Eviehelle's POV
Napatingin ako sa labas ng sumilay ang silak ng araw sa balat ko. Lumabas na kami sa treehouse habang ako ay nakahimas sa pisngi kong namaga ata sa paghampas saakin ni Layda.
"Uy, Evie~ sorry na. We didn't mean it to sampal you. Hehe..kasi naman e...hoy Famiey magsalita ka naman dyan." Nginuso ako ni Lyda at tinignan si Famiey na siya na ang mag explain. Ako? Hindi pa rin ako nagsasalita dahil hindi pa nagsink-in sa akin ang nangyari kanina. Hindi pa rin ako makapaniwalang isa iyong panaginip! Pakiramdam ko totoo talaga iyon! Ramdam ko e!
"Tama si Layda, Evie. Nabangungut ka kasi at kailang beses ka naming ginising pero hindi ka pa rin gumising at kinakabahan na kami agad para sa iyo kaya wala kaming nagawa kundi sampalin ka ng malakas upang magising ka. Sorry talaga." Nakayukong sabi ni Famiey na parang nagpipigil na umiyak. Si Layda naman ay tumango lang at suminghot dahil sa sipon at naluluhang tinitigan ako. Hindi naman big deal sa akin na masampal ako pero ang iniisip ko ngayon ay iyong panaginip ko.
"Wala naman iyon sa akin. May iniisip lang ako kaya hindi ako nakapagsalita matapos niyo akong masampal, just forget about that okey. Nangyari na ang nangyari kaya simulan na nating puntahan ang wishing well upang makauwi na tayo bago pa tayo makita ng ibang nilalang dito." Pabirong sabi ko. Ayaw kulang sila maguilty upang di na sila mangulit sa nangyari kanina.
Nanlaking mata nila akong tinitigan at yinakap nila ako ng mahigpit. Ugh! Di ako makahinga.
"Akala namin di kana magising e~" humagulhol silang dalawa kaya ginantihan ko sila ng yakap.
"Tsk! Ang drama niyo, tara na nga. Baka abutan tayo ng gabi rito kung di kayo magsitigil dyan kakaiyak, mukhang malayo-layo ata iyon? Saan nga iyong nadaanan natin kahapon?" Kunwaring tanong ko upang maiba ang topic. Pinunasan naman ni Layda ang luha at si Famiey rin.
"This way, kahapon kasi when we lakad I use my imported lipstick to mark the tree. Just in case you know~" nakaturo ang kamay niya kung saan kaming dumaan at masaya niyang tinahak iyon. Umiling-iling nalang ako sa akto niya na parang bata. Si Famiey naman ay sumunod kay Layda. Bigla naman akong nalungkot dahil sa panaginip ko, pakiramdam ko totoo talaga iyon.
Napatingala kong tinitigan ang treehouse at hinawakan ang leeg ko kung talaga bang may kwentas siyang binigay sa akin. To my surprise ay may malamig na bagay akong nahawakan at iyon nga! Isang kwentas...katulad ng binigay niya. Napangiti nalang ako. Alam kong weird na paniwalaan ko iyon pero naging masaya akong makilala siya.
YOU ARE READING
Eviehelle: The Last Necromancer
FantasyI can manipulate your souls in my different ways. I am not a wizard nor witch but I can do whatever magic they can because I'm different from what you think because I'm Eviehelle.....the Last Necromancer.