Evie's POV
"Tignan mo nga Drex oh, ingat ka baka bumuga ulit,"
"Tumahimik ka nga Jerd. Titigna ko pa nga lang, kinakabahan ako sayo e."
"Patingin, woah! Anong klaseng mahika ba ito? Ito na ba ang bagong mahika na ginagamit ng mga Fiernorism? Ano sa tingin mo Adam?"
"....."
"Ay na snob ka Kyle ahahaha!"
"Tsk!"
Paparating palang kami sa pwesto ng apat ay rinig na rinig namin ang ingay ng mga boses nila. Hindi ko alam kung anong pinag-uusapan nila pero ng makalapit kami ay bigla akong napapoker face sa hinahawakan nila.
Lighter lang naman ang hawak nila. Iyong stun gun disguise ni Layda. Pinagpapasahan nila ito habang curious na pinagmasdan ang bagay na'yon. Ngayon lang ba sila nakakita ng ganyan?
Palihim na humagikhik sa likuran ko sila Layda at Famiey habang pinagmasdan ang tatlong nag-aagawan ng Lighter. Nasa pabilog ng lamesa ang tatlo at naka-upo. Pero iyong Adam nilang kasama ay nakahulikipkip na nakatayo sa gilid nila pero halatang nagtataka rin siya sa lighter. Mukhang hindi pa nila kami napapansin dahil medyo madilim sa pwesto namin.
Inilibot ko muna ang paningin sa loob. Masyadong masikip ang space sa rami namin rito. May kabinet rin akong nakikita ngunit maliit at nasa gilid ito naka pwesto. Ang ilaw naman ay dalawang torch para magsilbing ilaw sa loob. May nakikita rin akong dalawang pinto, ewan hindi ko pa alam kung ano ang nasa loob roon? Kwarto nila siguro?
Napabaling naman ang tingin ko sa isa pang daan papuntang? Kusina siguro? May kagamitan kasi akong nakikita para sa mga pagluluto. Malapit lang dito sa pwesto namin kaya kita kahit pasikip papunta r'on.
Binaling ko agad ang atensyon sa apat na mukhang tanga dahil nabigla ito ng sumiklab ang lighter kaya nabitawan nila ito at hinanda ang wand nila kung sakaling atakihen sila ng lighter.
Akala siguro nila may buhay ang lighter? Napa-rolled eyes ako sa pinanggagawa nila. Halata ngang di nila kilala ang lighter.
"Gago, muntik na'yon! Anong ginawa mo Jerd?! Nagalit tuloy kaya bumuga, bwesit nito baka atakihen ako sa puso." Sabi ng di ko kilala pang kasamahan nila pero sigurado akong siya si Drex dahil iyon ang narinig kong pangalan kanina.
"Arte nito, hindi ako yon si Kyle yon e."
"Hoy Jerd mas lalong hindi ako. Hindi ba baby Fire? Hindi ako, sabihin mo nga sakanila kung sino ang gumalit sayo? Bugahin mo nga," May lambing na sabi ng Kyle na'yon. Hinihimas himas niya pa ang lighter na parang aso.

YOU ARE READING
Eviehelle: The Last Necromancer
FantasiI can manipulate your souls in my different ways. I am not a wizard nor witch but I can do whatever magic they can because I'm different from what you think because I'm Eviehelle.....the Last Necromancer.