Evie's POV
"Don't hawak-hawak me! You ugly creature! Let me go! Ugh!"
"L-layda!" Gulat na sabi ko sa pangalan niya. Sinuntok ng leader ang sikmura ni Layda dahilan para manahimik ito at namilipit sa sakit. Kumuyom ang palad ko. Gusto ko'ng umiyak sa nakikita ko ngunit pinigilan ko. Hindi oras ngayon para umiyak at ipakitang mahina ako.
Inangat ng lalaki ang pagkakahawak sa buhok ni Layda para makita ng maayos ang mukha niya. Napayuko siya kasi ng masuntok siya sa sikmura. Pinilit ko'ng tumayo para tulungan si Layda. Kita ko sa mga mata niya ang takot at sakit.
Nilagay ng lalaki ang hintuturo niya sa ilalim ng baba ni Layda at inangat ang ulo nito para matitigan ng maayos ito.
"Ang ingay mo. Isang suntok lang pala ang magpapatahimik sayo e." Napangisi siya ng makita ang takot sa mata ni Layda. Ako naman ay nanginginig na tumayo. Napahawak ako sa punong patay para masuporta ang pagtayo ko ngunit napadaing ako ng hablutin ng lalaking sumakal sakin ang buhok ko.
"A-ahhh!" Pumiglas ako sa sakit dahil parang matatanggal ata lahat ng anit ko. Napangisi naman siya at may malalagkit na tingin sakin. Shit, masama 'to. Hindi pa ako nakakuha ng lakas.
"E-evie!"
"May lakas ka pa pala para tumayo? Pwes, magtutuos tayong dalawa. Dadalhin ko lang 'tong babae Kul," pagpapaalam niya sa lalaking siguro 'yong leader nila.
"W-wait! Where niyo siya dadalhin ba! No! Evie! Evie!" Pumiyok na sa kakasigaw si Layda kaya na patingin ako sakanya. Tiningnan ko siya na magiging okey lang ang lahat.
"Tumahimik ka!" Lihim nalang na umiyak si Layda habang tinitignan ako.
"S-sandali! Wala sila kinalaman dito! Kami ang kailangan niyo! Pakawalan niyo sila!" Sigaw ni Kyle na nakatali. Kahit hinang-hina man ay nakaya niya pang magsalita sa nangyari sakanila. Napatigil ang humawak sa buhok ko at napangising binalingan ng tingin ang apat na binata na nakatali.
"Tsk! Wala kang paki ko'ng anong gagawin namin dahil katulad niyo sila kaya damay-damay na lang. Hahahaha!" Tumawa silang lahat sa sinabi ng lalaki.
Isip Evie kung anong gagawin mo. Sana wag lumabas si Famiey sa pinagtataguan niya dahil baka mas lalong lumala ang sitwasyon. Natahimik si Kyle at nanlilisik ang mga mata ng apat na tinitignan ang mga rebelde.
"Ikaw bata, may sasabihin kaba?" Nilayo ni Layda ang mukha niya sa lalaki na malapit sa mukha nito at inamoy-amoy ang leeg niya.
"Mabango mga pre! Hahaha!" Tumawa sila muli ng malademonyo. Naiinis ako sa bawat halakhak nila, nanggigil akong patayin ang mga rebeldeng ito. Binabastos nila si Layda!
"Waaahhh!!!" Napasigaw sa iyak si Layda ng dilaan ng lalaki ang leeg niya kaya nandidiring lumayo at pumiglas siya sa lalaki. Hindi ko na mapipigilan ang pangbababoy nila sa kaibigan ko. Mas pumiglas pa ako sa nanghihila sa buhok ko para mapatigil ko siya sa kakahatak sakin kung saan man niya ako dadalhin. Hindi ako papayag na magtagumpay sila! Kayo rin ang dahilan sa muntik ng may mangyari kay Famiey dahil sa sakit niya tapos si Layda naman.
YOU ARE READING
Eviehelle: The Last Necromancer
FantasyI can manipulate your souls in my different ways. I am not a wizard nor witch but I can do whatever magic they can because I'm different from what you think because I'm Eviehelle.....the Last Necromancer.