Famiey's POV
"E-evie..." sabay na sabi namin ni Layda. Napapikit siya ng mariin at dinilat muli. Parang di mapakali ito sa pwesto niya pero naging seryoso ito bigla.
"Evie! It's that you nga. Mabuti your ligtas. Gosh Okey ka lang ba? Anung-"
"Aishh mamaya. Wala na tayong oras, sakay na!"
Nagulat ako ng biglang nagkaroon ng pitong buntot ang halimaw at biglang pumulupot ito sa beywang ko at ganun rin ang kasamahan ko naikinagulat rin nila habang pinasakay kami sa malaking nilalang na sinasakyan ni Evie.
Napahawak ako ng mahigpit sa balhibo dahil bigla itong tumakbo ng mabilis. Kahit di kumportable ay pilit kong wag mahulog dahil sa pwesto ko, kumbaga kami lang tatlong babae na nakasakay sa likuran ng nilalang nito at ang apat ay nasa likuran habang nakapulupot pa rin sa kanila ang buntot sa beywang.
"Sabi na ngang your still alive Ev-" naputol ang sasabihin ni Layda agad ng magsalita muli si Evie.
"Wag muna ngayon Layda." seryosong sabi nito, mababakas mong parang may hindi magandang mangyayari.
"Akie tignan mo kung may sumusunod!"
Napakunot ang noo kung sinong Akie ang tinatawag niya at naguguluhan ako kung sinong sumusunod.
"Anong pinagsasabi mo Ev-" naputol muli ang tanong ni Layda dahil napamura ang kasamahan namin sa likuran.
"Tang'na! Mga rebelde!" Inis na Sabi ni Jerd. Napabaling rin ang tingin ko sa likuran dahil sa bigla.
Napakarami nila. Ang bibilis nilang tumakbo kahit ang lalaki ng katawan nila. Ang iba naman ay nakasakay ng kabayong itim na parang usok ang mga paa nito habang tumatakbo. Nakakatakot. Napalunok ako at napakapit ng mabuti.
Umulan ng pana sa gilid namin kaya mas lalo akong kinabahan. Buti nalang naka-iwas ang nilalang na sinakyan namin.
Rinig kong nag-eenchant sila Drex ng mahika nila gamit ang wand. Para patamaan nila ang mga rebelde.
Kita kong lumingon si Evie sa likuran at tiim bagang tumingin sa rebeldeng nakangisi habang papalapit na ito sa gilid namin ni Layda. Nakasakay rin ito sa kabayong itim at kumuha siya ng pangpana sa likod at tatamaan niya kami! Mukhang di naramdaman ng kasama namin sa likuran dahil busy sila sa ibang rebelde.
Nanlilisik kong tinitigan ang rebeldeng gusto kaming panain pero mas ikinagulat kong tumalon si Evie roon at sinipa ang rebelde pero hindi madaling mahulog ito.
"Oh my gosh! E-evie! Waahh mahuhulog si Evie! Si Evie!" Nagpanik kaming dalawa ni Layda dahil sa ginawa ni Evie.
Bakit kasi tumalon siya ng biglaan roon!?
Buti nalang nakakapit agad siya sa kabayo at kita kong napangiwi siya sa pwesto nito dahil di magtatagal ay mahuhulog na siya.
Maghihigante na sana ng suntok ang rebelde sa ginawa niya pero naunahan siya bigla ni Evie ng tadyak sa tyan at kinuha ang mga pana nito.
Napasinghap kami ni Layda dahil sa takot kung anung mangyari sakanya dahil akala namin mahuhulog siya sa sakayan ng kabayo. Buti naagapan niyang makasakay ng maayos. Lumingon siya sa likod at ginamit ang panang kinuha niya sa rebelde. Pinatama niya ang sumusunod samin.
YOU ARE READING
Eviehelle: The Last Necromancer
FantasyI can manipulate your souls in my different ways. I am not a wizard nor witch but I can do whatever magic they can because I'm different from what you think because I'm Eviehelle.....the Last Necromancer.