulad ng ibang bote na hindi maintindihan. Ang nakalalagay rito ay..

"E's memories." I muttered. Napatingin naman silang dalawa sa bote na tinitigan ko.

"Woah, ang cute naman this~ color pink- aww! Why did you sampal my  hand ba!" Maarteng sigaw ni Layda ng hampasin siya ni Famiey dahil akmang kukunin niya ito.

"Hindi mo ba nakita ang nakalagay na sulat sa bote?! 'Don't you dare touch this if you don't want to regret. This is for only E'. Kaya mag-ingat tayo dahil hindi natin alam kung totoo ba iyan. Basta mabuti na iyong maingat kaysa padalos-dalos, buti nga may warning nakalagay."

"I know...right? Hmp!" Umirap nalang si Layda kay Famiey at umalis sa pwesto namin at papunta nalang sa bintana. Si Famiey naman ay napa-rolled eyes sa inakto ni Layda. Di ko nalang sila pinansin dahil sanay na ako sa mga away bati nilang dalawa pero mas tinuon ko ang pansin sa boteng iyon. Parang may nag sabi sakin na kunin ko iyon pero hindi pwede. Ba't ko naman kukunin e 'di yan sa akin at baka may mangyari pa saakin ng masama kung gagawin ko iyon. Marami na ngang kababalaghan ang nangyari sa amin rito, ito pa kaya.

Hindi ko nalang pinansin ang mga boteng iyon at sinarado na ang kabinet. Hindi na rin kami nagreklamo na maghanap ng makakain dahil mukhang wala kaming gana.

Nakahiga kaming tatlo at mukhang medyu nasikipan kami ng pwesto pero kaya pa naman kahit papaano. Matagal na katahimikan ang bumabalot sa amin at nakatingin lang sa kisame pero binasag iyon ng magsalita si Lyda.

"Guys...kailan tayo makakauwi? I'm sure nag-alala na sila sa pagkawala natin," malungkot na wika ni Layda.

"Hindi ko alam, basta ang alam ko ay kung saan tayo nagsimulang mapunta rito ay iyon ang babalikan natin." Seryosong sabi ko. Sa una palang e may hinala na ako pero isinawalang bahala ko iyon.

"Ang ibig mong sabihin ay iyong wishing well?" Tumango lang ako kay Famiey.

"Kaya bukas babalik tayo roon." Ngiting sabi ko sakanila hanggang sa mapagdesesyon naming matulog na kami dahil sa pagod.

Eviehelle: The Last NecromancerWhere stories live. Discover now