Evie's POVMabilis ang takbo namin simula ng makaalis kami sa tali. Pero si Layda at Famiey ay kinarga ng dalawang lalaki na parang sako dahil sa masama ang pakiramdam ni Famiey at walang lakas itong tumakbo pero si Layda ay inakala nilang apat na wala itong malay pero rinig ko namang humilik ito ng mahina.
Napailing nalang ako dahil sa matulugin ni Layda. Mukhang binabalewa naman ito ng kasamahan naming na mga lalaki na kasing-edaran lang namin.
"Ayon sila Boss!" Sigaw ng nasalikuran namin kong saan kami nanggaling kanina.
Nagitla ako sa gulat. Rinig kong napasinghap ang kasamahan ko at walang lingon-lingon ay mas binilisan pa nila ang pagtakbo. Nakita nila kami! Kaya mas inigihan ko pa ang pagtakbo. Ayaw kong maging pabigat sakanila. Sila na nga ang tumulong saamin, kami pa ang makapahamak sakanila.
Halos madapa ako sa kakatakbo upang matakasan iyong mga rebelde na humahabol saamin. Mukhang napakarami nila dahil ilang maiingay ang naririnig ko.
Marami kaming nadaanan na pasikot-sikot. Kaya pakiramdam ko ay malalagotan ako ng hininga.
Naaawa na nga kong tinignan si Famiey dahil mukhang masusuka naman ito at namumutla na. Iniwas ko agad ang tingin ko sakanya dahil sa guilty na aking naramdaman. Bilang kaibigan wala akong magagawa sakanyang sitwasyon.
Nasa likuran nila ako kaya kita ko sila na buhat-buhat ang dalawa kong kaibigan. Lumiko kami sa gilid at bigla akong ginapangan ng takot sa dereksyong napuntahan namin. Isa kasi itong madilim at mala-ugat na daraanan at may mga ugat rin na nasa ibabaw. Pakiramdan ko gumagalaw ito.
Hinawi nila agad iyong ugat na nakaharang sa daan na nakakunekta sa ibabaw, parang kurtina lang.
Pumasok na kami sa madilim pero inilawan ito ng isang kasamahan nila gamit ang wand. Umupo na sila. At Inalalayan naman nila ang dalawa kong kaibigan na maka-upo. Nakasandal si Layda habang tulog pero si Famiey naman ay tumayo at pumunta sa gilid upang magsuka.
Lumapit naman ako doon at inalalayan na sumuka sa gilid si Famiey habang hinahagod ko ang likod niya. Hindi ko pa rin tinitigan ang apat na lalaki dahil di ko alam kong anong sasabihin ko. Mag pasamalat? Sabagay natulungan nila kami.
"Dito muna tayo para di nila tayo mahanap. Magpalipas muna tayo ng ilang oras bago umalis rito." Sabi ng isa na di ko pa rin kilala.
Bakit ba sila tumatakbo sa Rebelde na tinatawag nila raw? Bakit di sila lumaban e kita ko naman ang ginawa nila sa dalawang rebelde na iyon. At may kapangyarihan sila.
"Kunti lang ang alam ko sa spell. Kung hindi lang sana kinuha ng headmaster ang spell book natin ay pwede nating labanan iyong mga maangas na rebelde." Yamot na boses ang narinig ko galing sakanila.
"Kahit may spell book o wala ay wala tayong laban sakanila dahil manghihina lang tayo pagmarami tayong na ipalabas na mahika. At isa pa may kakaiba silang taglay simula ng tinalikuran nila ang pinanggalingan nila."
YOU ARE READING
Eviehelle: The Last Necromancer
FantasíaI can manipulate your souls in my different ways. I am not a wizard nor witch but I can do whatever magic they can because I'm different from what you think because I'm Eviehelle.....the Last Necromancer.