Chapter 19-Albino Fox

1.7K 66 1
                                    

Evie's POV

Tahimik akong nagmamasid sa masukal na dinaraanan namin. Nakikinig lang sa mga hinabilin ni Kyle pero hindi kami pwede tumulong raw sakanila dahil mapapahamak kami. Hindi raw ordinaryong sangkap ang kukunin namin dahil parang may mga buhay ito. Naiintindihan rin namin pero gusto ko ring tumulong para di kami pabigat.

Lahat sila may dalang malaking bag na kumbaga parang magcacamp lang sa gubat. Kaming tatlo lang ang walang dala syempre dahil wala naman talaga kaming dala ng mapunta rito sa mundo nila.

Hawak naman ni Drex ang mapa. Mapa kung saan ang lugar na masisilungan namin pag maabutan kami ng gabi at sa kanilang pakay na pupuntahan raw na di ko alam.

Napaisip rin ako, kaya pala may nakita ako sa loob ng puno na trapdoor at may daan para doon makapagtago. Naipaliwanag rin nila kung bakit may rebelde rin doon sa pinasukan naming trapdoor dahil raw nasundan sila at nalaman kung saan sila nagtatago at nagkataon na wala rin sila roon at pagbalik ayon nadatnan nilang may rebeldeng na nakapasok doon.

At ganun rin sa pinaglisanan naming lugar ay kung saan kami natulog kagabi isa rin 'yon na safe mapagtaguan. Iyon daw ang nakalagay rin sa mapa at isa pa para sa mga may mission raw dapat ang nakakaalam sa lugar na iyon para sa kaligtasan rin nila.

May ilan silang pinaliwanag samin pero hindi lahat. Hindi ko rin sila masisising di pa sila gaanong nagtitiwala samin pero ang importanteng matulungan nila kami ng makauwi.

Napangiwi ako ng may maapakang malagkit sa lupa. Ugh, parang katulad ng laway ng halimaw na tumama sa ulo ko noong nasa lawa kami. Tsk.

Inangat ko ang paa ko at parang bubble gum na uminat ito. Napatingin ako sa kasama kung ganun rin ang ginawa dahil parang dumikit na sa mga sapatos namin. Bakas sa mukhang nila ang pandidiri. Ba't ba dito kami dumaan?

Napatingin ako sa gilid kung may madaan din ba na di malagkit pero wala, ganun rin ang sa kabilang daan. No choice pero dapat tiis-tiis muna na lakarin ito hanggang makapunta sa unahan na wala ng malagkit.

"EwwW....." ani Lyda na nakangiwi at mandiri sa naapakan. Ganun din si Famiey. Tahimik lang akong pinag papahid sa damo ang naapakan. Buti nakawala ako doon. Pero siguradong baka may halimaw rito. Kainis...problema naman 'to pagnagkataon.

"Ano ba yan ang lagkit..." ani Jerd na nakangiwi rin at nahihirapan.

"Sshhh...tumahimik kayo baka may makarinig na halimaw rito," hirap na makaalis si Drex pero nakaalis naman siya agad doon sa mga malalagkit na bagay sa daan at pinahid naman sa damo ang sapatos niyang malagkit. Napatingin ako sa kasama kong parang robot maglakad dahil sa lagkit.

Kumuha ako ng kahoy at tinuon kina Famiey at Lyda para mahawakan at mahila ko sila ng makawala sila sa malagkit na bagay.

"Gosh...thanks Evie...arrgh my shoes so eww na." Napailing nalang ako sa sapatos ni Lyda ng mapadako ang tingin ko roon. Napatingin naman agad ang tingin ko kay Famiey na nakabusangot ang mukha.

"Ba't di niyo ginamit ang powers niyo para mawala ito at makadaan ng maayos?" Mahinang tanong ni Famiey habang nakaturo sa daan na malagkit. Napatingin naman sakanya ang apat.

Sumang-ayon rin ako kay Fameiy at napatingin sa apat.

"Hindi kami pwedeng mag sayang ng kapangyarihan dahil may limitasyon rin ang mahika namin," bagot na sagot ni Jerd habang tinignan ulit ang sapatos nito.

Eviehelle: The Last NecromancerWhere stories live. Discover now