It's been a long~~~time readers. Sorry ngayon lang nkabalik. Na full storage kasi daming files sa module no choice na delete ko yong apps. Happy reading readers.-haydeniey_blue
***************************
Eviehelle's POV
Tiningnan ko muli si Adam kung napapansin niya ba si Kie sa bintana habang natutulog ito. Ngunit parang abala naman si Adam sa ginagawa kaya pinuntahan ko si Kie. Hindi naman ako pinansin ni Adam kaya kinuha ko na si Kie sa may bintana.
Mukhang nagulat pa ito at agad ko namang tinago sa suot kong cloak. Para naman siyang kinidnap dahil sa likot.
"Shh...wag ka ngang malikot Kie." Bulong na sabi ko rito. Kaya huminahon naman ito ng makilala ang boses ko at nagpapacute bigla. Sinamangutan ko nalang at lumingon muli kay Adame.
"What are you doing?" Bahagya akong nagulat ngunit pasimple akong humarap sakanya.
"W-wala, may tinitignan lang. Siya nga pala tapos na ba tayo?" Pag iiba ko.
Mukhang hindi naman niya napansin si Kie dahil bumalik na siya sa ginawa niya. Nakakunot noo lang siya at seryoso.
"I don't know pero mukhang may kulang." Nakita kong tumulo ang pawis niya sa noo habang tinignan ang libro at sa ginawa naming potion.
"Patingin?"
Mayroon don na picture nang potion at may likido na yellow? Napatingin naman ako sa resulta na ginawa ni Adame. Ang potion na ginawa niya ay mukhang may pag ka dark green? At hindi naman yellow."Siguro may kulang?" Nalukot lalo 'yong mukha ni Adam at napakati sa kilay. Mukhang hindi niya ata alam kong paanong gumawa ng potion. Nakahinga naman ako nang maluwag kung ganun. Kasi parehong kaming walang alam ata.
"Kung nandito lang si Kyle siguradong tapos natu. Haysh!"
Parang na stress pa ito kaysa sakin pero di kalaunan humarap ito sakin habang seryosong nakatingin.
"Dito ka lang. May pupuntahan muna ako sanadali lang 'to."
"Okey?" Parang weird pa 'kong tinignan ni Adam pero nginitian ko nalang pero tumalikod na ito agad at lumubas.
Napaisip ako kung saan ito pupunta. Siguro kukuha nang ibang ingredients. Sabi niya kasi may kulang. Nagkibit balikat na lang ako. Sandali lang naman raw, okey nga 'yon kinakabahan ako pag nandito si Adam. Pero kailangan ko munang umalis pero paano naman ang project nito?
Lumabas bigla ang ulo ni Kie sa cloak ko at tumingala sakin.
"Kung hindi dahil sayo hindi ako mapupunta rito. Ang kulit mo kasi Kie."
Napatingin muli ako sa potion at sa libro. Paano ba 'to? Hinawakan ko ang libro ng biglang parang may tumusok sa daliri ko naikagulat ko at nabitawan. Meron atang matulis na maliit na bagay sa libro at hindi ko ito nakita.
Pinulot ko nalang ang libro at tinignan ang potion ng makita kong natalsakin ito ng maliit na dugo. Nagpanic ako pero hindi panaman napunta sa liquid ang dugo ngunit nasa loob malapit sa takip. Kinuha ko ng dahan-dahan at linisin 'yong dugo sa loob ngunit gumalaw si Kie at parang gustong lumabas ng biglang nagalaw 'yong liquid at napasama na ang dugo ko doon. Mas lalong nag panic ako. Nilagay ko ito sa lamesa. Napahinga ako ng malalim.
Bahala na aalis na ako rito bago pa ako mahuli. Walang lingon-lingon ay lumabas na ako sa lab. Sinuot ko na ang hood para hindi ako makilala. Malapit naman 'yong dinaanan ko kaya okey lang hindi nila ako mapapansin. Ngunit hindi hinaasan ay may nakabangga ako.
"Ouch! Tumingin ka nga sa daan!" Pagalit nitong sabi at parang sesermunan pa ata ako. Napayuko ako at nagpaumanhin sa nakabangga ko. Hindi ko makita ang kanilang mukha dahil sa hood.
"Ano ka ba Eva. Hayaan mo na malapit na tayo sa lab. Ba't ba napahiwalay ka ni Adam. Wala ng time dapat gagawa na kayo ng potion". I flinced. Sinabi ba niya na si Eva 'yong nabangga ko? At pamilyar ang babae na kasama ni Eva raw. Siya iyong humila sakin kanina.
"Hmp! Pasalamat ka maganda yong mood ko ngayon". Yumuko ako sakanila at tinalikuran para umalis na agad. Hindi ko na sila nilingon pa natatakot ako baka ma suspetsya pa. Buti nalang, ngunit na curious rin ako sa mukha ni Eva. Napailing ako. Ang importante makalabas na ako rito.
Ilang minuto palang ay nakabalik na ako saaming tinutuluyan muna. Buti naalala ko pa ang dinadaanan ko kanina. Pinakawalan ko na si Kie na tumatakbo papunta sa pinto. Pagod ko lang itong binuksan at bungad ang mukha nila Lyda at Famiey nakaupo. Mukhang hinihintay nila akong bumilik. Ngingitian ko na sila sana dahil ang seseryoso ang mukha nang biglang may sumira sa pinto ng makapasok ako. Napahinto ako sa bigla ng marinig ko ang boses na 'yon.
"Mabuti at nakabalik kana Ev".
YOU ARE READING
Eviehelle: The Last Necromancer
FantasíaI can manipulate your souls in my different ways. I am not a wizard nor witch but I can do whatever magic they can because I'm different from what you think because I'm Eviehelle.....the Last Necromancer.